Check out the new design

ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه‌ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم * - لیست ترجمه ها


ترجمهٔ معانی سوره: شعراء   آیه:

Ash-Shu‘arā’

از اهداف این سوره:
بيان آيات الله في تأييد المرسلين وإهلاك المكذبين.
Ang paglilinaw sa mga tanda ni Allāh sa pagsuporta sa mga isinugo at pagpapahamak sa mga tagapagpasinungaling.

طسٓمٓ
Ṭā. Sīn. Mīm. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah.
تفسیرهای عربی:
تِلۡكَ ءَايَٰتُ ٱلۡكِتَٰبِ ٱلۡمُبِينِ
Ang mga ito ay ang mga talata ng Qur'ān na naglilinaw sa katotohanan mula sa kabulaanan.
تفسیرهای عربی:
لَعَلَّكَ بَٰخِعٞ نَّفۡسَكَ أَلَّا يَكُونُواْ مُؤۡمِنِينَ
Baka ikaw, O Sugo, dahil sa sigasig mo sa kapatnubayan nila ay papatay sa sarili mo dala ng lungkot at sigasig sa kapatnubayan nila.
تفسیرهای عربی:
إِن نَّشَأۡ نُنَزِّلۡ عَلَيۡهِم مِّنَ ٱلسَّمَآءِ ءَايَةٗ فَظَلَّتۡ أَعۡنَٰقُهُمۡ لَهَا خَٰضِعِينَ
Kung niloob Namin ang magpababa ng isang tanda sa kanila mula sa langit ay magpapababa Kami nito sa kanila kaya mananatili ang mga leeg nila na mga nakatungo roon na kaaba-aba. Subalit Kami ay hindi lumuob niyon bilang pagsusulit para sa kanila kung naniniwala ba sila sa Lingid.
تفسیرهای عربی:
وَمَا يَأۡتِيهِم مِّن ذِكۡرٖ مِّنَ ٱلرَّحۡمَٰنِ مُحۡدَثٍ إِلَّا كَانُواْ عَنۡهُ مُعۡرِضِينَ
Walang dumarating sa mga tagapagtambal na ito na isang pagpapaalaalang bago ang pagpapababa nito mula sa Napakamaawain sa pamamagitan ng mga katwiran Niyang nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan Niya at katapatan ng Propeta Niya maliban umaayaw sila sa pakikinig doon at paniniwala roon.
تفسیرهای عربی:
فَقَدۡ كَذَّبُواْ فَسَيَأۡتِيهِمۡ أَنۢبَٰٓؤُاْ مَا كَانُواْ بِهِۦ يَسۡتَهۡزِءُونَ
Kaya nagpasinungaling nga sila sa inihatid sa kanila ng Sugo nila kaya pupunta sa kanila ang pagsasakatuparan ng mga balita ng dati nilang tinutuya at dadapo sa kanila ang pagdurusa.
تفسیرهای عربی:
أَوَلَمۡ يَرَوۡاْ إِلَى ٱلۡأَرۡضِ كَمۡ أَنۢبَتۡنَا فِيهَا مِن كُلِّ زَوۡجٖ كَرِيمٍ
Nananatili ba ang mga ito na mga nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya nila sapagkat hindi sila tumingin sa lupa kung ilan ang pinatubo Namin dito mula sa bawat uring kabilang sa mga uri ng halamang maganda ang tanawin, na marami ang mga pakinabang?
تفسیرهای عربی:
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ
Tunay na sa pagpapatubo sa lupa ng mga magkakaibang uri ng halaman ay talagang isang katunayang maliwanag sa kakayahan ng nagpatubo sa mga ito sa pagbibigay-buhay sa mga patay. Ang karamihan sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
تفسیرهای عربی:
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang Siya ang Tagapanaig na walang isang dumadaig sa Kanya, ang Maawain sa mga lingkod Niya.
تفسیرهای عربی:
وَإِذۡ نَادَىٰ رَبُّكَ مُوسَىٰٓ أَنِ ٱئۡتِ ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Banggitin mo, O Sugo, nang nanawagan ang Panginoon mo kay Moises habang nag-uutos doon na pumunta sa mga taong tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pang-aalipin nila sa mga tao ni Moises.
تفسیرهای عربی:
قَوۡمَ فِرۡعَوۡنَۚ أَلَا يَتَّقُونَ
Sila ay ang mga tao ni Paraon, kaya nag-uutos si Moises sa kanila, nang may kabaitan at kabanayaran, ng pangingilag sa pagkakasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
تفسیرهای عربی:
قَالَ رَبِّ إِنِّيٓ أَخَافُ أَن يُكَذِّبُونِ
Nagsabi si Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Tunay na ako ay nangangamba na magpasinungaling sila sa akin sa ipinaaabot ko sa kanila buhat sa Iyo.
تفسیرهای عربی:
وَيَضِيقُ صَدۡرِي وَلَا يَنطَلِقُ لِسَانِي فَأَرۡسِلۡ إِلَىٰ هَٰرُونَ
Maninikip ang dibdib ko dahil sa pagpapasinungaling nila sa akin at mapipigilan ang dila ko sa pagsasalita; kaya magsugo Ka kay Anghel Gabriel – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – patungo sa kapatid kong si Aaron upang ito ay maging isang tagatulong para sa akin.
تفسیرهای عربی:
وَلَهُمۡ عَلَيَّ ذَنۢبٞ فَأَخَافُ أَن يَقۡتُلُونِ
Sa kanila laban sa akin ay may isang pagkakasala dahilan sa pagkapatay ko sa Kopto, kaya nangangamba ako na patayin nila ako."
تفسیرهای عربی:
قَالَ كَلَّاۖ فَٱذۡهَبَا بِـَٔايَٰتِنَآۖ إِنَّا مَعَكُم مُّسۡتَمِعُونَ
Nagsabi si Allāh kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Aba’y hindi; hindi ka nila papatayin. Kaya pumunta ka at ang kapatid mong si Aaron kalakip ng mga tanda Naming nagpapatunay sa katapatan ninyong dalawa. Tunay na Kami, kasama sa inyong dalawa sa pag-aadya at pag-aalalay, ay makikinig sa sasabihin ninyo at sa sasabihin sa inyo. Walang makaaalpas sa Amin mula roon na anuman.
تفسیرهای عربی:
فَأۡتِيَا فِرۡعَوۡنَ فَقُولَآ إِنَّا رَسُولُ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Kaya pumunta kayong dalawa kay Paraon saka magsabi kayong dalawa sa kanya: Tunay na kami ay mga sugo sa iyo mula sa Panginoon ng mga nilikha sa kalahatan ng mga ito,
تفسیرهای عربی:
أَنۡ أَرۡسِلۡ مَعَنَا بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ
na ipadala mo kasama sa amin ang mga anak ni Israel."
تفسیرهای عربی:
قَالَ أَلَمۡ نُرَبِّكَ فِينَا وَلِيدٗا وَلَبِثۡتَ فِينَا مِنۡ عُمُرِكَ سِنِينَ
Nagsabi si Paraon kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Hindi ba kami nag-alaga sa iyo sa piling namin noong bata [ka] pa at namalagi ka sa amin mula sa buhay mo nang ilang taon? Kaya ano ang nag-anyaya sa iyo sa pag-aangkin ng pagkapropeta?
تفسیرهای عربی:
وَفَعَلۡتَ فَعۡلَتَكَ ٱلَّتِي فَعَلۡتَ وَأَنتَ مِنَ ٱلۡكَٰفِرِينَ
Gumawa ka ng isang mabigat na bagay nang pinatay mo ang Kopto dala ng pag-aadya sa isang lalaking kabilang sa mga kalipi mo habang ikaw ay kabilang sa mga nagkakaila sa mga biyaya ko sa iyo."
تفسیرهای عربی:
از فواید آیات این صفحه:
• حرص الرسول صلى الله عليه وسلم على هداية الناس.
Ang sigasig ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa kapatnubayan ng mga tao.

• إثبات صفة العزة والرحمة لله.
Ang pagpapatibay sa katangian ng kapangyarihan at pagkaawa para kay Allāh.

• أهمية سعة الصدر والفصاحة للداعية.
Ang kahalagahan ng luwag ng dibdib at katatasan para sa tagapag-anyaya tungo sa Islām.

• دعوات الأنبياء تحرير من العبودية لغير الله.
Ang mga panawagan ng mga propeta ay ang pagpapalaya mula sa pagkaalipin sa iba pa kay Allāh.

• احتج فرعون على رسالة موسى بوقوع القتل منه عليه السلام فأقر موسى بالفعلة، مما يشعر بأنها ليست حجة لفرعون بالتكذيب.
Nangatwiran si Paraon laban sa pasugo ni Moises sa pamamagitan ng pagkaganap ng pagpatay mula sa kanya – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ngunit umamin naman si Moises sa kagagawan, na nagpapadama na ito ay hindi katwiran para kay Paraon sa pagpapasinungaling.

 
ترجمهٔ معانی سوره: شعراء
فهرست سوره ها شماره صفحه
 
ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه‌ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم - لیست ترجمه ها

مرکز تفسیر و پژوهش‌های قرآنی آن را منتشر كرده است.

بستن