Check out the new design

Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Sourate: Tâ Hâ   Verset:
كَذَٰلِكَ نَقُصُّ عَلَيۡكَ مِنۡ أَنۢبَآءِ مَا قَدۡ سَبَقَۚ وَقَدۡ ءَاتَيۡنَٰكَ مِن لَّدُنَّا ذِكۡرٗا
Tulad ng isinalaysay Namin sa iyo, O Muḥammad, na ulat kina Moises at Paraon at ulat ng mga tao nilang dalawa, nagsasalaysay Kami sa iyo ng mga ulat ng mga nauna sa iyo na mga propeta at mga kalipunan upang ito ay maging isang pampalubag-loob para sa iyo. Nagbigay nga Kami mula sa ganang Amin ng Qur'ān na nagsasaalaala sa pamamagitan nito ang sinumang nagsasaalaala.
Les exégèses en arabe:
مَّنۡ أَعۡرَضَ عَنۡهُ فَإِنَّهُۥ يَحۡمِلُ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ وِزۡرًا
Ang sinumang umayaw sa Qur'ān na ito na pinababa sa iyo kaya hindi sumampalataya rito at hindi nagsagawa ng nasaad dito, tunay na siya ay pupunta sa Araw ng Pagbangon na nagpapasan ng isang kasalanang mabigat habang naging karapat-dapat sa isang parusang masakit.
Les exégèses en arabe:
خَٰلِدِينَ فِيهِۖ وَسَآءَ لَهُمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِ حِمۡلٗا
bilang mga mamamalagi sa pagdurusang iyon palagi. Kay saklap ang pasaning papasanin nila sa Araw ng Pagbangon!
Les exégèses en arabe:
يَوۡمَ يُنفَخُ فِي ٱلصُّورِۚ وَنَحۡشُرُ ٱلۡمُجۡرِمِينَ يَوۡمَئِذٖ زُرۡقٗا
Sa Araw na iihip ang anghel sa tambuli sa ikalawang pag-ihip para sa pagbubuhay at kakalap Kami sa mga tagatangging sumampalataya sa Araw na iyon habang [may matang] bughaw dahil sa pagbabago ng mga kulay nila at mga mata nila dahil sa tindi ng dinanas nila na mga hilakbot sa Kabilang-buhay.
Les exégèses en arabe:
يَتَخَٰفَتُونَ بَيۡنَهُمۡ إِن لَّبِثۡتُمۡ إِلَّا عَشۡرٗا
Magbubulungan sila sa pagsabi nila: "Hindi kayo namalagi sa Barzakh matapos ng kamatayan kundi nang sampung gabi."
Les exégèses en arabe:
نَّحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَا يَقُولُونَ إِذۡ يَقُولُ أَمۡثَلُهُمۡ طَرِيقَةً إِن لَّبِثۡتُمۡ إِلَّا يَوۡمٗا
Kami ay higit na maalam sa paglilihiman nila; walang nakaaalpas sa Amin mula rito na anuman noong nagsasabi ang pinakasagana sa kanila sa pag-iisip: "Hindi kayo namalagi sa Barzakh kundi nang iisang araw, hindi higit pa."
Les exégèses en arabe:
وَيَسۡـَٔلُونَكَ عَنِ ٱلۡجِبَالِ فَقُلۡ يَنسِفُهَا رَبِّي نَسۡفٗا
Nagtatanong sila sa iyo, O Sugo, tungkol sa kalagayan ng mga bundok sa Araw ng Pagbangon kaya sabihin mo sa kanila: "Ang mga bundok ay bubunutin ng Panginoon ko mula sa mga ugat nito at ikakalat Niya ang mga ito kaya ang mga ito ay magiging alabok.
Les exégèses en arabe:
فَيَذَرُهَا قَاعٗا صَفۡصَفٗا
Iiwan Niya ang lupa na nagpapasan sa mga ito na maging patag na walang gusali sa ibabaw nito ni tanim.
Les exégèses en arabe:
لَّا تَرَىٰ فِيهَا عِوَجٗا وَلَآ أَمۡتٗا
Hindi ka makakikita sa lupa, O tagatingin sa mga iyon, dahil sa kalubusan ng kapatagan nito, ng isang paghilig ni isang pag-angat ni isang pagbaba."
Les exégèses en arabe:
يَوۡمَئِذٖ يَتَّبِعُونَ ٱلدَّاعِيَ لَا عِوَجَ لَهُۥۖ وَخَشَعَتِ ٱلۡأَصۡوَاتُ لِلرَّحۡمَٰنِ فَلَا تَسۡمَعُ إِلَّا هَمۡسٗا
Sa Araw na iyon susundan ng mga tao ang tinig ng tagapag-anyaya patungo sa Kalapan, nang walang paglihis sa kanila sa pagsunod sa kanya. Tatahimik ang mga tinig para sa Napakamaawain dala ng pangingilabot, kaya wala kang maririnig sa Araw na iyon kundi isang pakubling tinig.
Les exégèses en arabe:
يَوۡمَئِذٖ لَّا تَنفَعُ ٱلشَّفَٰعَةُ إِلَّا مَنۡ أَذِنَ لَهُ ٱلرَّحۡمَٰنُ وَرَضِيَ لَهُۥ قَوۡلٗا
Sa dakilang Araw na iyon ay hindi magpapakinabang ang pamamagitan mula sa alinmang tagapamagitan maliban sa isang tagapamagitang nagpahintulot doon si Allāh na mamagitan iyon at nalugod Siya sa sinasabi niyon sa pamamagitan.
Les exégèses en arabe:
يَعۡلَمُ مَا بَيۡنَ أَيۡدِيهِمۡ وَمَا خَلۡفَهُمۡ وَلَا يُحِيطُونَ بِهِۦ عِلۡمٗا
Nakaaalam si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sa kahaharapin ng mga tao mula sa nauukol sa Huling Sandali at nakaaalam Siya sa tatalikuran nila sa Mundo nila, habang hindi makasasaklaw ang lahat ng mga tao sa kaalaman sa sarili ni Allāh at mga katangian Niya.
Les exégèses en arabe:
۞ وَعَنَتِ ٱلۡوُجُوهُ لِلۡحَيِّ ٱلۡقَيُّومِۖ وَقَدۡ خَابَ مَنۡ حَمَلَ ظُلۡمٗا
Nagpakaaba ang mga mukha ng mga tao at nagpasakop sa [Panginoong] Buhay na hindi namamatay, na Tagapagpanatili sa mga nauukol sa mga tao sa pamamagitan ng pangangasiwa sa mga ito at pagpapatakbo sa mga ito samantalang nalugi nga ang sinumang nagpasan ng kasalanan sa pamamagitan ng paghahatid niya sa sarili niya sa mga hatiran ng kapahamakan.
Les exégèses en arabe:
وَمَن يَعۡمَلۡ مِنَ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَهُوَ مُؤۡمِنٞ فَلَا يَخَافُ ظُلۡمٗا وَلَا هَضۡمٗا
Ang sinumang gumagawa ng mga gawang maayos samantalang siya ay mananampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, magtatamo siya ng ganti sa kanya nang lubus-lubos at hindi siya mangangamba sa isang kawalang-katarungan kapag pinagdurusa siya dahil sa isang pagkakasalang hindi niya ginawa ni sa isang kabawasan sa gantimpala sa gawa niyang maayos.
Les exégèses en arabe:
وَكَذَٰلِكَ أَنزَلۡنَٰهُ قُرۡءَانًا عَرَبِيّٗا وَصَرَّفۡنَا فِيهِ مِنَ ٱلۡوَعِيدِ لَعَلَّهُمۡ يَتَّقُونَ أَوۡ يُحۡدِثُ لَهُمۡ ذِكۡرٗا
Tulad ng pinababa Namin na mga kasaysayan ng mga nauna, nagpababa Kami nitong Qur'an sa wikang Arabeng malinaw at naglinaw Kami rito ng mga uri ng banta gaya ng pagbabala at pagpapangamba, sa pag-asang mangamba sila kay Allāh o magdulot sa kanila ang Qur'ān ng pangaral at pagsasaalang-alang.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• القرآن العظيم كله تذكير ومواعظ للأمم والشعوب والأفراد، وشرف وفخر للإنسانية.
Ang Dakilang Qur'ān, sa kabuuan nito, ay pagpapaalaala at mga pangaral para sa mga kalipunan, mga bansa, at mga indibiduwal; at karangalan at kapurihan para sa sangkatauhan.

• لا تنفع الشفاعة أحدًا إلا شفاعة من أذن له الرحمن، ورضي قوله في الشفاعة.
Hindi nagpapakinabang ang pamamagitan sa isa man maliban sa pamamagitan ng sinumang nagpahintulot doon ang Napakamaawain at nalugod Siya sa sinasabi niyon sa pamamagitan.

• القرآن مشتمل على أحسن ما يكون من الأحكام التي تشهد العقول والفطر بحسنها وكمالها.
Ang Qur'ān ay naglalaman ng pinakamaganda na maging mga patakaran na nasasaksihan ng mga isip at mga kalikasan ng pagkalalang dahil sa kagandahan ng mga ito at kalubusan ng mga ito.

• من آداب التعامل مع القرآن تلقيه بالقبول والتسليم والتعظيم، والاهتداء بنوره إلى الصراط المستقيم، والإقبال عليه بالتعلم والتعليم.
Kabilang sa mga kaasalan ng pakikitungo sa Qur'ān ang pagkamit nito sa pamamagitan ng pagtanggap, pagpapasakop, pagdakila, pagkapatnubay sa liwanag nito tungo sa landasing tuwid, at pagmamalasakit dito sa pamamagitan ng pagkatuto at pagtuturo.

• ندم المجرمين يوم القيامة حيث ضيعوا الأوقات الكثيرة، وقطعوها ساهين لاهين، معرضين عما ينفعهم، مقبلين على ما يضرهم.
Ang pagsisisi ng mga salarin sa Araw ng Pagbangon ay yayamang nagsayang sila at pumatay sila ng maraming panahon habang mga nalilingat, mga naglilibang, mga umaayaw sa nagpapakinabang sa kanila, at mga tumutuon sa nakapipinsala sa kanila.

 
Traduction des sens Sourate: Tâ Hâ
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran - Lexique des traductions

Émanant du Centre d'Exégèse pour les Études Coraniques.

Fermeture