Check out the new design

Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Sourate: Maryam   Verset:
أَفَرَءَيۡتَ ٱلَّذِي كَفَرَ بِـَٔايَٰتِنَا وَقَالَ لَأُوتَيَنَّ مَالٗا وَوَلَدًا
Saka nakita mo ba, O Sugo, ang tumangging sumampalataya sa mga katwiran Namin at nagkaila sa banta Namin? Nagsabi siya: "Kung mamamatay ako at bubuhayin ako ay talagang magbibigay nga sa akin ng maraming yaman at mga anak."
Les exégèses en arabe:
أَطَّلَعَ ٱلۡغَيۡبَ أَمِ ٱتَّخَذَ عِندَ ٱلرَّحۡمَٰنِ عَهۡدٗا
Nakaalam ba siya sa Lingid kaya nagsabi siya ng sinabi niya ayon sa patunay? O gumawa siya sa ganang Panginoon niya ng isang kasunduan na talagang papasukin nga siya sa Paraiso at bibigyan nga siya ng yaman at mga anak?
Les exégèses en arabe:
كَلَّاۚ سَنَكۡتُبُ مَا يَقُولُ وَنَمُدُّ لَهُۥ مِنَ ٱلۡعَذَابِ مَدّٗا
Ang usapin ay hindi gaya ng inangkin niya! Magsusulat Kami ng sinasabi niya at ginagawa niya, at magdaragdag Kami sa kanya ng pagdurusa sa ibabaw ng pagdurusa niya dahil sa pag-aangkin niya ng kabulaanan.
Les exégèses en arabe:
وَنَرِثُهُۥ مَا يَقُولُ وَيَأۡتِينَا فَرۡدٗا
Magmamana Kami sa kanya ng naiwan niya na yaman at anak matapos ng pagpahamak Namin sa kanya. Darating siya sa Amin sa Araw ng Pagbangon nang bukod, na inalis mula sa kanya ang dati niyang tinatamasa mula sa yaman at mula sa reputasyon.
Les exégèses en arabe:
وَٱتَّخَذُواْ مِن دُونِ ٱللَّهِ ءَالِهَةٗ لِّيَكُونُواْ لَهُمۡ عِزّٗا
Gumawa ang mga tagapagtambal para sa kanila ng mga sinasamba bukod pa kay Allāh upang magkaroon sila ng tagapagtaguyod at tagatulong na maiaadya sila sa pamamagitan ng mga ito.
Les exégèses en arabe:
كَلَّاۚ سَيَكۡفُرُونَ بِعِبَادَتِهِمۡ وَيَكُونُونَ عَلَيۡهِمۡ ضِدًّا
Ang usapin ay hindi gaya ng inangkin nila sapagkat ang mga sinasambang ito na sinasamba nila bukod pa kay Allāh ay magtatatwa sa pagsamba ng mga tagapagtambal sa mga ito sa Araw ng Pagbangon, magpapawalang-kaugnayan sa kanila, at magiging mga kaaway para sa kanila.
Les exégèses en arabe:
أَلَمۡ تَرَ أَنَّآ أَرۡسَلۡنَا ٱلشَّيَٰطِينَ عَلَى ٱلۡكَٰفِرِينَ تَؤُزُّهُمۡ أَزّٗا
Hindi ka ba nakakita, O Sugo, na Kami ay nagpadala sa mga demonyo at nagpangibabaw sa mga ito sa mga tagatangging sumampalataya, na nagbubuyo sa kanila sa paggawa ng mga pagsuway at pagbalakid sa Islām sa isang pagbubuyo?
Les exégèses en arabe:
فَلَا تَعۡجَلۡ عَلَيۡهِمۡۖ إِنَّمَا نَعُدُّ لَهُمۡ عَدّٗا
Kaya huwag kang magmabilis, O Sugo, sa paghiling kay Allāh na madaliin Niya ang kapahamakan nila. Binibilang lamang ang mga edad nila sa isang pagbilang hanggang sa kapag nagwakas ang oras ng pagpapalugit sa kanila ay magpaparusa sa kanila ng naging karapat-dapat sa kanila.
Les exégèses en arabe:
يَوۡمَ نَحۡشُرُ ٱلۡمُتَّقِينَ إِلَى ٱلرَّحۡمَٰنِ وَفۡدٗا
Banggitin mo, O Sugo, ang Araw Pagbangon, na isang araw na titipunin ang mga tagapangilag sa pagkakasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya patungo sa Panginoon nila sa isang delegasyon bilang mga pinararangalan na mga iginagalang.
Les exégèses en arabe:
وَنَسُوقُ ٱلۡمُجۡرِمِينَ إِلَىٰ جَهَنَّمَ وِرۡدٗا
Maghahatid Kami sa mga tagatanging sumampalataya tungo sa Impiyerno habang mga uhaw.
Les exégèses en arabe:
لَّا يَمۡلِكُونَ ٱلشَّفَٰعَةَ إِلَّا مَنِ ٱتَّخَذَ عِندَ ٱلرَّحۡمَٰنِ عَهۡدٗا
Hindi makapagdudulot ang mga tagatangging sumampalataya na ito ng Pamamagitan para sa iba sa kanila maliban sa sinumang gumawa sa ganang kay Allāh sa Mundo ng isang tipan ng pagsampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya.
Les exégèses en arabe:
وَقَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَلَدٗا
Nagsabi ang mga Hudyo, ang mga Kristiyano, at ang iba sa mga tagapagtambal: "Gumawa ang Napakamaawain ng anak."
Les exégèses en arabe:
لَّقَدۡ جِئۡتُمۡ شَيۡـًٔا إِدّٗا
Talaga ngang nakagawa kayo, O mga tagapagsabi nito, ng isang bagay na mabigat.
Les exégèses en arabe:
تَكَادُ ٱلسَّمَٰوَٰتُ يَتَفَطَّرۡنَ مِنۡهُ وَتَنشَقُّ ٱلۡأَرۡضُ وَتَخِرُّ ٱلۡجِبَالُ هَدًّا
Halos ang mga langit ay nagkakabiyak-biyak dahil sa nakasasamang sabing ito, halos ang lupa ay nagkalamat-lamat, at halos ang mga bundok ay bumagsak na naguho.
Les exégèses en arabe:
أَن دَعَوۡاْ لِلرَّحۡمَٰنِ وَلَدٗا
Lahat ng iyon ay dahil nag-ugnay sila para sa Napakamaawain ng anak. Pagkataas-taas si Allāh para roon ayon sa isang kataasang malaki.
Les exégèses en arabe:
وَمَا يَنۢبَغِي لِلرَّحۡمَٰنِ أَن يَتَّخِذَ وَلَدًا
Hindi nagiging matuwid na gumawa ang Napakamaawain ng anak dahil sa pagkakawalang-kaugnayan Niya roon.
Les exégèses en arabe:
إِن كُلُّ مَن فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ إِلَّآ ءَاتِي ٱلرَّحۡمَٰنِ عَبۡدٗا
Walang [magagawa] ang bawat sinumang nasa mga langit kabilang sa mga anghel, tao, at jinn kundi pupunta sa Panginoon niya sa Araw ng Pagbangon bilang tagapagpasakop.
Les exégèses en arabe:
لَّقَدۡ أَحۡصَىٰهُمۡ وَعَدَّهُمۡ عَدّٗا
Talaga ngang nakasaklaw Siya sa kanila sa kaalaman at bumilang Siya sa kanila sa isang pagbilang kaya walang nakakukubli sa Kanya mula sa kanila na anuman.
Les exégèses en arabe:
وَكُلُّهُمۡ ءَاتِيهِ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ فَرۡدًا
Bawat isa sa kanila ay pupunta sa Kanya sa Araw ng Pagbangon nang namumukod-tangi na walang tagapag-adya para sa kanya ni yaman.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• تدل الآيات على سخف الكافر وسَذَاجة تفكيره، وتَمَنِّيه الأماني المعسولة، وهو سيجد نقيضها تمامًا في عالم الآخرة.
Nagpapatunay ang mga talata ng Qur'ān sa katangahan ng tagatangging sumampalataya, kawalang-muwang ng pag-iisip niya, at pagmimithi niya ng mga mithiing pinatamis gayong siya ay makatatagpo ng kasalungat nito sa kalubusan sa daigdig ng Kabilang-buhay.

• سلَّط الله الشياطين على الكافرين بالإغواء والإغراء بالشر، والإخراج من الطاعة إلى المعصية.
Nagpangibabaw si Allāh sa mga demonyo sa mga tagatangging sumampalataya sa pamamagitan ng paglilisya, pagbubuyo sa kasamaan, at pagpapalabas sa pagtalima tungo sa pagsuway.

• أهل الفضل والعلم والصلاح يشفعون بإذن الله يوم القيامة.
Ang mga may kalamangan, kaalaman, at kaayusan ay mamamagitan ayon sa pahintulot ni Allāh sa Araw ng Pagbangon.

 
Traduction des sens Sourate: Maryam
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran - Lexique des traductions

Émanant du Centre d'Exégèse pour les Études Coraniques.

Fermeture