Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Firo felepiniiwo raɓɓiɗiniingo e facciro al-quraan tedduɗo oo * - Tippudi firooji ɗii


Firo maanaaji Aaya: (8) Simoore: Simoore maa'ida
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُونُواْ قَوَّٰمِينَ لِلَّهِ شُهَدَآءَ بِٱلۡقِسۡطِۖ وَلَا يَجۡرِمَنَّكُمۡ شَنَـَٔانُ قَوۡمٍ عَلَىٰٓ أَلَّا تَعۡدِلُواْۚ ٱعۡدِلُواْ هُوَ أَقۡرَبُ لِلتَّقۡوَىٰۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ
O mga sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya, kayo ay maging mga mapagpanatili sa mga karapatan ni Allāh sa inyo bilang mga naghahangad dahil niyon ng kaluguran ng mukha Niya, at kayo ay maging mga saksi sa katarungan hindi sa pang-aapi. Huwag ngang mag-uudyok sa inyo ang pagkamuhi sa ilang tao sa pag-iwan sa katarungan sapagkat ang katarungan ay hinihiling sa kaibigan at kaaway. Kaya magmakatarungan kayo sa kanilang dalawa sapagkat ang katarungan ay higit na malapit sa pangamba kay Allāh at ang pang-aapi ay higit na malapit sa kapusukan laban sa Kanya. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawa ninyo. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito.
Faccirooji aarabeeji:
Ina jeyaa e nafoore aayeeje ɗee e ngol hello:
• الأصل في الطهارة هو استعمال الماء بالوضوء من الحدث الأصغر، والغسل من الحدث الأكبر.
Ang batayang panuntunan sa pagdadalisay ay ang paggamit ng tubig sa pamamagitan ng wuḍū' mula sa kawalan ng kadalisayang maliit at ng paligo mula sa kawalan ng kadalisayang malaki.

• في حال تعذر الحصول على الماء، أو تعذّر استعماله لمرض مانع أو برد قارس، يشرع التيمم (بالتراب) لرفع حكم الحدث (الأصغر أو الأكبر).
Sa kalagayan ng pagkaimposible ng pagkamit ng tubig o pagkaimposible ng paggamit nito dahil sa sakit na humahadlang o matinding lamig, isinasabatas ang pagsasagawa ng tayammum sa pamamagitan ng alabok para sa pag-alis ng kawalan ng kadalisayang (maliit o malaki).

• الأمر بتوخي العدل واجتناب الجور حتى في معاملة المخالفين.
Ang pag-uutos sa paglalayon ng katarungan at pag-iwas sa pang-aapi sa pakikitungo sa mga sumasalungat.

 
Firo maanaaji Aaya: (8) Simoore: Simoore maa'ida
Tippudi cimooje Tonngoode hello ngoo
 
Firo maanaaji al-quraan tedduɗo oo - Firo felepiniiwo raɓɓiɗiniingo e facciro al-quraan tedduɗo oo - Tippudi firooji ɗii

Firo filipiniiwo raɓɓiɗngo ngam faccirde al-quraan tedduɗo oo, ummiriingo to hentorde facciro jaŋdeeji al-quraan

Uddude