Check out the new design

Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) - Centro Rowad At-Taryama * - Índice de traducciones

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Traducción de significados Capítulo: Al-Baqara   Versículo:
وَٱقۡتُلُوهُمۡ حَيۡثُ ثَقِفۡتُمُوهُمۡ وَأَخۡرِجُوهُم مِّنۡ حَيۡثُ أَخۡرَجُوكُمۡۚ وَٱلۡفِتۡنَةُ أَشَدُّ مِنَ ٱلۡقَتۡلِۚ وَلَا تُقَٰتِلُوهُمۡ عِندَ ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِ حَتَّىٰ يُقَٰتِلُوكُمۡ فِيهِۖ فَإِن قَٰتَلُوكُمۡ فَٱقۡتُلُوهُمۡۗ كَذَٰلِكَ جَزَآءُ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Patayin ninyo sila [na mga tagalabag] saanman kayo makasumpong sa kanila at palisanin ninyo sila mula saanman sila nagpalisan sa inyo. Ang panliligalig ay higit na matindi kaysa sa pagpatay. Huwag kayong makipaglaban sa kanila sa tabi ng Masjid na Pinakababanal [sa Makkah] hanggang sa kumalaban sila sa inyo rito. Ngunit kung nakipaglaban sila sa inyo rito ay patayin ninyo sila. Gayon ang ganti sa mga tagatangging sumampalataya.
Las Exégesis Árabes:
فَإِنِ ٱنتَهَوۡاْ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورٞ رَّحِيمٞ
Ngunit kung tumigil sila, tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
Las Exégesis Árabes:
وَقَٰتِلُوهُمۡ حَتَّىٰ لَا تَكُونَ فِتۡنَةٞ وَيَكُونَ ٱلدِّينُ لِلَّهِۖ فَإِنِ ٱنتَهَوۡاْ فَلَا عُدۡوَٰنَ إِلَّا عَلَى ٱلظَّٰلِمِينَ
Makipaglaban kayo sa kanila hanggang sa walang mangyaring panliligalig at ang relihiyon ay sa kay Allāh. Kaya kung tumigil sila ay walang pang-aaway kundi sa mga tagalabag sa katarungan.
Las Exégesis Árabes:
ٱلشَّهۡرُ ٱلۡحَرَامُ بِٱلشَّهۡرِ ٱلۡحَرَامِ وَٱلۡحُرُمَٰتُ قِصَاصٞۚ فَمَنِ ٱعۡتَدَىٰ عَلَيۡكُمۡ فَٱعۡتَدُواْ عَلَيۡهِ بِمِثۡلِ مَا ٱعۡتَدَىٰ عَلَيۡكُمۡۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ مَعَ ٱلۡمُتَّقِينَ
Ang Buwang Pinakababanal[45] ay katumbas ng Buwang Pinakababanal[46] at ang mga paglabag ay [may] ganting-pinsala. Kaya ang sinumang nangaway sa inyo ay awayin ninyo siya ng tulad ng pangangaway niya sa inyo. Mangilag kayong magkasala kay Allāh at alamin ninyo na si Allāh ay kasama ng mga tagapangilag magkasala.
[45] ng pagpasok sa Makkah
[46] ng pagbalakid sa pagpasok sa Makkah
Las Exégesis Árabes:
وَأَنفِقُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ وَلَا تُلۡقُواْ بِأَيۡدِيكُمۡ إِلَى ٱلتَّهۡلُكَةِ وَأَحۡسِنُوٓاْۚ إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلۡمُحۡسِنِينَ
Gumugol kayo ayon sa landas ni Allāh at huwag kayong magbulid sa pamamagitan ng mga kamay ninyo [sa mga sarili] sa kasawian.[47] Gumawa kayo ng maganda; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga tagagawa ng maganda.
[47] sa pamamagitan ng pagtigil sa pakikibaka sa landas ni Allāh at hindi paggubol dito.
Las Exégesis Árabes:
وَأَتِمُّواْ ٱلۡحَجَّ وَٱلۡعُمۡرَةَ لِلَّهِۚ فَإِنۡ أُحۡصِرۡتُمۡ فَمَا ٱسۡتَيۡسَرَ مِنَ ٱلۡهَدۡيِۖ وَلَا تَحۡلِقُواْ رُءُوسَكُمۡ حَتَّىٰ يَبۡلُغَ ٱلۡهَدۡيُ مَحِلَّهُۥۚ فَمَن كَانَ مِنكُم مَّرِيضًا أَوۡ بِهِۦٓ أَذٗى مِّن رَّأۡسِهِۦ فَفِدۡيَةٞ مِّن صِيَامٍ أَوۡ صَدَقَةٍ أَوۡ نُسُكٖۚ فَإِذَآ أَمِنتُمۡ فَمَن تَمَتَّعَ بِٱلۡعُمۡرَةِ إِلَى ٱلۡحَجِّ فَمَا ٱسۡتَيۡسَرَ مِنَ ٱلۡهَدۡيِۚ فَمَن لَّمۡ يَجِدۡ فَصِيَامُ ثَلَٰثَةِ أَيَّامٖ فِي ٱلۡحَجِّ وَسَبۡعَةٍ إِذَا رَجَعۡتُمۡۗ تِلۡكَ عَشَرَةٞ كَامِلَةٞۗ ذَٰلِكَ لِمَن لَّمۡ يَكُنۡ أَهۡلُهُۥ حَاضِرِي ٱلۡمَسۡجِدِ ٱلۡحَرَامِۚ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّ ٱللَّهَ شَدِيدُ ٱلۡعِقَابِ
Lubusin ninyo ang ḥajj at ang `umrah para kay Allāh ngunit kung nahadlangan kayo ay [mag-alay ng] anumang madaling nakamit na handog.[48] Huwag kayong mag-ahit ng mga ulo ninyo hanggang sa umabot ang handog sa pinag-aalayan dito. Ang sinumang kabilang sa inyo ay naging maysakit o sa kanya ay may isang pinsala sa ulo niya ay [magbibigay ng] isang pantubos na pag-ayuno [ng tatlong araw] o isang kawanggawa [na pagpapakain sa anim na dukha] o isang alay. Kung natiwasay kayo, ang sinumang nagpakatamasa ng `umrah [sa mga buwan ng ḥajj] hanggang sa ḥajj ay [mag-aalay ng] anumang madaling nakamit na handog. Ngunit ang sinumang hindi nakatagpo ay [magsasagawa ng] pag-aayuno ng tatlong araw sa ḥajj at pitong [araw] kapag bumalik kayo; iyon ay ganap na sampung [araw]. Iyon ay ukol sa sinumang ang mag-anak niya ay hindi mga nakadalo sa [paligid ng] Masjid na Pinakababanal.[49] Mangilag kayong magkasala kay Allāh at alamin ninyo na si Allāh ay matindi ang parusa.
[48] gaya ng tupa, kambing, baka, o kamelyo.
[49] Ibig sabihin: hindi residente ng Makkah.
Las Exégesis Árabes:
 
Traducción de significados Capítulo: Al-Baqara
Índice de Capítulos Número de página
 
Traducción de los significados del Sagrado Corán - Traducción al filipino (tagalo) - Centro Rowad At-Taryama - Índice de traducciones

Traducida por el equipo del Centro Rowad Al-Taryamah en cooperación con la Asociación de Dawah en Rabwa y la Asociación para el Servicio del Contenido Islámico en Idiomas.

Cerrar