Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Firo felepiniiwo raɓɓiɗiniingo e facciro al-quraan tedduɗo oo * - Tippudi firooji ɗii


Firo maanaaji Aaya: (112) Simoore: Simoore koreeji imraan
ضُرِبَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلذِّلَّةُ أَيۡنَ مَا ثُقِفُوٓاْ إِلَّا بِحَبۡلٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَحَبۡلٖ مِّنَ ٱلنَّاسِ وَبَآءُو بِغَضَبٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَضُرِبَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلۡمَسۡكَنَةُۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ كَانُواْ يَكۡفُرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَيَقۡتُلُونَ ٱلۡأَنۢبِيَآءَ بِغَيۡرِ حَقّٖۚ ذَٰلِكَ بِمَا عَصَواْ وَّكَانُواْ يَعۡتَدُونَ
Inilagay ang kalaitan at ang kaabahan na nakapaligid sa mga Hudyo, na sumasaklaw sa kanila saanman sila matagpuan kaya hindi sila natitiwasay malibang may isang tipan o isang katiwasayan mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya – o mula sa mga tao. Bumalik sila na may galit mula kay Allāh at inilagay sa kanila ang karalitaan at ang kadahupan na nakapaligid sa kanila. Ang inilagay na iyon sa kanila ay dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa mga tanda ni Allāh at pagpatay nila sa mga propeta Niya dala ng kawalang-katarungan. Iyon – din – ay dahilan sa pagsuway nila at paglampas nila sa mga hangganan ni Allāh.
Faccirooji aarabeeji:
Ina jeyaa e nafoore aayeeje ɗee e ngol hello:
• أعظم ما يميز هذه الأمة وبه كانت خيريتها - بعد الإيمان بالله - الأمر بالمعروف والنهي عن المنكر.
Ang pinakadakila sa ikinatatampok ng Kalipunang ito at sa pamamagitan nito ang pagkamabuti nito, matapos ng pananampalataya kay Allāh, ay ang pag-uutos sa nakabubuti at ang pagsaway sa nakasasama.

• قضى الله تعالى بالذل على أهل الكتاب لفسقهم وإعراضهم عن دين الله، وعدم وفائهم بما أُخذ عليهم من العهد.
Nagtadhana si Allāh – pagkataas-taas Siya – ng pagkahamak sa mga May Kasulatan dahil sa kasuwailan nila, pag-ayaw nila sa Relihiyon Niya, at hindi nila pagtupad sa tinanggap Niya sa kanila na tipan.

• أهل الكتاب ليسوا على حال واحدة؛ فمنهم القائم بأمر الله، المتبع لدينه، الواقف عند حدوده، وهؤلاء لهم أعظم الأجر والثواب. وهذا قبل بعثة النبي محمد صلى الله عليه وسلم.
Ang mga May Kasulatan ay hindi nasa iisang kalagayan sapagkat mayroon sa kanilang nagsasagawa sa utos ni Allāh, sumusunod sa Relihiyon Niya, at tumitigil sa mga hangganan Niya. Ang mga ito ay magkakamit ng pinakadakilang pabuya at gantimpala. Ito ay bago ng pagpapadala kay Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.

 
Firo maanaaji Aaya: (112) Simoore: Simoore koreeji imraan
Tippudi cimooje Tonngoode hello ngoo
 
Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Firo felepiniiwo raɓɓiɗiniingo e facciro al-quraan tedduɗo oo - Tippudi firooji ɗii

Firo filipiniiwo raɓɓiɗngo ngam faccirde al-quraan tedduɗo oo, ummiriingo to hentorde facciro jaŋdeeji al-quraan

Uddude