Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Firo felepiniiwo raɓɓiɗiniingo e facciro al-quraan tedduɗo oo * - Tippudi firooji ɗii


Firo maanaaji Aaya: (4) Simoore: Simoore koreeji imraan
مِن قَبۡلُ هُدٗى لِّلنَّاسِ وَأَنزَلَ ٱلۡفُرۡقَانَۗ إِنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ لَهُمۡ عَذَابٞ شَدِيدٞۗ وَٱللَّهُ عَزِيزٞ ذُو ٱنتِقَامٍ
Nagbaba Siya sa iyo, O Propeta, ng Qur'ān kalakip ng katapatan sa mga kabatiran at ng katarungan sa mga kahatulan, bilang sumasang-ayon sa nauna rito na mga kasulatang makadiyos kaya walang salungatan sa pagitan ng mga ito. Nagpababa Siya ng Torah kay Moises at ng Ebanghelyo kay Jesus – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan – bago pa ng pagbababa ng Qur'ān sa iyo. Ang mga kasulatang makadiyos na ito sa kabuuan ng mga ito ay kapatnubayan at paggabay para sa mga tao tungo sa may dulot ng kaayusan ng panrelihiyong buhay nila at pangmundong buhay nila. Nagpababa Siya ng Pamantayan, na nakikilala sa pamamagitan nito ang katotohanan mula sa kabulaanan at ang patnubay mula sa pagkaligaw. Ang mga tumangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh na pinababa Niya sa iyo, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Si Allāh ay Makapangyarihan: walang dumadaig sa Kanya na anuman, May paghihiganti sa sinumang nagpasinungaling sa mga sugo Niya at sumalungat sa utos Niya.
Faccirooji aarabeeji:
Ina jeyaa e nafoore aayeeje ɗee e ngol hello:
• أقام الله الحجة وقطع العذر عن الخلق بإرسال الرسل وإنزال الكتب التي تهدي للحق وتحذر من الباطل.
Naglatag si Allāh ng katwiran at pinutol Niya ang pagdadahilan sa mga nilikha sa pamamagitan ng pagsusugo sa mga sugo at pagpapababa sa mga kasulatang nagpapatnubay sa katotohanan at nagbibigay-babala laban sa kabulaanan.

• كمال علم الله تعالى وإحاطته بخلقه، فلا يغيب عنه شيء في الأرض ولا في السماء، سواء كان ظاهرًا أو خفيًّا.
Ang kalubusan ng kaalaman ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang pagkakasaklaw Niya sa mga nilikha Niya kaya walang nalilingid sa Kanya na anuman sa lupa ni sa langit maging lantaran man o pakubli.

• من أصول أهل الإيمان الراسخين في العلم أن يفسروا ما تشابه من الآيات بما أُحْكِم منها.
Bahagi ng mga saligan ng mga alagad ng pananampalataya, na mga nagpapakalalim sa kaalaman ay na magpaliwanag sila ng itinalinghaga sa mga talata ng Qur'ān sa pamamagitan ng itinahas mula sa mga ito.

• مشروعية دعاء الله تعالى وسؤاله الثبات على الحق، والرشد في الأمر، ولا سيما عند الفتن والأهواء.
Ang pagkaisinasabatas ng panalangin kay Allāh – pagkataas-taas Siya – at ang paghiling sa Kanya ng pagpapakatatag sa katotohanan, at ng gabay sa kalagayan lalo na sa sandali ng mga ligalig at mga pithaya.

 
Firo maanaaji Aaya: (4) Simoore: Simoore koreeji imraan
Tippudi cimooje Tonngoode hello ngoo
 
Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Firo felepiniiwo raɓɓiɗiniingo e facciro al-quraan tedduɗo oo - Tippudi firooji ɗii

Firo filipiniiwo raɓɓiɗngo ngam faccirde al-quraan tedduɗo oo, ummiriingo to hentorde facciro jaŋdeeji al-quraan

Uddude