Check out the new design

Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) - Centro Rowad At-Taryama * - Índice de traducciones

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Traducción de significados Capítulo: Al-Baqara   Versículo:
وَإِذَا قِيلَ لَهُمُ ٱتَّبِعُواْ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ قَالُواْ بَلۡ نَتَّبِعُ مَآ أَلۡفَيۡنَا عَلَيۡهِ ءَابَآءَنَآۚ أَوَلَوۡ كَانَ ءَابَآؤُهُمۡ لَا يَعۡقِلُونَ شَيۡـٔٗا وَلَا يَهۡتَدُونَ
Kapag sinabi sa kanila: “Sumunod kayo sa pinababa ni Allāh” ay nagsasabi sila: “Bagkus sumusunod kami sa nasumpungan namin sa mga magulang namin.” Kahit ba nangyaring ang mga magulang nila ay hindi nakapag-uunawa ng anuman at hindi napapatnubayan?
Las Exégesis Árabes:
وَمَثَلُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ كَمَثَلِ ٱلَّذِي يَنۡعِقُ بِمَا لَا يَسۡمَعُ إِلَّا دُعَآءٗ وَنِدَآءٗۚ صُمُّۢ بُكۡمٌ عُمۡيٞ فَهُمۡ لَا يَعۡقِلُونَ
Ang paghahalintulad sa mga tumangging sumampalataya ay gaya ng paghahalintulad sa umuunga sa hindi nakaririnig maliban sa isang tawag at isang panawagan. Mga pipi na mga bingi na mga bulag, kaya sila ay hindi nakapag-uunawa.
Las Exégesis Árabes:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُلُواْ مِن طَيِّبَٰتِ مَا رَزَقۡنَٰكُمۡ وَٱشۡكُرُواْ لِلَّهِ إِن كُنتُمۡ إِيَّاهُ تَعۡبُدُونَ
O mga sumampalataya, kumain kayo mula sa mga kaaya-aya na itinustos sa inyo. Magpasalamat kayo kay Allāh, kung kayo ay sa Kanya sumasamba.
Las Exégesis Árabes:
إِنَّمَا حَرَّمَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡمَيۡتَةَ وَٱلدَّمَ وَلَحۡمَ ٱلۡخِنزِيرِ وَمَآ أُهِلَّ بِهِۦ لِغَيۡرِ ٱللَّهِۖ فَمَنِ ٱضۡطُرَّ غَيۡرَ بَاغٖ وَلَا عَادٖ فَلَآ إِثۡمَ عَلَيۡهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٌ
Ipinagbawal lamang sa inyo ang namatay,[36] ang dugo, ang laman ng baboy, at ang anumang inialay sa iba pa kay Allāh; ngunit ang sinumang napilitan nang hindi lumalabag ni lumalampas ay walang kasalanan sa kanya. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
[36] O ang karne na hayop na namatay na hindi nakatay ayon sa panuntunan ng Islam.
Las Exégesis Árabes:
إِنَّ ٱلَّذِينَ يَكۡتُمُونَ مَآ أَنزَلَ ٱللَّهُ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ وَيَشۡتَرُونَ بِهِۦ ثَمَنٗا قَلِيلًا أُوْلَٰٓئِكَ مَا يَأۡكُلُونَ فِي بُطُونِهِمۡ إِلَّا ٱلنَّارَ وَلَا يُكَلِّمُهُمُ ٱللَّهُ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وَلَا يُزَكِّيهِمۡ وَلَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Tunay na ang mga nagtatago ng pinababa ni Allāh mula sa kasulatan at bumibili kapalit nito ng isang kaunting panumbas, ang mga iyon ay walang kinakain sa mga tiyan nila kundi ang apoy. Hindi kakausap sa kanila si Allāh sa Araw ng Pagbangon at hindi Siya magbubusilak sa kanila. Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit.
Las Exégesis Árabes:
أُوْلَٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ ٱشۡتَرَوُاْ ٱلضَّلَٰلَةَ بِٱلۡهُدَىٰ وَٱلۡعَذَابَ بِٱلۡمَغۡفِرَةِۚ فَمَآ أَصۡبَرَهُمۡ عَلَى ٱلنَّارِ
Ang mga iyon ay ang mga bumili ng kaligawan kapalit ng patnubay at ng pagdurusa kapalit ng kapatawaran. Kaya anong mapagtiis nila sa Apoy!
Las Exégesis Árabes:
ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱللَّهَ نَزَّلَ ٱلۡكِتَٰبَ بِٱلۡحَقِّۗ وَإِنَّ ٱلَّذِينَ ٱخۡتَلَفُواْ فِي ٱلۡكِتَٰبِ لَفِي شِقَاقِۭ بَعِيدٖ
Iyon ay dahil si Allāh ay nagbaba ng kasulatan kalakip ng katotohanan. Tunay na ang mga nagkaiba-iba hinggil sa kasulatan[37] ay talagang nasa isang hidwaang malayo [sa katotohanan].
[37] dahil sa paniniwala sa mga ibang bahagi at pagtanggi sa mga iba pa at pagkukubli ng mga iba pa.
Las Exégesis Árabes:
 
Traducción de significados Capítulo: Al-Baqara
Índice de Capítulos Número de página
 
Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) - Centro Rowad At-Taryama - Índice de traducciones

Traducida por el equipo del Centro Rowad At-Taryamah en cooperación con la Asociación de Dawah en Rabwa y la Asociación para el Servicio del Contenido Islámico en Idiomas.

Cerrar