Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Verset: (4) Sourate: MOUHAMMAD
فَإِذَا لَقِيتُمُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ فَضَرۡبَ ٱلرِّقَابِ حَتَّىٰٓ إِذَآ أَثۡخَنتُمُوهُمۡ فَشُدُّواْ ٱلۡوَثَاقَ فَإِمَّا مَنَّۢا بَعۡدُ وَإِمَّا فِدَآءً حَتَّىٰ تَضَعَ ٱلۡحَرۡبُ أَوۡزَارَهَاۚ ذَٰلِكَۖ وَلَوۡ يَشَآءُ ٱللَّهُ لَٱنتَصَرَ مِنۡهُمۡ وَلَٰكِن لِّيَبۡلُوَاْ بَعۡضَكُم بِبَعۡضٖۗ وَٱلَّذِينَ قُتِلُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ فَلَن يُضِلَّ أَعۡمَٰلَهُمۡ
Kaya kapag nakipagkita kayo, O mga mananampalataya, sa mga nakikipagdigma kabilang sa mga tumangging sumampalataya ay tumaga kayo sa mga leeg nila sa pamamagitan ng mga tabak ninyo. Magpatuloy kayo sa pakikipaglaban sa kanila hanggang sa maparami ninyo sa kanila ang napatay saka napuksa ninyo ang lakas nila. Kapag naparami ninyo sa kanila ang napatay ay higpitan ninyo ang mga gapos sa mga bihag. Saka kapag nakabihag kayo sa kanila ay nasa inyo ang pagpipilian alinsunod sa hinihiling ng kapakanan sa pagitan ng pagmamagandang-loob sa kanila sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kalayaan sa kanila nang walang kapalit, o pagpapatubos sa kanila kapalit ng salapi o iba pa rito. Magpatuloy kayo sa pakikipaglaban sa kanila at pagbihag sa kanila hanggang sa magwakas ang digmaan sa pamamagitan ng pagyakap sa Islām ng mga tagatangging sumampalataya o pakikipagkasunduan nila. Ang nabanggit na iyon na pagsubok sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng mga tagatangging sumampalataya at pagpapasalit-salitan ng mga araw at pagwawagi ng iba sa kanila sa iba pa ay kahatulan ni Allāh. Kung sakaling loloobin ni Allāh ang pagwawagi sa mga tagatangging sumampalataya nang walang paglalaban ay talaga sanang nagwagi Siya laban sa kanila subalit isinabatas Niya ang pakikibaka upang subukin ang iba sa kanila laban sa iba pa para masubok Niya ang nakikipaglaban kabilang sa mga mananampalataya at ang hindi nakikipaglaban. Sinusubok Niya ang tagatangging sumampalataya sa pamamagitan ng mananampalataya. Kaya kung napatay ang mananampalataya, papapasok siya sa Paraiso. Kung pinatay ng mananampalataya ang tatangging sumampalataya, papasok ang tagatangging sumampalataya sa Apoy. Ang mga pinatay sa landas ni Allāh ay hindi magpapawalang-saysay si Allāh sa mga gawa nila.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• النكاية في العدوّ بالقتل وسيلة مُثْلى لإخضاعه.
Ang pamiminsala sa kaaway sa pamamagitan ng pagkapatay ay isang kaparaanang pinakaideyal sa pagsasailalim sa kanya.

• المن والفداء والقتل والاسترقاق خيارات في الإسلام للتعامل مع الأسير الكافر، يؤخذ منها ما يحقق المصلحة.
Ang pagmamagandang-loob, ang pagpapatubos, ang pagpatay, at ang pang-aalipin ay mga mapagpipilian sa Islām sa pakikitungo sa mga bihag na tagatangging sumampalataya, na ipinatutupad mula sa mga ito ang nagsasakatuparan ng kapakanan.

• عظم فضل الشهادة في سبيل الله.
Ang bigat ng kalamangan ng pagkamartir sa landas ni Allāh.

• نصر الله للمؤمنين مشروط بنصرهم لدينه.
Ang pag-aadya ni Allāh sa mga mananampalataya ay nakakundisyon sa pag-aadya nila sa Relihiyon Niya.

 
Traduction des sens Verset: (4) Sourate: MOUHAMMAD
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran - Lexique des traductions

Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran émanant du Centre de l'exégèse pour les études coraniques

Fermeture