Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Verset: (195) Sourate: AL ‘IMRÂN
فَٱسۡتَجَابَ لَهُمۡ رَبُّهُمۡ أَنِّي لَآ أُضِيعُ عَمَلَ عَٰمِلٖ مِّنكُم مِّن ذَكَرٍ أَوۡ أُنثَىٰۖ بَعۡضُكُم مِّنۢ بَعۡضٖۖ فَٱلَّذِينَ هَاجَرُواْ وَأُخۡرِجُواْ مِن دِيَٰرِهِمۡ وَأُوذُواْ فِي سَبِيلِي وَقَٰتَلُواْ وَقُتِلُواْ لَأُكَفِّرَنَّ عَنۡهُمۡ سَيِّـَٔاتِهِمۡ وَلَأُدۡخِلَنَّهُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ ثَوَابٗا مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِۚ وَٱللَّهُ عِندَهُۥ حُسۡنُ ٱلثَّوَابِ
Kaya sumagot ang Panginoon nila sa panalangin nila: "Ako ay hindi magsasayang sa gantimpala ng mga gawa ninyo, kumaunti man o dumami. Magkapantay ang gumagawa, lalaki man o babae, sapagkat ang patakaran sa isa't isa sa inyo sa iba pa kaugnay sa kapaniwalaan ay iisa: hindi nagdaragdag para sa isang lalaki at hindi nagbabawas para sa isang babae. Kaya ang mga lumikas sa landas Ko, pinalisan ng mga tagatangging sumampalataya mula sa mga tahanan nila, pinaranas ng pananakit dahilan sa pagtalima nila sa Panginoon nila, nakipaglaban sa landas Ko, at napatay upang ang Salita Ko ay maging ang kataas-taasan ay talagang magpapatawad nga Ako sa kanila sa mga masagwang gawa nila sa Araw ng Pagbangon, talagang magpapalampas nga Ako sa mga ito, at talagang magpapapasok nga Ako sa kanila sa mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito." Ito ay bilang gantimpala sa ganang kay Allāh. Si Allāh, taglay Niya ang magandang gantimpala na walang katulad.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• الأذى الذي ينال المؤمن في سبيل الله فيضطره إلى الهجرة والخروج والجهاد من أعظم أسباب تكفير الذنوب ومضاعفة الأجور.
Ang pananakit na natatamo ng mananampalataya sa landas ni Allāh kaya napipilitan siyang lumikas, umalis, at makibaka ay kabilang sa pinakadakila sa mga kadahilanan ng pagtatakip-sala sa mga pagkakasala at pag-iibayo sa mga pabuya.

• ليست العبرة بما قد ينعم به الكافر في الدنيا من المال والمتاع وإن عظم؛ لأن الدنيا زائلة، وإنما العبرة بحقيقة مصيره في الآخرة في دار الخلود.
Ang pagsasaalang-alang ay hindi sa anumang maaaring tinatamasa ng tagatangging sumampalataya sa Mundo na kayamanan at kasiyahan, kahit pa malaki ito, dahil ang Mundo ay maglalaho. Ang pagsasaalang-alang ay nasa reyalidad ng kahahantungan niya sa Kabilang-buhay sa Tahanan ng Pananatili.

• من أهل الكتاب من يشهدون بالحق الذي في كتبهم، فيؤمنون بما أنزل إليهم وبما أنزل على المؤمنين، فهؤلاء لهم أجرهم مرتين.
Mayroon sa mga May Kasulatan na mga sumasaksi sa katotohanang nasa mga kasulatan nila kaya sumasampalataya sila sa pinababa sa kanila at sa pinababa sa mga mananampalataya. Ang mga ito, ukol sa kanila ang pabuya sa kanila nang dalawang ulit.

• الصبر على الحق، ومغالبة المكذبين به، والجهاد في سبيله، هو سبيل الفلاح في الآخرة.
Ang pagtitiis sa katotohanan, ang pagdaig sa mga tagapagpasinungaling dito, at ang pakikibaka sa landas ni Allāh ay landas ng tagumpay sa Kabilang-buhay.

 
Traduction des sens Verset: (195) Sourate: AL ‘IMRÂN
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran - Lexique des traductions

Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran émanant du Centre de l'exégèse pour les études coraniques

Fermeture