Check out the new design

Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Verset: (32) Sourate: Luqmân
وَإِذَا غَشِيَهُم مَّوۡجٞ كَٱلظُّلَلِ دَعَوُاْ ٱللَّهَ مُخۡلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ فَلَمَّا نَجَّىٰهُمۡ إِلَى ٱلۡبَرِّ فَمِنۡهُم مُّقۡتَصِدٞۚ وَمَا يَجۡحَدُ بِـَٔايَٰتِنَآ إِلَّا كُلُّ خَتَّارٖ كَفُورٖ
Kapag pumaligid sa kanila mula sa bawat gilid ang mga alon na tulad ng mga bundok at mga ulap ay dumadalangin sila kay Allāh lamang habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa pagdalangin at pagsamba. Ngunit noong tumugon si Allāh sa kanila, sumagip Siya sa kanila patungo sa katihan, at nagligtas Siya sa kanila mula sa pagkalunod, mayroon sa kanila na katamtaman, na hindi nagsagawa ng kinailangan sa kanya na pagpapasalamat ayon sa pamamaraan ng kalubusan, at mayroon sa kanila na tagapagkaila sa biyaya ni Allāh. Walang nagkakaila sa mga tanda Namin kundi bawat taksil sa pangako – tulad ng nakipagkasundo kay Allāh na talagang kung magliligtas Siya rito ay talagang magiging kabilang nga ito sa mga tagapagpasalamat sa Kanya – na palatangging magpasalamat sa mga biyaya ni Allāh: hindi siya nagpapasalamat sa Panginoon niya na nagbiyaya nga mga ito sa kanya.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• نقص الليل والنهار وزيادتهما وتسخير الشمس والقمر: آيات دالة على قدرة الله سبحانه، ونعمٌ تستحق الشكر.
Ang pagbabawas sa gabi at maghapon, ang pagdaragdag sa dalawang ito, at ang pagpapasilbi sa araw at buwan ay mga tanda na nagpapatunay sa kakayahan ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – at mga biyayang nagiging karapat-dapat sa pagpapasalamat.

• الصبر والشكر وسيلتان للاعتبار بآيات الله.
Ang pagtitiis at ang pagpapasalamat ay dalawang kaparaanan para sa pagsasaalang-alang sa mga tanda ni Allāh.

• الخوف من القيامة يقي من الاغترار بالدنيا، ومن الخضوع لوساوس الشياطين.
Ang pangamba sa [Araw ng] Pagbangon ay nagsasanggalang laban sa pagkakadaya sa Mundo at pagpapasailalim sa mga sulsol ng mga demonyo.

• إحاطة علم الله بالغيب كله.
Ang pagkasaklaw ng kaalaman ni Allāh sa Lingid sa kabuuan nito.

 
Traduction des sens Verset: (32) Sourate: Luqmân
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) du Résumé dans l'Exégèse du noble Coran - Lexique des traductions

Émanant du Centre d'Exégèse pour les Études Coraniques.

Fermeture