Check out the new design

Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Verset: (110) Sourate: Hûd
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَا مُوسَى ٱلۡكِتَٰبَ فَٱخۡتُلِفَ فِيهِۚ وَلَوۡلَا كَلِمَةٞ سَبَقَتۡ مِن رَّبِّكَ لَقُضِيَ بَيۡنَهُمۡۚ وَإِنَّهُمۡ لَفِي شَكّٖ مِّنۡهُ مُرِيبٖ
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng Torah, ngunit nagkaiba-iba ang mga tao hinggil dito sapagkat sumampalataya rito ang iba sa kanila at tumangging sumampalataya ang iba pa. Kung hindi dahil sa isang pagpapasya mula kay Allāh na nauna: na Siya ay hindi magmamadali sa pagpaparusa bagkus magpapaliban nito hanggang sa Araw ng Pagbangon dahil sa isang kasanhian, talaga sanang bumaba sa kanila ang nagiging karapat-dapat sa kanila na pagdurusa sa Mundo. Tunay na ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa mga Hudyo at mga tagapagtambal ay talagang nasa isang pagdududa sa Qur'ān, na nagsasadlak sa pag-aalinlangan.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• وجوب الاستقامة على دين الله تعالى.
Ang pagkatungkulin ng pagpapakatuwid sa Relihiyon ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• التحذير من الركون إلى الكفار الظالمين بمداهنة أو مودة.
Ang pagbibigay-babala laban sa pagsandal sa mga tagatangging sumampalataya na mga tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng paglalangis o pagmamahal.

• بيان سُنَّة الله تعالى في أن الحسنة تمحو السيئة.
Ang paglilinaw sa kalakaran ni Allāh – pagkataas-taas Siya – kaugnay sa pagpawi ng magandang gawa sa masagwang gawa.

• الحث على إيجاد جماعة من أولي الفضل يأمرون بالمعروف، وينهون عن الفساد والشر، وأنهم عصمة من عذاب الله.
Ang paghimok sa pagpapalitaw ng isang pangkat ng mga may kainaman na nag-uutos sa nakabubuti at sumasaway sa katiwalian at kasamaan, at na sila ay isang pananggalang laban sa pagdurusa mula kay Allāh.

 
Traduction des sens Verset: (110) Sourate: Hûd
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran - Lexique des traductions

Émanant du Centre d'Exégèse pour les Études Coraniques.

Fermeture