Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Verset: (36) Sourate: MOUHAMMAD
إِنَّمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا لَعِبٞ وَلَهۡوٞۚ وَإِن تُؤۡمِنُواْ وَتَتَّقُواْ يُؤۡتِكُمۡ أُجُورَكُمۡ وَلَا يَسۡـَٔلۡكُمۡ أَمۡوَٰلَكُمۡ
Ang buhay na pangmundo ay isang paglalaro at isang paglilibang lamang kaya hindi pinagkakaabalahan ito ng isang nakapag-uunawa kapalit ng paggawa para sa Kabilang-buhay niya. Kung sasampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya at mangingilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, magbibigay Siya sa inyo ng gantimpala ng mga gawa ninyo nang lubusan, na walang ibinawas, at hindi Siya hihiling mula sa inyo ng mga yaman ninyo sa kabuuan ng mga ito; humihiling lamang Siya mula sa inyo ng isinatungkuling zakāh.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• سرائر المنافقين وخبثهم يظهر على قسمات وجوههم وأسلوب كلامهم.
Ang mga lihim ng mga mapagpaimbabaw at ang rimarim nila ay lumilitaw sa mga hubog ng mga mukha nila at istilo ng pananalita nila.

• الاختبار سُنَّة إلهية لتمييز المؤمنين من المنافقين.
Ang pagsubok ay isang kalakarang makadiyos para matangi ang mga mananampalataya sa mga mapagpaimbabaw.

• تأييد الله لعباده المؤمنين بالنصر والتسديد.
Ang pag-alalay ni Allāh sa mga lingkod Niyang mananampalataya ay sa pamamagitan ng pag-aadya at pagtutuon.

• من رفق الله بعباده أنه لا يطلب منهم إنفاق كل أموالهم في سبيل الله.
Bahagi ng kabaitan ni Allāh sa mga lingkod Niya ay na Siya ay hindi humihiling mula sa kanila ng paggugol ng lahat ng mga yaman nila sa landas Niya.

 
Traduction des sens Verset: (36) Sourate: MOUHAMMAD
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran - Lexique des traductions

Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran émanant du Centre de l'exégèse pour les études coraniques

Fermeture