Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Verset: (40) Sourate: AN-NOUR
أَوۡ كَظُلُمَٰتٖ فِي بَحۡرٖ لُّجِّيّٖ يَغۡشَىٰهُ مَوۡجٞ مِّن فَوۡقِهِۦ مَوۡجٞ مِّن فَوۡقِهِۦ سَحَابٞۚ ظُلُمَٰتُۢ بَعۡضُهَا فَوۡقَ بَعۡضٍ إِذَآ أَخۡرَجَ يَدَهُۥ لَمۡ يَكَدۡ يَرَىٰهَاۗ وَمَن لَّمۡ يَجۡعَلِ ٱللَّهُ لَهُۥ نُورٗا فَمَا لَهُۥ مِن نُّورٍ
O ang mga gawa nila ay tulad ng mga kadiliman sa isang dagat na malalim na may pumapaibabaw dito na mga alon, na mula sa ibabaw ng mga alon na iyon ay may mga iba pang alon, na sa ibabaw ng mga ito ay may mga ulap na nagtatakip sa ipinapampatnubay na mga bituin. Mga kadilimang nagkapatung-patong, na ang ilan sa mga ito ay nasa ibabaw ng iba, kapag naglabas ang sinumang nasadlak sa mga kadilimang ito ng kamay niya ay hindi halos siya makakita nito dahil sa tindi ng kadiliman. Gayon din ang tagatangging sumampalataya sapagkat nagkapatung-patong sa kanya ang mga kadiliman ng kamangmangan, pagdududa, pagkalito, at pagkapinid sa puso niya. Ang sinumang hindi tinustusan ni Allāh ng patnubay laban sa kaligawan at ng kaalaman sa Aklat Niya, walang ukol sa kanya na patnubay na ipampapatnubay niya at walang aklat na ipanliliwanag niya.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• موازنة المؤمن بين المشاغل الدنيوية والأعمال الأخروية أمر لازم.
Ang pagbabalanse ng mananampalataya sa pagitan ng mga pinagkakaabalahang pangmundo at ng mga gawaing pangkabilang-buhay ay isang bagay na kinakailangan.

• بطلان عمل الكافر لفقد شرط الإيمان.
Ang kawalang-kabuluhan ng gawain ng tagatangging sumampalataya dahil sa pagkawala ng kundisyon ng pananampalataya.

• أن الكافر نشاز من مخلوقات الله المسبِّحة المطيعة.
Na ang tagatangging sumampalataya ay isang kaalitan ng mga tagapagluwalhating tagatalimang nilikha ni Allāh.

• جميع مراحل المطر من خلق الله وتقديره.
Ang lahat ng mga yugto ng ulan ay bahagi ng paglikha ni Allāh at pagtatakda Niya.

 
Traduction des sens Verset: (40) Sourate: AN-NOUR
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran - Lexique des traductions

Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran émanant du Centre de l'exégèse pour les études coraniques

Fermeture