Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Verset: (75) Sourate: AL-MÂÏDAH
مَّا ٱلۡمَسِيحُ ٱبۡنُ مَرۡيَمَ إِلَّا رَسُولٞ قَدۡ خَلَتۡ مِن قَبۡلِهِ ٱلرُّسُلُ وَأُمُّهُۥ صِدِّيقَةٞۖ كَانَا يَأۡكُلَانِ ٱلطَّعَامَۗ ٱنظُرۡ كَيۡفَ نُبَيِّنُ لَهُمُ ٱلۡأٓيَٰتِ ثُمَّ ٱنظُرۡ أَنَّىٰ يُؤۡفَكُونَ
Walang iba ang Kristo Jesus na anak ni Maria kundi isang sugo kabilang sa mga sugo. Magaganap sa kanya ang anumang naganap sa kanila na kamatayan. Ang ina niyang si Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay marami sa katapatan at paniniwala. Silang dalawa ay kumakain ng pagkain dahil sa pangangailangan nila rito kaya papaanong sila ay naging mga diyos sa kabila ng pangangailangan nila sa pagkain? Kaya tumingin ka, O Sugo, ayon sa pagtingin ng pagmumuni-muni kung papaano nililiwanag ni Allāh para sa kanila ang mga tandang nagpapatunay sa kaisahan Niya at sa kabulaanan ng taglay nilang pagpapalabis sa pag-uugnay ng pagkadiyos sa iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – habang sila sa kabila niyon ay nagkakaila sa mga tandang ito. Pagkatapos tumingin ka ayon sa pagtingin ng pagmumuni-muni kung papaano silang nababaling palayo sa katotohanan sa isang pagbaling sa kabila nitong mga tandang maliwanag na nagpapatunay sa kaisahan ni Allāh.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• بيان كفر النصارى في زعمهم ألوهية المسيح عليه السلام، وبيان بطلانها، والدعوةُ للتوبة منها.
Ang paglilinaw sa kawalang-pananampalataya ng mga Kristiyano sa pag-aakala nila ng pagkadiyos ni Kristo – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ang paglilinaw sa kabulaanan niyon, at ang pag-aanyaya sa pagbabalik-loob mula roon.

• من أدلة بشرية المسيح وأمه: أكلهما للطعام، وفعل ما يترتب عليه.
Kabilang sa mga patunay ng pagkatao ni Kristo at ng ina niya ang pagkain nila ng pagkain at ang paggawa ng inireresulta niyon.

• عدم القدرة على كف الضر وإيصال النفع من الأدلة الظاهرة على عدم استحقاق المعبودين من دون الله للألوهية؛ لكونهم عاجزين.
Ang kawalan ng kakayahan sa pagpigil sa pinsala at pagpapaabot ng pakinabang ay kabilang sa mga hayag na patunay sa hindi pagiging karapat-dapat ng mga sinasamba bukod pa kay Allāh sa pagkadiyos dahil sa pagiging mga walang-kakayahan nila.

• النهي عن الغلو وتجاوز الحد في معاملة الصالحين من خلق الله تعالى.
Ang pagsaway sa pagpapalabis at paglampas sa hangganan sa pakikitungo sa mga maayos kabilang sa mga nilikha ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

 
Traduction des sens Verset: (75) Sourate: AL-MÂÏDAH
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran - Lexique des traductions

Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran émanant du Centre de l'exégèse pour les études coraniques

Fermeture