Check out the new design

Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Verset: (162) Sourate: Al 'Imran
أَفَمَنِ ٱتَّبَعَ رِضۡوَٰنَ ٱللَّهِ كَمَنۢ بَآءَ بِسَخَطٖ مِّنَ ٱللَّهِ وَمَأۡوَىٰهُ جَهَنَّمُۖ وَبِئۡسَ ٱلۡمَصِيرُ
Hindi nagkakapantay sa ganang kay Allāh ang sinumang sumunod sa anumang ikapagtatamo ng kaluguran ni Allāh gaya ng pananampalataya at gawang maayos at ang sinumang tumangging sumampalataya kay Allāh at gumawa ng mga masagwang gawa kaya nanumbalik nang may matinding galit mula kay Allāh. Ang titigilan niya ay Impiyerno. Masagwa ito bilang panunumbalikan at titigilan!
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• النصر الحقيقي من الله تعالى، فهو القوي الذي لا يحارب، والعزيز الذي لا يغالب.
Ang totoong pagwawagi ay mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya – sapagkat Siya ang Malakas na walang makikidigma, ang Makapangyarihang walang makikipanaig.

• لا تستوي في الدنيا حال من اتبع هدى الله وعمل به وحال من أعرض وكذب به، كما لا تستوي منازلهم في الآخرة.
Hindi nagkakapantay sa Mundo ang kalagayan ng sinumang sumunod sa patnubay ni Allāh at gumawa ayon dito at ang kalagayan ng sinumang umayaw at nagpasinungaling sa Kanya kung paanong hindi nagkakapantay ang mga antas nila sa Kabilang-buhay.

• ما ينزل بالعبد من البلاء والمحن هو بسبب ذنوبه، وقد يكون ابتلاء ورفع درجات، والله يعفو ويتجاوز عن كثير منها.
Ang bumababa sa tao na pagsubok at pagsusulit ay dahilan sa mga pagkakasala niya. Ito ay maaaring maging pagsubok at pag-aangat ng mga antas. Si Allāh ay nagpapaumanhin at nagpapalampas sa marami sa mga ito.

 
Traduction des sens Verset: (162) Sourate: Al 'Imran
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran - Lexique des traductions

Émanant du Centre d'Exégèse pour les Études Coraniques.

Fermeture