ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم * - لیست ترجمه ها


ترجمهٔ معانی آیه: (33) سوره: سوره اسراء
وَلَا تَقۡتُلُواْ ٱلنَّفۡسَ ٱلَّتِي حَرَّمَ ٱللَّهُ إِلَّا بِٱلۡحَقِّۗ وَمَن قُتِلَ مَظۡلُومٗا فَقَدۡ جَعَلۡنَا لِوَلِيِّهِۦ سُلۡطَٰنٗا فَلَا يُسۡرِف فِّي ٱلۡقَتۡلِۖ إِنَّهُۥ كَانَ مَنصُورٗا
Huwag kayong pumatay ng taong nagsanggalang si Allāh sa buhay nito dahil sa isang pananampalataya o isang katiwasayan maliban kung naging karapat-dapat ito sa pagpatay dahil sa isang panunumbalik sa kawalang-pananampalataya o dahil sa isang pangangalunya matapos ng isang pag-asawa o dahil sa isang ganting-pinsala. Ang sinumang pinatay na nilabag sa katarungan nang walang isang kadahilanang pumapayag sa pagpatay rito ay nagtalaga nga Kami para sa sinumang tumatangkilik sa nauukol dito kabilang sa mga tagapagmana nito ng isang pangingibabaw laban sa pumatay rito. Kaya karapatan niya na humiling ng isang pagpatay sa pumatay bilang ganting-pinsala, karapatan niya ang magpaumanhin nang walang isang kapalit, at karapatan niya ang magpaumanhin at kumuha ng bayad-pinsala, ngunit huwag siyang lumampas sa hangganan na pinayagan ni Allāh para sa kanya sa pamamagitang ng pagluray-luray sa pumatay o sa pamamagitan ng pagpatay sa pumatay dahil sa hindi nito pinatay o sa pamamagitan ng pagpatay ng iba pa sa pumatay. Tunay na siya ay laging aalalayan at tutulungan.
تفسیرهای عربی:
از فواید آیات این صفحه:
• الأدب الرفيع هو رد ذوي القربى بلطف، ووعدهم وعدًا جميلًا بالصلة عند اليسر، والاعتذار إليهم بما هو مقبول.
Ang mataas na kaasalan ay ang pagtugon sa mga may pagkakamag-anak nang may kabaitan, ang mangako sa kanila ng isang magandang pangako ng pakikipag-ugnayan sa sandali ng ginhawa, at ang paghingi ng paumanhin sa kanila ayon sa kung ano ang tinatanggap.

• الله أرحم بالأولاد من والديهم؛ فنهى الوالدين أن يقتلوا أولادهم خوفًا من الفقر والإملاق وتكفل برزق الجميع.
Si Allāh ay higit na maawain sa mga anak kaysa sa mga magulang nila kaya sumaway Siya sa mga magulang na patayin sila dala ng isang pangamba sa karalitaan at paghihikahos at naggarantiya ng panustos sa lahat.

• في الآيات دليل على أن الحق في القتل للولي، فلا يُقْتَص إلا بإذنه، وإن عفا سقط القصاص.
Sa mga talata ng Qur'ān ay may patunay na ang karapatan kaugnay sa pagkapatay ay ukol sa katangkilik (pinakamalapit na kamag-anak) kaya hindi gaganti sa pinsala malibang ayon sa pahintulot niya. Kung nagpaumanhin siya ay maaalis ang ganting-pinsala.

• من لطف الله ورحمته باليتيم أن أمر أولياءه بحفظه وحفظ ماله وإصلاحه وتنميته حتى يبلغ أشده.
Bahagi ng kabaitan ni Allāh at awa Niya sa ulila ay nag-utos Siya sa mga katangkilik nito ng pangangalaga rito, pangangalaga sa ari-arian nito, pagpapabuti niyon, at pagpapalago niyon hanggang sa umabot ito sa ganap na gulang nito.

 
ترجمهٔ معانی آیه: (33) سوره: سوره اسراء
فهرست سوره ها شماره صفحه
 
ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم - لیست ترجمه ها

ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم. ناشر: مركز تفسير و مطالعات قرآنى.

بستن