ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم * - لیست ترجمه ها


ترجمهٔ معانی آیه: (39) سوره: سوره فاطر
هُوَ ٱلَّذِي جَعَلَكُمۡ خَلَٰٓئِفَ فِي ٱلۡأَرۡضِۚ فَمَن كَفَرَ فَعَلَيۡهِ كُفۡرُهُۥۖ وَلَا يَزِيدُ ٱلۡكَٰفِرِينَ كُفۡرُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡ إِلَّا مَقۡتٗاۖ وَلَا يَزِيدُ ٱلۡكَٰفِرِينَ كُفۡرُهُمۡ إِلَّا خَسَارٗا
Siya ay ang gumawa sa ilan sa inyo, O mga tao, na hahalili sa lupa sa iba pa upang sumulit Siya sa inyo kung papaano kayong gagawa. Kaya ang sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh at sa inihatid ng mga sugo, ang kasalanan ng kawalang-pananampalataya niya at parusa sa kanya ay manunumbalik sa kanya. Hindi nakapipinsala sa Panginoon niya ang kawalang-pananampalataya niya. Hindi nagdaragdag sa mga tagatangging sumampalataya ang kawalang-pananampalataya nila sa ganang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya – kundi ng isang pagkasuklam na matindi. Hindi nagdaragdag sa mga tagatangging sumampalataya ang kawalang-pananampalataya nila kundi ng isang pagkalugi yayamang tunay na sila ay nagsasayang ng inihanda ni Allāh para sa kanila sa paraiso kung sakaling sumampalataya sila.
تفسیرهای عربی:
از فواید آیات این صفحه:
• الكفر سبب لمقت الله، وطريق للخسارة والشقاء.
Ang kawalang-pananampalataya ay isang kadahilanan para sa poot ni Allāh at isang daan para sa pagkalugi at pagkalumbay.

• المشركون لا دليل لهم على شركهم من عقل ولا نقل.
Ang mga tagapagtambal ay walang patunay sa pagtatambal nila mula sa isip o kapahayagan.

• تدمير الظالم في تدبيره عاجلًا أو آجلًا.
Ang pagwasak sa tagalabag sa katarungan sa pagpapanukala nito sa mabilis o matagal.

 
ترجمهٔ معانی آیه: (39) سوره: سوره فاطر
فهرست سوره ها شماره صفحه
 
ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم - لیست ترجمه ها

ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم. ناشر: مركز تفسير و مطالعات قرآنى.

بستن