ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم * - لیست ترجمه ها


ترجمهٔ معانی آیه: (27) سوره: سوره مائده
۞ وَٱتۡلُ عَلَيۡهِمۡ نَبَأَ ٱبۡنَيۡ ءَادَمَ بِٱلۡحَقِّ إِذۡ قَرَّبَا قُرۡبَانٗا فَتُقُبِّلَ مِنۡ أَحَدِهِمَا وَلَمۡ يُتَقَبَّلۡ مِنَ ٱلۡأٓخَرِ قَالَ لَأَقۡتُلَنَّكَۖ قَالَ إِنَّمَا يَتَقَبَّلُ ٱللَّهُ مِنَ ٱلۡمُتَّقِينَ
Magsalaysay ka, O Sugo, sa mga naiinggit na tagalabag sa katarungan na ito kabilang sa mga Hudyo ng sanaysay ng dalawang anak ni Adan na sina Cain at Abel ayon sa katapatang walang pag-aalangan hinggil doon nang naghandog silang dalawa ng alay na ipinapanlapit-loob ng bawat isa sa kanilang dalawa kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Tumanggap si Allāh sa alay na inihandog ni Abel dahil ito ay kabilang sa mga may pangingilag sa pagkakasala. Hindi Siya tumanggap sa alay ni Cain dahil ito ay hindi kabilang sa mga may pangingilag sa pagkakasala. Minasama ni Cain ang pagtanggap sa alay ni Abel dala ng inggit at nagsabi: "Talagang papatayin nga kita, O Abel." Nagsabi naman si Abel: "Tumatanggap lamang si Allāh ng isang alay mula sa sinumang nangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
تفسیرهای عربی:
از فواید آیات این صفحه:
• مخالفة الرسل توجب العقاب، كما وقع لبني إسرائيل؛ إذ عاقبهم الله تعالى بالتِّيه.
Ang pagsalungat sa mga sugo ay nag-oobliga ng parusa gaya ng naganap sa mga anak ni Israel yayamang nagparusa sa kanila si Allāh – pagkataas-taas Siya – ng pagkapariwara.

• قصة ابني آدم ظاهرها أن أول ذنب وقع في الأرض - في ظاهر القرآن - هو الحسد والبغي، والذي أدى به للظلم وسفك الدم الحرام الموجب للخسران.
Ang hinahayag ng salaysay ng dalawang anak ni Adan ay na ang kauna-unahang pagkakasalang naganap sa lupa – ayon sa hinahayag ng Qur'ān – ay ang inggit at ang pag-iimbot, na nagpahantong sa paglabag sa katarungan at pagpapadanak ng dugong ipinagbabawal labagin, na nagsasanhi ng kalugihan.

• الندامة عاقبة مرتكبي المعاصي.
Ang pagsisisi ay ang kinahihinatnan ng mga gumagawa ng mga pagsuway.

• أن من سَنَّ سُنَّة قبيحة أو أشاع قبيحًا وشجَّع عليه، فإن له مثل سيئات من اتبعه على ذلك.
Na ang sinumang nagpasimula ng isang pangit na kalakaran o nagpalaganap ng isang pangit na gawain o humimok nito, tunay na ukol sa kanya ang tulad sa maga masagwang gawa ng sinumang sumunod sa kanya roon.

 
ترجمهٔ معانی آیه: (27) سوره: سوره مائده
فهرست سوره ها شماره صفحه
 
ترجمهٔ معانی قرآن کریم - ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم - لیست ترجمه ها

ترجمه ى فیلیپینی (تاگالوگ) كتاب مختصر در تفسير قرآن كريم. ناشر: مركز تفسير و مطالعات قرآنى.

بستن