Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Verset: (64) Sourate: YOUSOUF
قَالَ هَلۡ ءَامَنُكُمۡ عَلَيۡهِ إِلَّا كَمَآ أَمِنتُكُمۡ عَلَىٰٓ أَخِيهِ مِن قَبۡلُ فَٱللَّهُ خَيۡرٌ حَٰفِظٗاۖ وَهُوَ أَرۡحَمُ ٱلرَّٰحِمِينَ
Nagsabi sa kanila ang ama nila: "Ipagkakatiwala ko kaya siya sa inyo malibang [napipilitan] kung paanong ipinagkatiwala ko sa inyo ang kapatid niyang buo, si Jose, bago pa niyan? Ipinagkatiwala ko na sa inyo si Jose at nangako naman kayo na mag-iingat sa kanya ngunit hindi kayo tumupad sa ipinangako ninyo kaya wala nang pagtitiwala sa ganang akin sa pangako ninyo ng pag-iingat sa kanya. Ang pagtitiwala ko ay nasa kay Allāh lamang sapagkat Siya ay ang pinakamabuti sa mga tagapag-ingat para sa sinumang ninais Niyang pag-ingatan at ang pinakamaawain sa mga naaawa sa sinumang ninais Niyang kaawaan."
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• الأمر بالاحتياط والحذر ممن أُثِرَ عنه غدرٌ، وقد ورد في الحديث الصحيح: ((لَا يُلْدَغُ المُؤْمِنٌ مِنْ جُحْرٍ وَاحِدٍ مَرَّتَيْنِ))، [أخرجه البخاري ومسلم].
Ang pag-uutos ng pagbibigay-babala at pag-iingat laban sa sinumang may naiulat tungkol sa kanya na isang panlilinlang yayamang may nasaad nga sa tumpak na ḥadīth na hindi natutuklaw ang mananampalataya mula sa iisang lungga nang dalawang ulit. Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy at Imām Muslim.

• من وجوه الاحتياط التأكد بأخذ المواثيق المؤكدة باليمين، وجواز استحلاف المخوف منه على حفظ الودائع والأمانات.
Kabilang sa mga uri ng pag-iingat ang pagtitiyak sa pagsasagawa sa mga taimtim na pangakong binigyang-diin ng panunumpa at ang pagpayag sa pagpapasumpa sa pinangangambahan para sa pangangalaga sa mga inilagak at mga pinaiingatan.

• يجوز لطالب اليمين أن يستثني بعض الأمور التي يرى أنها ليست في مقدور من يحلف اليمين.
Pinapayagan para sa humihiling ng panunumpa na itangi ang ilan sa mga bagay na itinuturing niya na ang mga ito ay hindi naaabot ng kakayahan ng sinumang nanunumpa ng panunumpa.

• من الأخذ بالأسباب الاحتياط من المهالك.
Kabilang sa pagsasagawa sa mga kaparaanan ang pag-iingat laban sa mga pinanggagalingan ng panganib.

 
Traduction des sens Verset: (64) Sourate: YOUSOUF
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran - Lexique des traductions

Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran émanant du Centre de l'exégèse pour les études coraniques

Fermeture