Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Verset: (187) Sourate: AL ‘IMRÂN
وَإِذۡ أَخَذَ ٱللَّهُ مِيثَٰقَ ٱلَّذِينَ أُوتُواْ ٱلۡكِتَٰبَ لَتُبَيِّنُنَّهُۥ لِلنَّاسِ وَلَا تَكۡتُمُونَهُۥ فَنَبَذُوهُ وَرَآءَ ظُهُورِهِمۡ وَٱشۡتَرَوۡاْ بِهِۦ ثَمَنٗا قَلِيلٗاۖ فَبِئۡسَ مَا يَشۡتَرُونَ
Banggitin mo, O Propeta, nang gumawa si Allāh ng tipan na binigyang-diin sa mga maalam ng mga May Kasulatan kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano, [na nagsasaad]: "Talagang magpapaliwanag nga kayo sa mga tao ng Kasulatan ni Allāh at hindi kayo magkukubli ng laman nito na patnubay ni ng ipinahiwatig nito na pagkapropeta ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan." Ngunit walang nangyari sa kanila maliban na nagtapon sila ng tipan at hindi sila lumingon doon sapagkat nagkubli sila ng katotohanan at naglantad sila ng kabulaanan. Ipinagpalit nila ang tipan kay Allāh sa katiting na halaga gaya ng katanyagan at yaman, na maaari nilang matatamo. Kaya kay saklap ang halagang ito na ipinagpalit nila sa tipan ni Allāh!
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• من صفات علماء السوء من أهل الكتاب: كتم العلم، واتباع الهوى، والفرح بمدح الناس مع سوء سرائرهم وأفعالهم.
Kabilang sa mga katangian ng mga maalam ng kasagwaan kabilang sa mga May Kasulatan ay ang pagtatago ng kaalaman, ang pagsunod sa pithaya, at ang pagkatuwa sa papuri ng mga tao sa kabila ng kasagwaan ng mga lihim nila at mga gawain nila.

• التفكر في خلق الله تعالى في السماوات والأرض وتعاقب الأزمان يورث اليقين بعظمة الله وكمال الخضوع له عز وجل.
Ang pag-iisip-isip kaugnay sa paglikha ni Allāh – pagkataas-taas Siya – sa mga langit at lupa at pagsusunuran ng mga panahon ay nagsasanhi ng katiyakan sa kadakilaan ni Allāh at kalubusan ng pagpapakumbaba sa Kanya – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan.

• دعاء الله وخضوع القلب له تعالى من أكمل مظاهر العبودية.
Ang pagdalangin kay Allāh at ang pagpapakumbaba ng puso sa Kanya – pagkataas-taas Siya – ay bahagi ng pinakalubos na mga aspeto ng pagkamananamba.

 
Traduction des sens Verset: (187) Sourate: AL ‘IMRÂN
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran - Lexique des traductions

Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran émanant du Centre de l'exégèse pour les études coraniques

Fermeture