Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Verset: (22) Sourate: LOUQMAN
۞ وَمَن يُسۡلِمۡ وَجۡهَهُۥٓ إِلَى ٱللَّهِ وَهُوَ مُحۡسِنٞ فَقَدِ ٱسۡتَمۡسَكَ بِٱلۡعُرۡوَةِ ٱلۡوُثۡقَىٰۗ وَإِلَى ٱللَّهِ عَٰقِبَةُ ٱلۡأُمُورِ
Ang sinumang nag-uukol ng sarili kay Allāh habang nagpapakawagas sa Kanya sa pagsamba sa Kanya at gumagawa ng maganda sa gawain niya ay nakahawak nga siya sa pinakamatibay na makakapitan ng sinumang umaasa ng kaligtasan yayamang hindi pangangambahan ang pagkaputol ng hinawakan niya. Tungo kay Allāh lamang ang kahahantungan ng mga usapin at ang babalikan ng mga ito para gumantimpala Siya sa bawat isa ayon sa nagiging karapat-dapat dito.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• نعم الله وسيلة لشكره والإيمان به، لا وسيلة للكفر به.
Ang mga biyaya ni Allāh ay isang kaparaanan para sa pagpapasalamat sa Kanya at pananampalataya sa Kanya, hindi isang kaparaanan para sa kawalang-pananampalataya sa Kanya.

• خطر التقليد الأعمى، وخاصة في أمور الاعتقاد.
Ang panganib ng bulag na paggaya-gaya, lalo na sa mga usapin ng paniniwala.

• أهمية الاستسلام لله والانقياد له وإحسان العمل من أجل مرضاته.
Ang kahalagahan ng pagsuko kay Allāh, pagpapaakay sa Kanya, at ang pagpapaganda sa gawain alang-alang sa kaluguran Niya.

• عدم تناهي كلمات الله.
Ang kawalan ng pagwawakas ng mga salita ni Allāh.

 
Traduction des sens Verset: (22) Sourate: LOUQMAN
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran - Lexique des traductions

Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran émanant du Centre de l'exégèse pour les études coraniques

Fermeture