Check out the new design

Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Verset: (115) Sourate: Al Baqarah
وَلِلَّهِ ٱلۡمَشۡرِقُ وَٱلۡمَغۡرِبُۚ فَأَيۡنَمَا تُوَلُّواْ فَثَمَّ وَجۡهُ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱللَّهَ وَٰسِعٌ عَلِيمٞ
Kay Allāh ang pagmamay-ari ng silangan, ng kanluran, at ng anumang nasa pagitan ng dalawang ito. Nag-uutos Siya sa mga lingkod Niya ng anumang niloob Niya. Kaya saanman kayo bumabaling, tunay na kayo ay humaharap kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sapagkat tunay na ang lagay ninyo sa pagharap sa Jerusalem o Ka`bah o kung nagkamali kayo sa qiblah o humirap sa inyo ang pagharap doon ay walang masama para sa inyo dahil ang mga dako sa kabuuan ng mga ito ay sa kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Tunay na si Allāh ay Malawak na nakasasakop sa nilikha Niya sa awa Niya at pagpapadali Niya sa kanila, Maalam sa mga layunin nila at mga gawain nila.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• الكفر ملة واحدة وإن اختلفت أجناس أهله وأماكنهم، فهم يتشابهون في كفرهم وقولهم على الله بغير علم.
Ang kawalang-pananampalataya ay iisang kapaniwalaan, kahit pa nagkaiba-iba ang mga uri ng mga alagad nito at ng mga pook nila sapagkat sila ay nagkakahawigan sa kawalang-pananampalataya nila at pagsasabi nila laban kay Allāh nang walang kaalaman.

• أعظم الناس جُرْمًا وأشدهم إثمًا من يصد عن سبيل الله، ويمنع من أراد فعل الخير.
Ang pinakasukdulan sa mga tao sa krimen at ang pinakamatindi sa kanila sa kasalanan ay ang sinumang sumasagabal sa landas ni Allāh at pumipigil sa sinumang nagnais ng paggawa ng kabutihan.

• تنزّه الله تعالى عن الصاحبة والولد، فهو سبحانه لا يحتاج لخلقه.
Pagkalayu-layo si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pagkakaroon ng asawa at anak sapagkat Siya ay hindi nangangailangan ng nilikha Niya.

 
Traduction des sens Verset: (115) Sourate: Al Baqarah
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran - Lexique des traductions

Émanant du Centre d'Exégèse pour les Études Coraniques.

Fermeture