Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Firo felepiniiwo raɓɓiɗiniingo e facciro al-quraan tedduɗo oo * - Tippudi firooji ɗii


Firo maanaaji Aaya: (127) Simoore: Simoore nagge
وَإِذۡ يَرۡفَعُ إِبۡرَٰهِـۧمُ ٱلۡقَوَاعِدَ مِنَ ٱلۡبَيۡتِ وَإِسۡمَٰعِيلُ رَبَّنَا تَقَبَّلۡ مِنَّآۖ إِنَّكَ أَنتَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡعَلِيمُ
Banggitin mo, O Propeta, nang nag-aangat noon sina Abraham at Ismael ng mga pundasyon ng Ka`bah habang silang dalawa ay nagsasabi nang may pagpapakumbaba at pagpapakaaba: "Panginoon namin, tanggapin Mo mula sa amin ang mga gawa namin, at kabilang sa mga ito ang pagpapatayo ng bahay na ito. Tunay na Ikaw ay ang Madinigin sa panalangin namin, ang Maalam sa mga layunin namin at mga gawain namin."
Faccirooji aarabeeji:
Ina jeyaa e nafoore aayeeje ɗee e ngol hello:
• المؤمن المتقي لا يغتر بأعماله الصالحة، بل يخاف أن ترد عليه، ولا تقبل منه، ولهذا يُكْثِرُ سؤالَ الله قَبولها.
Ang mananampalatayang tagapangilag magkasala ay hindi nalilinlang ng mga gawa niyang maayos, bagkus nangangamba siyang isauli ang mga ito sa kanya at hindi tanggapin ang mga ito mula sa kanya. Dahil dito, dinadalasan niya ang paghiling kay Allāh na tanggapin ang mga ito.

• بركة دعوة أبي الأنبياء إبراهيم عليه السلام، حيث أجاب الله دعاءه وجعل خاتم أنبيائه وأفضل رسله من أهل مكة.
Ang pagpapala ng panalangin ng ama ng mga propeta, si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – yayamang sumagot si Allāh sa dalangin niyon at gumawa Siya kay Propeta Muḥammad bilang pangwakas sa mga propeta Niya at pinakamainam sa mga sugo Niya mula sa mga naninirahan sa Makkah.

• دين إبراهيم عليه السلام هو الملة الحنيفية الموافقة للفطرة، لا يرغب عنها ولا يزهد فيها إلا الجاهل المخالف لفطرته.
Ang relihiyon ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay ang kapaniwalaang makatotoong sumasang-ayon sa kalikasan ng pagkalalang. Walang tumututol doon ni nagtatakwil niyon kundi ang mangmang na sumasalungat sa kalikasan ng pagkalalang sa kanya.

• مشروعية الوصية للذرية باتباع الهدى، وأخذ العهد عليهم بالتمسك بالحق والثبات عليه.
Ang pagkaisinasabatas ng tagubilin para sa mga supling sa pamamagitan ng pagsunod sa patnubay at pagtanggap ng tipan sa kanila sa pamamagitan ng pagkapit sa katotohanan at pagpapakatatag dito.

 
Firo maanaaji Aaya: (127) Simoore: Simoore nagge
Tippudi cimooje Tonngoode hello ngoo
 
Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Firo felepiniiwo raɓɓiɗiniingo e facciro al-quraan tedduɗo oo - Tippudi firooji ɗii

Firo filipiniiwo raɓɓiɗngo ngam faccirde al-quraan tedduɗo oo, ummiriingo to hentorde facciro jaŋdeeji al-quraan

Uddude