Check out the new design

ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه‌ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم * - لیست ترجمه ها


ترجمهٔ معانی سوره: شعراء   آیه:
وَٱتَّقُواْ ٱلَّذِي خَلَقَكُمۡ وَٱلۡجِبِلَّةَ ٱلۡأَوَّلِينَ
Mangilag kayong magkasala sa lumikha sa inyo at lumikha sa mga kalipunang nauna sa pamamagitan ng pangamba sa Kanya na [baka] magpababa Siya sa inyo ng parusa Niya.
تفسیرهای عربی:
قَالُوٓاْ إِنَّمَآ أَنتَ مِنَ ٱلۡمُسَحَّرِينَ
Nagsabi kay Shu`ayb ang mga kalipi ni Shu`ayb: "Ikaw ay kabilang sa mga dinapuan lamang ng panggagaway nang paulit-ulit hanggang sa nanaig ang panggagaway sa isip mo saka nagpalaho iyon dito.
تفسیرهای عربی:
وَمَآ أَنتَ إِلَّا بَشَرٞ مِّثۡلُنَا وَإِن نَّظُنُّكَ لَمِنَ ٱلۡكَٰذِبِينَ
Walang iba ka kundi isang taong tulad namin sapagkat walang kalamangan para sa iyo higit sa amin kaya papaano kang magiging isang sugo. Wala kaming ipinagpapalagay sa iyo kundi isang sinungaling sa inaangkin mo na ikaw ay sugo."
تفسیرهای عربی:
فَأَسۡقِطۡ عَلَيۡنَا كِسَفٗا مِّنَ ٱلسَّمَآءِ إِن كُنتَ مِنَ ٱلصَّٰدِقِينَ
Kaya magpabagsak ka sa amin ng mga piraso mula sa langit kung ikaw ay naging tapat sa inaangkin mo."
تفسیرهای عربی:
قَالَ رَبِّيٓ أَعۡلَمُ بِمَا تَعۡمَلُونَ
Nagsabi sa kanila si Shu`ayb: "Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa anumang ginagawa ninyo na shirk at mga pagsuway: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman."
تفسیرهای عربی:
فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَهُمۡ عَذَابُ يَوۡمِ ٱلظُّلَّةِۚ إِنَّهُۥ كَانَ عَذَابَ يَوۡمٍ عَظِيمٍ
Kaya nagpatuloy sila sa pagpapasinungaling sa kanya kaya may dumapo sa kanila na isang pagdurusang sukdulan yayamang may lumilim sa kanila na isang ulap matapos ng isang araw na matindi ang init, at nagpaulan ito sa kanila ng apoy saka sumunog sa kanila. Tunay na ang araw ng pagpapahamak sa kanila ay naging isang araw na sukdulan ang hilakbot.
تفسیرهای عربی:
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗۖ وَمَا كَانَ أَكۡثَرُهُم مُّؤۡمِنِينَ
Tunay na sa nabanggit na iyon na pagpapahamak sa mga kalipi ni Shu`ayb ay talagang may maisasaalang-alang para sa mga tagapagsaalang-alang. Ang karamihan sa kanila ay hindi naging mga mananampalataya.
تفسیرهای عربی:
وَإِنَّ رَبَّكَ لَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلرَّحِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang Siya ang Makapangyarihan na naghihiganti sa mga kaaway Niya, ang Maawain sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya.
تفسیرهای عربی:
وَإِنَّهُۥ لَتَنزِيلُ رَبِّ ٱلۡعَٰلَمِينَ
Tunay na itong Qur’ān na ibinaba kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay ibinaba mula sa Panginoon ng mga nilikha.
تفسیرهای عربی:
نَزَلَ بِهِ ٱلرُّوحُ ٱلۡأَمِينُ
Bumaba kalakip nito si Anghel Gabriel, ang Mapagkakatiwalaan – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan –
تفسیرهای عربی:
عَلَىٰ قَلۡبِكَ لِتَكُونَ مِنَ ٱلۡمُنذِرِينَ
Bumababa siya kalakip nito sa puso mo, O Sugo, upang ikaw ay maging kabilang sa mga sugo na nagbababala sa mga tao at nagpapangamba sa kanila sa pagdurusang dulot ni Allāh.
تفسیرهای عربی:
بِلِسَانٍ عَرَبِيّٖ مُّبِينٖ
Bumababa siya kalakip nito sa pamamagitan ng wikang Arabeng maliwanag.
تفسیرهای عربی:
وَإِنَّهُۥ لَفِي زُبُرِ ٱلۡأَوَّلِينَ
Tunay na ang Qur'ān na ito ay talagang nabanggit sa mga kasulatan ng mga sinauna sapagkat nagbalita nga ng nakalulugod hinggil dito ang mga naunang kasulatang makalangit.
تفسیرهای عربی:
أَوَلَمۡ يَكُن لَّهُمۡ ءَايَةً أَن يَعۡلَمَهُۥ عُلَمَٰٓؤُاْ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ
Hindi ba ito para sa mga tagapagpasinungaling na ito sa iyo naging isang palatandaan sa katapatan mo, na makaalam sa reyalidad ng ibinaba sa iyo ang mga maalam sa mga anak ni Israel tulad ni `Abdullāh bin Salām?
تفسیرهای عربی:
وَلَوۡ نَزَّلۡنَٰهُ عَلَىٰ بَعۡضِ ٱلۡأَعۡجَمِينَ
Kung sakaling nagbaba Kami ng Qu'an na ito sa isa sa mga dayuhang hindi nagsasalita ng wikang Arabe
تفسیرهای عربی:
فَقَرَأَهُۥ عَلَيۡهِم مَّا كَانُواْ بِهِۦ مُؤۡمِنِينَ
saka bumigkas siya nito sa kanila, hindi sila dahil dito magiging mga mananampalataya – dahil sila ay magsasabi: "Hindi kami nakauunawa nito" – para magpuri sila kay Allāh na bumaba ito sa wika nila.
تفسیرهای عربی:
كَذَٰلِكَ سَلَكۡنَٰهُ فِي قُلُوبِ ٱلۡمُجۡرِمِينَ
Gayon Kami nagpasok ng pagpapasinungaling at kawalang-pananampalataya sa mga puso ng mga salarin.
تفسیرهای عربی:
لَا يُؤۡمِنُونَ بِهِۦ حَتَّىٰ يَرَوُاْ ٱلۡعَذَابَ ٱلۡأَلِيمَ
Hindi sila magbabago sa lagay nila na kawalang-pananampalataya at hindi sila sumasampalataya hanggang sa makita nila ang pagdurusang nakasasakit.
تفسیرهای عربی:
فَيَأۡتِيَهُم بَغۡتَةٗ وَهُمۡ لَا يَشۡعُرُونَ
Kaya pupunta sa kanila ang pagdurusang ito nang walang anu-ano samantalang sila ay hindi nakaaalam sa pagdating nito hanggang sa bumigla ito sa kanila.
تفسیرهای عربی:
فَيَقُولُواْ هَلۡ نَحۡنُ مُنظَرُونَ
Kaya magsasabi sila kapag bumababa sa kanila ang pagdurusa nang biglaan dala ng tindi ng paghihinagpis: "Tayo kaya ay mga palulugitan para magbalik-loob tayo kay Allāh?"
تفسیرهای عربی:
أَفَبِعَذَابِنَا يَسۡتَعۡجِلُونَ
Kaya ba sa pagdurusang dulot Namin ay nagmamadali ang mga tagatangging sumampalataya na ito habang mga nagsasabi sila: "Hindi kami maniniwala sa iyo hanggang ibagsak mo ang langit nang tipak-tipak gaya ng iginiit mo sa amin."
تفسیرهای عربی:
أَفَرَءَيۡتَ إِن مَّتَّعۡنَٰهُمۡ سِنِينَ
Kaya magpabatid ka sa Akin, O Sugo, kung nagpatamasa Kami ng mga biyaya sa mahabang panahon sa mga tagatangging sumampalataya na ito na mga umaayaw sa pagsampalataya sa inihatid mo.
تفسیرهای عربی:
ثُمَّ جَآءَهُم مَّا كَانُواْ يُوعَدُونَ
Pagkatapos dumating sa kanila – matapos ng panahong iyon na nagtamo sila ng mga biyayang iyon – ang dating ipinangangako sa kanila na pagdurusa.
تفسیرهای عربی:
از فواید آیات این صفحه:
• كلما تعمَّق المسلم في اللغة العربية، كان أقدر على فهم القرآن.
Sa tuwing nagpakalalim ang Muslim sa wikang Arabe, siya ay nagiging higit na nakakakaya sa pag-intindi ng Qur'ān.

• الاحتجاج على المشركين بما عند المُنْصِفين من أهل الكتاب من الإقرار بأن القرآن من عند الله.
Ang pangangatwiran sa mga tagapagtambal, sa pamamagitan ng pag-amin sa ganang mga makatarungan kabilang sa mga may kasulatan, na ang Qur'ān ay mula sa ganang kay Allāh.

• ما يناله الكفار من نعم الدنيا استدراج لا كرامة.
Ang natatamo ng mga tagatangging sumampalataya mula sa mga biyaya ng Mundo ay isang pagpapain, hindi pagpaparangal.

 
ترجمهٔ معانی سوره: شعراء
فهرست سوره ها شماره صفحه
 
ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه‌ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم - لیست ترجمه ها

مرکز تفسیر و پژوهش‌های قرآنی آن را منتشر كرده است.

بستن