Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Verset: (99) Sourate: YOUSOUF
فَلَمَّا دَخَلُواْ عَلَىٰ يُوسُفَ ءَاوَىٰٓ إِلَيۡهِ أَبَوَيۡهِ وَقَالَ ٱدۡخُلُواْ مِصۡرَ إِن شَآءَ ٱللَّهُ ءَامِنِينَ
Lumabas si Jacob at ang mag-anak nito mula sa lupain nito habang mga nagsasadya kay Jose sa Ehipto. Kaya noong nakapasok sila kay Jose, pinatuloy niya sa kanya ang ama niya at ang ina niya at nagsabi siya sa mga kapatid niya at mag-anak nila: "Magsipasok kayo sa Ehipto ayon sa kalooban ni Allāh, na mga natitiwasay; walang tatama sa inyo rito na pananakit."
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• بر الوالدين وتبجيلهما وتكريمهما واجب، ومن ذلك المسارعة بالبشارة لهما فيما يدخل السرور عليهما.
Ang pagpapakabuti sa mga magulang, ang pagpapakundangan sa kanila, at ang pagpaparangal sa kanila ay isang tungkulin. Bahagi niyon ang pagdadali-dali sa pagbabalita sa kanila ng nagdudulot ng galak sa kanila.

• التحذير من نزغ الشيطان، ومن الذي يسعى بالوقيعة بين الأحباب؛ ليفرق بينهم.
Ang pagbibigay-babala laban sa udyok ng demonyo at laban sa sinumang nagpupunyagi sa pagkaganap nito sa pagitan ng mga minamahal upang magpawatak-watak sa pagitan nila.

• مهما ارتفع العبد في دينه أو دنياه فإنَّ ذلك كله مرجعه إلى تفضّل الله تعالى وإنعامه عليه.
Gaano man umangat ang tao sa relihiyon niya at makamundong buhay niya, tunay na iyon sa kabuuan niyon ay bumabalik sa pagmamagandang-loob ni Allāh – pagkataas-taas Siya – at pagbibiyaya Nito sa kanya.

• سؤال الله حسن الخاتمة والسلامة والفوز يوم القيامة والالتحاق برفقة الصالحين في الجنان.
Ang paghingi kay Allāh ng kagandahan ng pagwawakas [ng buhay], kaligtasan, pananagumpay sa Araw ng Pagbangon, at pagkakasama sa kapisanan ng mga matuwid sa Paraiso.

• من فضل الله تعالى أنه يُطْلع أنبياءه على بعض من أمور الغيب لغايات وحكم.
Bahagi ng kagandahang-loob ni Allāh – pagkataas-taas Siya – na Siya ay nagpabatid sa mga propeta Niya ng ilan sa mga nauukol sa Lingid dahil sa mga layunin at mga kasanhian.

 
Traduction des sens Verset: (99) Sourate: YOUSOUF
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran - Lexique des traductions

Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran émanant du Centre de l'exégèse pour les études coraniques

Fermeture