ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم * - لیست ترجمه ها


ترجمهٔ معانی آیه: (271) سوره: سوره بقره
إِن تُبۡدُواْ ٱلصَّدَقَٰتِ فَنِعِمَّا هِيَۖ وَإِن تُخۡفُوهَا وَتُؤۡتُوهَا ٱلۡفُقَرَآءَ فَهُوَ خَيۡرٞ لَّكُمۡۚ وَيُكَفِّرُ عَنكُم مِّن سَيِّـَٔاتِكُمۡۗ وَٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ خَبِيرٞ
Kung maghahayag kayo ng ipinagkakaloob ninyo na kawanggawa sa pamamagitan ng salapi ay kay inam na kawanggawa ang kawanggawa ninyo! Kung magkukubli kayo nito at magbibigay kayo nito sa mga maralita, iyon ay higit na mabuti para sa inyo kaysa sa paghahayag nito dahil iyon ay higit na malapit sa pagpapakawagas. Sa mga kawanggawa ng mga nagpapakawagas ay may panakip sa mga pagkakasala nila at kapatawaran para sa mga ito. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid kaya walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga kalagayan ninyo.
تفسیرهای عربی:
از فواید آیات این صفحه:
• إذا أخلص المؤمن في نفقاته وصدقاته فلا حرج عليه في إظهارها وإخفائها بحسب المصلحة، وإن كان الإخفاء أعظم أجرًا وثوابًا لأنها أقرب للإخلاص.
Kapag nagpakawagas ang mananampalataya sa mga paggugol niya at mga kawanggawa niya ay walang pagkaasiwa sa kanya sa paglalantad sa mga ito at pagkukubli sa mga ito alinsunod sa kapakanan, bagamat ang pagkukubli ay higit na mabigat sa kabayaran at gantimpala dahil ito ay higit na malapit sa pagpapakawagas.

• دعوة المؤمنين إلى الالتفات والعناية بالمحتاجين الذين تمنعهم العفة من إظهار حالهم وسؤال الناس.
Ang pag-anyaya sa mga mananampalataya sa pagtuon at pagmamalasakit sa mga nangangailangan na pumipigil sa kanila ang pag-iwas sa paglalantad sa kalagayan nila at panghihingi sa mga tao.

• مشروعية الإنفاق في سبيل الله تعالى في كل وقت وحين، وعظم ثوابها، حيث وعد تعالى عليها بعظيم الأجر في الدنيا والآخرة.
Ang pagkaisinasabatas ng paggugol ayon sa landas ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa bawat oras at sandali, at ang bigat ng gantimpala nito yayamang nangako Siya – pagkataas-taas Siya – para rito ng mabigat na pabuya sa Mundo at Kabilang-buhay.

 
ترجمهٔ معانی آیه: (271) سوره: سوره بقره
فهرست سوره ها شماره صفحه
 
ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم - لیست ترجمه ها

ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم. ناشر: مركز تفسير و مطالعات قرآنى.

بستن