Check out the new design

Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Sourate: Al Hijr   Verset:
قَالَ هَٰٓؤُلَآءِ بَنَاتِيٓ إِن كُنتُمۡ فَٰعِلِينَ
Nagsabi sa kanila si Lot – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – habang humihingi ng paumanhin para sa sarili niya sa harap ng mga panauhin niya: "Ang mga ito ay mga babaing anak ko kabilang sa kabuuan ng mga kababaihan ninyo kaya, magpakasal kayo sa kanila kung nangyaring kayo ay mga naglalayon ng pagtugon sa pagnanasa ninyo."
Les exégèses en arabe:
لَعَمۡرُكَ إِنَّهُمۡ لَفِي سَكۡرَتِهِمۡ يَعۡمَهُونَ
Sumpa man sa buhay mo, O Sugo, tunay na ang mga kababayan ni Lot ay talagang nasa pagmamalabis sa pagnanasa nila habang nag-aatubili sila.
Les exégèses en arabe:
فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ مُشۡرِقِينَ
Kaya may dumaklot sa kanila na isang matinding tinig na nagpapahamak sa sandali ng pagsapit nila sa oras ng pagsikat ng araw.
Les exégèses en arabe:
فَجَعَلۡنَا عَٰلِيَهَا سَافِلَهَا وَأَمۡطَرۡنَا عَلَيۡهِمۡ حِجَارَةٗ مِّن سِجِّيلٍ
Kaya binaliktad Namin ang mga pamayanan nila sa pamamagitan ng paglalagay sa itaas ng mga ito sa ibaba. Nagpaulan Kami sa kanila ng mga batong luwad na nanigas.
Les exégèses en arabe:
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَٰتٖ لِّلۡمُتَوَسِّمِينَ
Tunay na sa nabanggit na iyon na dumapo sa mga kababayan ni Lot na kapahamakan ay talagang may mga palatandaan para sa mga tagapagnilay-nilay.
Les exégèses en arabe:
وَإِنَّهَا لَبِسَبِيلٖ مُّقِيمٍ
Tunay na ang mga pamayanan ng mga kababayan ni Lot ay talagang nasa isang daang matatag, na nakikita ng sinumang napararaan sa mga iyon kabilang sa mga tagapaglakbay.
Les exégèses en arabe:
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَأٓيَةٗ لِّلۡمُؤۡمِنِينَ
Tunay na sa nangyaring iyon ay talagang may katunayan para sa mga mananampalatayang habang nagsasaalang-alang nito.
Les exégèses en arabe:
وَإِن كَانَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡأَيۡكَةِ لَظَٰلِمِينَ
Noon nga ang mga kalipi ni Shu`ayb na mga naninirahan sa pamayanang may mga punong nagsisiksikan ay mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagpapasinungaling nila sa sugo Niyang si Shu`ayb – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
Les exégèses en arabe:
فَٱنتَقَمۡنَا مِنۡهُمۡ وَإِنَّهُمَا لَبِإِمَامٖ مُّبِينٖ
Kaya naghiganti Kami sa kanila yayamang kinuha sila ng pagdurusa. Tunay na ang mga pamayanan ng mga kababayan ni Lot at ang mga pinamamayanan ng mga kasamahan ni Shu`ayb ay talagang nasa isang daang maliwanag para sa sinumang naparaan doon.
Les exégèses en arabe:
وَلَقَدۡ كَذَّبَ أَصۡحَٰبُ ٱلۡحِجۡرِ ٱلۡمُرۡسَلِينَ
Talaga ngang nagpasinungaling ang [liping] Thamūd, ang mga mamamayan ng Batuhan (isang lugar sa pagitan ng Ḥijāz at Sirya), sa lahat ng mga sugo nang nagpasinungaling sila sa propeta nilang si Ṣāliḥ – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
Les exégèses en arabe:
وَءَاتَيۡنَٰهُمۡ ءَايَٰتِنَا فَكَانُواْ عَنۡهَا مُعۡرِضِينَ
Nagbigay sa kanila ng mga katwiran at mga patunay sa katapatan niya sa inihatid niya sa kanila mula sa Panginoon niya, na kabilang doon ang babaing kamelyo, ngunit hindi sila nagsaalang-alang sa mga patunay na iyon at hindi sila pumansin sa mga iyon.
Les exégèses en arabe:
وَكَانُواْ يَنۡحِتُونَ مِنَ ٱلۡجِبَالِ بُيُوتًا ءَامِنِينَ
Sila noon ay humihiwa sa mga bundok upang yumari ng mga bahay para sa kanila na paninirahan nila bilang mga matiwasay mula sa pinangangambahan nila.
Les exégèses en arabe:
فَأَخَذَتۡهُمُ ٱلصَّيۡحَةُ مُصۡبِحِينَ
Ngunit dumaklot sa kanila ang hiyaw ng pagdurusa sa sandali ng pagsapit nila sa oras ng umaga.
Les exégèses en arabe:
فَمَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَكۡسِبُونَ
Kaya hindi nakapagtulak palayo sa kanila ng pagdurusang dulot ni Allāh ang anumang dati nilang nakakamit na mga yaman at mga tirahan.
Les exégèses en arabe:
وَمَا خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَآ إِلَّا بِٱلۡحَقِّۗ وَإِنَّ ٱلسَّاعَةَ لَأٓتِيَةٞۖ فَٱصۡفَحِ ٱلصَّفۡحَ ٱلۡجَمِيلَ
Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at hindi Kami lumikha ng anumang nasa pagitan ng mga ito nang walang-kabuluhan, nang walang kasanhian. Hindi Kami lumikha ng lahat ng iyon malibang ayon sa katotohanan. Tunay na ang Huling Sandali ay talagang darating na walang pasubali. Kaya umayaw ka, O Sugo, sa mga tagapagpasinungaling sa iyo at magpaumanhin ka sa kanila nang isang pagpapaumanhing maganda.
Les exégèses en arabe:
إِنَّ رَبَّكَ هُوَ ٱلۡخَلَّٰقُ ٱلۡعَلِيمُ
Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay ang Palalikha sa bawat bagay, ang Maalam dito.
Les exégèses en arabe:
وَلَقَدۡ ءَاتَيۡنَٰكَ سَبۡعٗا مِّنَ ٱلۡمَثَانِي وَٱلۡقُرۡءَانَ ٱلۡعَظِيمَ
Talaga ngang ibinigay Namin sa iyo ang Fātiḥah, na pitong talata, at ang Dakilang Qur’ān.
Les exégèses en arabe:
لَا تَمُدَّنَّ عَيۡنَيۡكَ إِلَىٰ مَا مَتَّعۡنَا بِهِۦٓ أَزۡوَٰجٗا مِّنۡهُمۡ وَلَا تَحۡزَنۡ عَلَيۡهِمۡ وَٱخۡفِضۡ جَنَاحَكَ لِلۡمُؤۡمِنِينَ
Huwag kang magpatagal ng pagtingin mo sa anumang ipinatamasa Namin na mga uri, mula sa mga tagatangging sumampalataya, na mga natatamasang naglalaho. Huwag kang malungkot sa pagpapasinungaling nila. Magpakumbaba ka sa mga mananampalataya.
Les exégèses en arabe:
وَقُلۡ إِنِّيٓ أَنَا ٱلنَّذِيرُ ٱلۡمُبِينُ
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako mismo ay ang mapagbabala sa pagdurusa, ang malinaw ang pagbabala,"
Les exégèses en arabe:
كَمَآ أَنزَلۡنَا عَلَى ٱلۡمُقۡتَسِمِينَ
Nagbabala sa inyo si Allāh na dadapo sa inyo ang tulad ng pinababa Niya sa mga nagkawatak-watak sa mga kasulatan Niya sa mga baha-bahagi sapagkat sumasampalataya sila sa isang bahagi at tumatangging sumampalataya sa isa pang bahagi.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• أن الله تعالى إذا أراد أن يهلك قرية ازداد شرهم وطغيانهم، فإذا انتهى أوقع بهم من العقوبات ما يستحقونه.
Na si Allāh – pagkataas-taas Siya – kapag nagnais na magpahamak ng isang pamayanan ay nadaragdagan ang kasamaan nila at ang pagmamalabis nila. Kaya kapag nagwakas ito, nagpapabagsak Siya sa kanila ng mga kaparusahang naging karapat-dapat sila.

• كراهة دخول مواطن العذاب، ومثلها دخول مقابر الكفار، فإن دخل الإنسان إلى تلك المواضع والمقابر فعليه الإسراع.
Ang pagkasuklam sa pagpasok sa mga pook ng pagdurusa, na ang tulad ng mga ito ay ang mga libingan ng mga tagatangging sumampalataya; ngunit kung papasok ang tao sa mga lugar at mga libingang iyon, kailangan sa kanya ang magmadali.

• ينبغي للمؤمن ألا ينظر إلى زخارف الدنيا وزهرتها، وأن ينظر إلى ما عند الله من العطاء.
Nararapat sa mananampalataya na hindi tumingin sa mga palamuti ng Mundo at kaningningan nito at na tumingin [na lamang] sa ibinibigay na nasa ganang kay Allāh.

• على المؤمن أن يكون بعيدًا من المشركين، ولا يحزن إن لم يؤمنوا، قريبًا من المؤمنين، متواضعًا لهم، محبًّا لهم ولو كانوا فقراء.
Kailangan sa mananampalataya na maging malayo sa mga tagapagtambal – at huwag siyang malungkot kung hindi sila sumampalataya – at maging malapit sa mga mananampalataya, mapagpakumbaba sa kanila, umiibig sa kanila kahit pa man sila ay mga maralita.

 
Traduction des sens Sourate: Al Hijr
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran - Lexique des traductions

Émanant du Centre d'Exégèse pour les Études Coraniques.

Fermeture