ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم * - لیست ترجمه ها


ترجمهٔ معانی آیه: (35) سوره: سوره جاثيه
ذَٰلِكُم بِأَنَّكُمُ ٱتَّخَذۡتُمۡ ءَايَٰتِ ٱللَّهِ هُزُوٗا وَغَرَّتۡكُمُ ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَاۚ فَٱلۡيَوۡمَ لَا يُخۡرَجُونَ مِنۡهَا وَلَا هُمۡ يُسۡتَعۡتَبُونَ
Ang pagdurusang iyon na pagdurusahin kayo roon ay dahilan sa kayo ay gumawa sa mga tanda ni Allāh ng isang pangungutyang ipinantutuya ninyo. Dumaya sa inyo ang buhay dahil sa mga sarap nito at mga ninanasa rito." Kaya sa Araw na iyon, hindi ilalabas ang mga tagatangging sumampalataya na ito na mga nangungutya sa mga tanda ni Allāh mula sa Apoy, bagkus mananatili sila roon bilang mga mamamalagi magpakailanman. Hindi sila pababalikin sa buhay na pangmundo upang gumawa ng gawang maayos at hindi malulugod sa kanila ang Panginoon nila.
تفسیرهای عربی:
از فواید آیات این صفحه:
• الاستهزاء بآيات الله كفر.
Ang pangungutya sa mga talata ni Allāh ay kawalang-pananampalataya.

• خطر الاغترار بلذات الدنيا وشهواتها.
Ang panganib ng pagkalinlang sa mga minamasarap sa Mundo at mga ninanasa rito.

• ثبوت صفة الكبرياء لله تعالى.
Ang pagpapatibay ng katangian ng kadakilaan para kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

• إجابة الدعاء من أظهر أدلة وجود الله سبحانه وتعالى واستحقاقه العبادة.
Ang pagsagot sa panalangin ay kabilang sa pinakahayag sa mga patunay sa kairalan ni Allāh at pagiging karapat-dapat Niya sa pagsamba.

 
ترجمهٔ معانی آیه: (35) سوره: سوره جاثيه
فهرست سوره ها شماره صفحه
 
ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم - لیست ترجمه ها

ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم. ناشر: مركز تفسير و مطالعات قرآنى.

بستن