Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Verset: (50) Sourate: AL-AHZÂB
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ إِنَّآ أَحۡلَلۡنَا لَكَ أَزۡوَٰجَكَ ٱلَّٰتِيٓ ءَاتَيۡتَ أُجُورَهُنَّ وَمَا مَلَكَتۡ يَمِينُكَ مِمَّآ أَفَآءَ ٱللَّهُ عَلَيۡكَ وَبَنَاتِ عَمِّكَ وَبَنَاتِ عَمَّٰتِكَ وَبَنَاتِ خَالِكَ وَبَنَاتِ خَٰلَٰتِكَ ٱلَّٰتِي هَاجَرۡنَ مَعَكَ وَٱمۡرَأَةٗ مُّؤۡمِنَةً إِن وَهَبَتۡ نَفۡسَهَا لِلنَّبِيِّ إِنۡ أَرَادَ ٱلنَّبِيُّ أَن يَسۡتَنكِحَهَا خَالِصَةٗ لَّكَ مِن دُونِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَۗ قَدۡ عَلِمۡنَا مَا فَرَضۡنَا عَلَيۡهِمۡ فِيٓ أَزۡوَٰجِهِمۡ وَمَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُمۡ لِكَيۡلَا يَكُونَ عَلَيۡكَ حَرَجٞۗ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
O Propeta, tunay na Kami ay nagpahintulot para sa iyo sa mga maybahay mong nagbigay ka ng mga bigay-kaya sa kanila. Nagpahintulot Kami para sa iyo sa minay-ari ng kanang kamay mo na mga babaing alipin kabilang sa ipinagkaloob sa iyo na mga bihag [sa digmaan]. Nagpahintulot Kami para sa iyo ng pag-aasawa sa mga babaing anak ng tiyuhin mo sa ama, ng pag-aasawa sa mga babaing anak ng mga tiyahin mo sa ama, ng pag-aasawa sa mga babaing anak ng tiyuhin mo sa ina, at ng pag-aasawa sa mga babaing anak ng mga tiyahin mo sa ina, na lumikas kasama sa iyo mula sa Makkah patungo sa Madīnah. Nagpahintulot Kami sa iyo ng pag-aasawa sa isang babaing mananampalatayang nagkaloob ng sarili nito sa iyo nang walang bigay-kaya kung nagnais ka naman na mapangasawa ito. Ang pag-aasawa ng kaloob ay natatangi sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan; hindi ito ipinahihintulot sa iba pa sa kanya kabilang sa Kalipunang [Islām]. Nakaalam nga Kami ng inobliga Namin sa mga mananampalataya kaugnay sa pumapatungkol sa mga maybahay kung saan hindi ipinahihintulot para sa kanila na lumampas sila sa apat na maybahay. [Nakaalam Kami] ng isinabatas Namin para sa kanila kaugnay sa pumapatungkol sa mga babaing alipin nila kung saan tunay na ukol sa kanila na magpakaligaya sa sinumang niloob nila sa mga iyon nang walang paglilimita sa bilang. Nagpahintulot Kami para sa iyo ng ipinahintulot Namin mula sa nabanggit na hindi Namin ipinahintulot sa iba pa sa iyo upang hindi magkaroon sa iyo ng pagkailang at hirap. Laging si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• الصبر على الأذى من صفات الداعية الناجح.
Ang pagtitiis sa pananakit ay kabilang sa mga katangian ng matagumpay na tagapag-anyaya ng Islām.

• يُنْدَب للزوج أن يعطي مطلقته قبل الدخول بها بعض المال جبرًا لخاطرها.
Naiibigan para sa asawa na magbigay sa diniborsiyo niya bago ng pakikipagtalik dito ng salapi bilang pamapalubag-loob sa damdamin nito.

• خصوصية النبي صلى الله عليه وسلم بجواز نكاح الهبة، وإن لم يحدث منه.
Ang pagkanatatangi ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pagpayag sa pag-aasawa ng handog, kahit pa man hindi nangyari ito mula sa kanya.

 
Traduction des sens Verset: (50) Sourate: AL-AHZÂB
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran - Lexique des traductions

Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran émanant du Centre de l'exégèse pour les études coraniques

Fermeture