Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Sourate: QÂF   Verset:

Qāf

Parmi les objectifs de la sourate:
وعظ القلوب بالموت والبعث.
Ang pangangaral sa mga puso ng kamatayan at pagbubuhay.

قٓۚ وَٱلۡقُرۡءَانِ ٱلۡمَجِيدِ
Qāf. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah. Sumumpa si Allāh sa Marangal na Qur’ān dahil sa taglay nito na mga kahulugan at dami ng kabutihan at biyaya: talagang bubuhayin nga kayo sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti.
Les exégèses en arabe:
بَلۡ عَجِبُوٓاْ أَن جَآءَهُم مُّنذِرٞ مِّنۡهُمۡ فَقَالَ ٱلۡكَٰفِرُونَ هَٰذَا شَيۡءٌ عَجِيبٌ
Hindi naging dahilan ng pagtanggi nila ang inaasahan nila na magsinungaling ka sapagkat sila ay nakakikilala sa katapatan mo. Bagkus nagtaka sila na pumunta sa kanila ang isang sugong tagapagbabala kabilang sa uri nila at hindi uri ng mga anghel. Nagsabi sila dahil sa pagtataka-taka nila: "Ang pagdating ng isang sugo kabilang sa Sangkatauhan sa amin ay isang bagay na kataka-taka.
Les exégèses en arabe:
أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗاۖ ذَٰلِكَ رَجۡعُۢ بَعِيدٞ
Bubuhaying mula ba kami kapag namatay kami at kami ay naging alabok? Ang pagbubuhay na iyon at ang pagbabalik ng buhay sa mga katawan namin matapos na nabulok ay isang bagay na imposible, na hindi maaaring mangyari."
Les exégèses en arabe:
قَدۡ عَلِمۡنَا مَا تَنقُصُ ٱلۡأَرۡضُ مِنۡهُمۡۖ وَعِندَنَا كِتَٰبٌ حَفِيظُۢ
Nakaalam nga Kami sa anumang kinakain ng lupa mula sa mga katawan nila matapos ng kamatayan nila at pagpapalaho nito niyon. Walang nakakubli sa Amin mula roon na anuman. Sa piling Namin ay may isang talaan na tagapag-ingat sa bawat itinatakda sa kanila sa buhay nila at matapos ng kamatayan nila.
Les exégèses en arabe:
بَلۡ كَذَّبُواْ بِٱلۡحَقِّ لَمَّا جَآءَهُمۡ فَهُمۡ فِيٓ أَمۡرٖ مَّرِيجٍ
Bagkus nagpasinungaling ang mga tagapagtambal na ito sa Qur'ān noong inihatid ito sa kanila ng Sugo, kaya sila ay nasa isang kalagayang nalilito: hindi sila nakatitiyak sa anuman sa pumapatungkol dito.
Les exégèses en arabe:
أَفَلَمۡ يَنظُرُوٓاْ إِلَى ٱلسَّمَآءِ فَوۡقَهُمۡ كَيۡفَ بَنَيۡنَٰهَا وَزَيَّنَّٰهَا وَمَا لَهَا مِن فُرُوجٖ
Kaya hindi ba pinagnilay-nilayan ng mga tagapagpasinungaling na ito sa pagbubuhay ang langit sa ibabaw nila kung papaanong lumikha Kami nito, nagpatayo Kami nito, at gumayak Kami nito sa pamamagitan ng inilagay Namin dito na mga bituin, at walang taglay ito na anumang mga biyak na maipipintas dito? Ang lumikha ng langit na ito ay hindi nawawalang-kakayahan sa pagbubuhay sa mga patay para maging mga buhay.
Les exégèses en arabe:
وَٱلۡأَرۡضَ مَدَدۡنَٰهَا وَأَلۡقَيۡنَا فِيهَا رَوَٰسِيَ وَأَنۢبَتۡنَا فِيهَا مِن كُلِّ زَوۡجِۭ بَهِيجٖ
Ang lupa, naglatag Kami nito na maging naaangkop para sa paninirahan sa ibabaw nito, naglapat Kami rito ng mga bundok na matatag para hindi yumanig, at nagpatubo Kami rito ng bawat uri ng mga halaman at mga punong-kahoy na maganda sa pagtingin.
Les exégèses en arabe:
تَبۡصِرَةٗ وَذِكۡرَىٰ لِكُلِّ عَبۡدٖ مُّنِيبٖ
Lumikha Kami niyon sa kabuuan ninyo upang maging pagpapakita at pagpapaalaala para sa bawat lingkod na nagbabalik sa Panginoon nito sa pagtalima.
Les exégèses en arabe:
وَنَزَّلۡنَا مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ مُّبَٰرَكٗا فَأَنۢبَتۡنَا بِهِۦ جَنَّٰتٖ وَحَبَّ ٱلۡحَصِيدِ
Nagbaba Kami mula sa langit ng isang tubig na marami ang pakinabang at ang kabutihan saka nagpatubo Kami sa pamamagitan ng tubig na iyon ng mga taniman at nagpatubo Kami ng inaani ninyo na mga butil ng trigo at iba pa.
Les exégèses en arabe:
وَٱلنَّخۡلَ بَاسِقَٰتٖ لَّهَا طَلۡعٞ نَّضِيدٞ
Nagpatubo Kami sa pamamagitan niyon ng mga puno ng datiles habang mga naghahabaan at mga nagtataasan, na may bungang nagkakapatung-patong ang bahagi nito sa ibabaw ng iba pa.
Les exégèses en arabe:
رِّزۡقٗا لِّلۡعِبَادِۖ وَأَحۡيَيۡنَا بِهِۦ بَلۡدَةٗ مَّيۡتٗاۚ كَذَٰلِكَ ٱلۡخُرُوجُ
Nagpatubo Kami ng pinatubo Namin kabilang doon bilang panustos para sa mga lingkod; kumakain sila mula roon. Nagbigay-buhay Kami ng isang lupaing walang halaman. Kung paanong nagbigay-buhay Kami sa pamamagitan ng ulan na ito ng isang lupaing walang halaman, magbibigay-buhay Kami sa mga patay kaya lalabas sila bilang mga buhay.
Les exégèses en arabe:
كَذَّبَتۡ قَبۡلَهُمۡ قَوۡمُ نُوحٖ وَأَصۡحَٰبُ ٱلرَّسِّ وَثَمُودُ
May nagpasinungaling bago ng mga tagapagpasinungaling na ito sa iyo, o Sugo, na mga tao sa mga propeta nila sapagkat nagpasinungaling ang mga kababayan ni Noe at ang mga naninirahan [malapit] sa balon at nagpasinungaling ang [mga kalipi ng] Thamūd.
Les exégèses en arabe:
وَعَادٞ وَفِرۡعَوۡنُ وَإِخۡوَٰنُ لُوطٖ
Nagpasinungaling ang [mga kalipi ng] `Ād, si Paraon, at ang mga kababayan ni Lot.
Les exégèses en arabe:
وَأَصۡحَٰبُ ٱلۡأَيۡكَةِ وَقَوۡمُ تُبَّعٖۚ كُلّٞ كَذَّبَ ٱلرُّسُلَ فَحَقَّ وَعِيدِ
Nagpasinungaling ang mga kalipi ni Shu`ayb, ang mga naninirahan sa kasukalan, at ang mga kalipi ni Tubba` na hari ng Yemen. Lahat ng mga liping ito ay nagpasinungaling sa mga sugo ni Allāh na isinugo Niya kaya napagtibay sa kanila ang ipinangako sa kanila ni Allāh na pagdurusa.
Les exégèses en arabe:
أَفَعَيِينَا بِٱلۡخَلۡقِ ٱلۡأَوَّلِۚ بَلۡ هُمۡ فِي لَبۡسٖ مِّنۡ خَلۡقٖ جَدِيدٖ
Kaya nawalang-kakayahan ba Kami sa paglikha sa inyo sa unang pagkakataon hanggang sa mawalang-kakayahan Kami sa pagbuhay sa inyo? Bagkus sila ay nasa pagkataranta sa paglikhang bago matapos ng unang pagkalikha sa kanila.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• المشركون يستعظمون النبوة على البشر، ويمنحون صفة الألوهية للحجر!
Ang mga tagapagtambal ay nagtuturing na mabigat ang pagkapropeta para sa tao samantalang nagkakaloob sila ng katangian ng pagkadiyos sa bato!

• خلق السماوات، وخلق الأرض، وإنزال المطر، وإنبات الأرض القاحلة، والخلق الأول: كلها أدلة على البعث.
Ang pagkakalikha sa mga langit, ang pagkakalikha sa lupa, ang pagpapababa ng ulan, ang pagpapatubo ng lupang tuyot, at ang unang paglikha, ang kabuuan ng mga ito ay mga patunay sa pagbubuhay.

• التكذيب بالرسل عادة الأمم السابقة، وعقاب المكذبين سُنَّة إلهية.
Ang pagpapasinungaling sa mga sugo ay kaugalian ng mga kalipunang nauna, at ang pagpaparusa sa mga tagapagpasinungaling ay kalakarang pandiyos.

وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ وَنَعۡلَمُ مَا تُوَسۡوِسُ بِهِۦ نَفۡسُهُۥۖ وَنَحۡنُ أَقۡرَبُ إِلَيۡهِ مِنۡ حَبۡلِ ٱلۡوَرِيدِ
Talaga ngang lumikha Kami sa tao, habang nakaaalam Kami sa anumang sinasalita sa kanya ng sarili niya na mga hiwatig at mga ideya at Kami ay higit na malapit sa kanya kaysa sa ugat na natatagpuan sa leeg, na umaabot sa puso.
Les exégèses en arabe:
إِذۡ يَتَلَقَّى ٱلۡمُتَلَقِّيَانِ عَنِ ٱلۡيَمِينِ وَعَنِ ٱلشِّمَالِ قَعِيدٞ
[Banggitin] kapag tumatanggap ang dalawang anghel na tagatanggap ng gawa ng tao, na ang isa sa dalawa ay nakaupo sa gawing kanan niya at ang ikalawa ay nakaupo sa gawing kaliwa niya.
Les exégèses en arabe:
مَّا يَلۡفِظُ مِن قَوۡلٍ إِلَّا لَدَيۡهِ رَقِيبٌ عَتِيدٞ
Wala siyang sinasabi na anumang pagkakasabi malibang sa tabi niya ay may isang anghel na mapagmasid sa anumang sinasabi niya, na nakadalo.
Les exégèses en arabe:
وَجَآءَتۡ سَكۡرَةُ ٱلۡمَوۡتِ بِٱلۡحَقِّۖ ذَٰلِكَ مَا كُنتَ مِنۡهُ تَحِيدُ
Maghahatid ang katindihan ng kamatayan ng katotohanang walang matatakasan; iyon, O taong nalilingat, ang dati mong ipinahuhuli at tinatakasan.
Les exégèses en arabe:
وَنُفِخَ فِي ٱلصُّورِۚ ذَٰلِكَ يَوۡمُ ٱلۡوَعِيدِ
Iihip ang anghel na nakatalaga sa pag-ihip sa sungay sa ikalawang pag-ihip, iyon sa Araw ng Pagbangon ay ang Araw ng Pagbabanta ng pagdurusa para sa mga tagatangging sumampalataya at mga suwail.
Les exégèses en arabe:
وَجَآءَتۡ كُلُّ نَفۡسٖ مَّعَهَا سَآئِقٞ وَشَهِيدٞ
Darating ang bawat kaluluwa na may kasama itong isang anghel na aakay rito at isang anghel na sasaksi rito sa mga gawa nito.
Les exégèses en arabe:
لَّقَدۡ كُنتَ فِي غَفۡلَةٖ مِّنۡ هَٰذَا فَكَشَفۡنَا عَنكَ غِطَآءَكَ فَبَصَرُكَ ٱلۡيَوۡمَ حَدِيدٞ
Sasabihin sa inaakay na taong ito: "Talaga ngang ikaw dati sa Mundo ay nasa isang pagkalingat sa Araw na ito dahilan sa pagkalinlang sa iyo ng mga pagnanasa mo at mga minamasarap mo, kaya humawi Kami sa iyo ng pagkalingat mo sa pamamagitan ng magpapasakit sa iyo na pagdurusa at pighati kaya ang paningin mo ngayong araw ay matalas, na matatalos mo sa pamamagitan nito ang bagay na ikaw dati ay nasa isang pagkalingat."
Les exégèses en arabe:
وَقَالَ قَرِينُهُۥ هَٰذَا مَا لَدَيَّ عَتِيدٌ
Magsasabi ang kaugnay niyang nakatalaga sa kanya kabilang sa mga anghel: "Ito, ang taglay ko mula sa gawa niya, ay nakahanda nang walang bawas ni dagdag."
Les exégèses en arabe:
أَلۡقِيَا فِي جَهَنَّمَ كُلَّ كَفَّارٍ عَنِيدٖ
Magsasabi si Allāh sa dalawang anghel, ang tagahatid at ang tagasaksi: "Magtapon kayong dalawa sa Impiyerno ng bawat mapagtanggi sa katotohanan, na tagapagmatigas dito,
Les exégèses en arabe:
مَّنَّاعٖ لِّلۡخَيۡرِ مُعۡتَدٖ مُّرِيبٍ
madalas ang pagkakait ng isinatungkulin ni Allāh sa kanya na tungkulin, tagalampas sa mga hangganan ni Allāh, tagapagduda sa ipinababatid sa kanya na pangako o banta,
Les exégèses en arabe:
ٱلَّذِي جَعَلَ مَعَ ٱللَّهِ إِلَٰهًا ءَاخَرَ فَأَلۡقِيَاهُ فِي ٱلۡعَذَابِ ٱلشَّدِيدِ
na gumawa kasama kay Allāh ng ibang sinasambang itinatambal kasama sa Kanya sa pagsamba. Kaya itapon ninyong dalawa siya sa pagdurusang matindi."
Les exégèses en arabe:
۞ قَالَ قَرِينُهُۥ رَبَّنَا مَآ أَطۡغَيۡتُهُۥ وَلَٰكِن كَانَ فِي ضَلَٰلِۭ بَعِيدٖ
Magsasabi ang kaugnay niya kabilang sa mga demonyo habang nagpapawalang-kaugnayan sa kanya: "Panginoon namin, hindi ko siya iniligaw, subalit siya dati ay nasa isang pagkaligaw na malayo sa katotohanan."
Les exégèses en arabe:
قَالَ لَا تَخۡتَصِمُواْ لَدَيَّ وَقَدۡ قَدَّمۡتُ إِلَيۡكُم بِٱلۡوَعِيدِ
Magsasabi si Allāh: "Huwag kayong magkaalitan sa piling Ko sapagkat walang silbi roon, saka nagpauna na Ako para sa inyo sa Mundo ng inihatid ng mga sugo Ko na bantang matindi para sa sinumang tumangging sumampalataya sa Akin at sumuway sa Akin.
Les exégèses en arabe:
مَا يُبَدَّلُ ٱلۡقَوۡلُ لَدَيَّ وَمَآ أَنَا۠ بِظَلَّٰمٖ لِّلۡعَبِيدِ
Hindi nababago ang sinabi sa piling Ko at hindi nasisira ang pangako ko. Hindi Ako lumalabag sa katarungan sa mga alipin sa pamamagitan ng kabawasan sa mga magandang gawa nila ni sa pamamagitan ng karagdagan sa mga masagwang gawa nila, bagkus gaganti Ako sa kanila sa anumang ginawa nila."
Les exégèses en arabe:
يَوۡمَ نَقُولُ لِجَهَنَّمَ هَلِ ٱمۡتَلَأۡتِ وَتَقُولُ هَلۡ مِن مَّزِيدٖ
Sa Araw na magsasabi Kami sa Impiyerno: "Napuno ka kaya ng itinapon sa iyo na mga tagatangging sumampalataya at mga tagasuway?" Kaya sasagot ito sa Panginoon nito: "May dagdag pa kaya?" bilang paghiling ng karagdagan dala ng pagkagalit alang-alang sa Panginoon nito.
Les exégèses en arabe:
وَأُزۡلِفَتِ ٱلۡجَنَّةُ لِلۡمُتَّقِينَ غَيۡرَ بَعِيدٍ
Ilalapit ang Paraiso para sa mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya kaya makasasaksi sila sa anumang naroon na kaginhawahan nang hindi malayo mula sa kanila.
Les exégèses en arabe:
هَٰذَا مَا تُوعَدُونَ لِكُلِّ أَوَّابٍ حَفِيظٖ
Sasabihin sa kanila: "Ito ay ang ipinangako sa inyo ni Allāh – para sa bawat palabalik sa Panginoon niya sa pagbabalik-loob, tagaingat ng anumang inobliga sa kanya ng Panginoon niya,
Les exégèses en arabe:
مَّنۡ خَشِيَ ٱلرَّحۡمَٰنَ بِٱلۡغَيۡبِ وَجَآءَ بِقَلۡبٖ مُّنِيبٍ
na sinumang nangamba kay Allāh nang lihim kung saan walang nakakikita sa kanya kundi si Allāh at nakipagkita kay Allāh na may pusong malinis na dumudulog kay Allāh, na madalas ang pagbabalik sa Kanya."
Les exégèses en arabe:
ٱدۡخُلُوهَا بِسَلَٰمٖۖ ذَٰلِكَ يَوۡمُ ٱلۡخُلُودِ
Sasabihin sa Kanila: "Pumasok kayo sa Paraiso ayon sa pagpapasok na nasasamahan ng kaligtasan mula sa kinasusuklaman ninyo; iyon ay ang Araw ng Pananatili na walang paglaho matapos niyon."
Les exégèses en arabe:
لَهُم مَّا يَشَآءُونَ فِيهَا وَلَدَيۡنَا مَزِيدٞ
Ukol sa kanila ang anumang niloloob nila rito na kaginhawahang hindi nauubos at mayroon Kaming isang dagdag na kaginhawahan kabilang sa anumang walang matang nakakita, walang taingang nakarinig, at hindi sumagi sa puso ng tao, at kabilang dito ang pagkakita kay Allāh.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• علم الله بما يخطر في النفوس من خير وشر.
Ang kaalaman ni Allāh sa anumang sumasagi sa mga kaluluwa na kabutihan at kasamaan.

• خطورة الغفلة عن الدار الآخرة.
Ang panganib ng pagkalingat sa Tahanang Pangkabilang-buhay.

• ثبوت صفة العدل لله تعالى.
Ang pagpapatibay sa katangian ng katarungan para kay Allāh – pagkataas-taas Siya.

وَكَمۡ أَهۡلَكۡنَا قَبۡلَهُم مِّن قَرۡنٍ هُمۡ أَشَدُّ مِنۡهُم بَطۡشٗا فَنَقَّبُواْ فِي ٱلۡبِلَٰدِ هَلۡ مِن مَّحِيصٍ
Kay rami ng mga kalipunang ipinahamak Namin bago ng mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito kabilang sa mga mamamayan ng Makkah. Sila noon ay higit na matindi kaysa sa mga ito sa lakas, saka nagsiyasat sila sa bayan nang sa gayon sila ay makatagpo ng matatakasan mula sa pagdurusa ngunit hindi sila nakatagpo niyon.
Les exégèses en arabe:
إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَذِكۡرَىٰ لِمَن كَانَ لَهُۥ قَلۡبٌ أَوۡ أَلۡقَى ٱلسَّمۡعَ وَهُوَ شَهِيدٞ
Tunay na sa nabanggit na iyon na pagpapahamak sa mga kalipunang nauna ay talagang may pagpapaalaala at may pangaral para sa sinumang nagkaroon ng isang pusong naipang-uunawa o nagtuon ng pakikinig niya na nakadalo ang puso, hindi nalilingat.
Les exégèses en arabe:
وَلَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَمَا بَيۡنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٖ وَمَا مَسَّنَا مِن لُّغُوبٖ
Talaga ngang lumikha Kami ng mga langit, at lumikha Kami ng lupa at anumang nasa pagitan ng mga langit at lupa sa anim na araw sa kabila ng kakayahan Namin sa paglikha sa mga ito sa isang iglap. Walang tumama sa Amin na anumang kapaguran, gaya ng sinasabi ng mga Hudyo.
Les exégèses en arabe:
فَٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَسَبِّحۡ بِحَمۡدِ رَبِّكَ قَبۡلَ طُلُوعِ ٱلشَّمۡسِ وَقَبۡلَ ٱلۡغُرُوبِ
Kaya magtiis ka, O Sugo, sa sinasabi ng mga Hudyo at iba pa sa kanila. Magdasal ka sa Panginoon mo habang nagpupuri sa Kanya sa dasal sa madaling-araw bago ng pagsikat ng araw at magdasal ka sa hapon bago ng paglubog nito.
Les exégèses en arabe:
وَمِنَ ٱلَّيۡلِ فَسَبِّحۡهُ وَأَدۡبَٰرَ ٱلسُّجُودِ
Sa bahagi ng gabi ay magdasal ka sa Kanya at magluwalhati ka sa Kanya matapos ng mga dasal.
Les exégèses en arabe:
وَٱسۡتَمِعۡ يَوۡمَ يُنَادِ ٱلۡمُنَادِ مِن مَّكَانٖ قَرِيبٖ
Makinig ka, O Sugo, sa Araw na mananawagan ang anghel nakatalaga sa pag-ihip sa tambuli sa ikalawang pag-ihip mula sa isang pook na malapit,
Les exégèses en arabe:
يَوۡمَ يَسۡمَعُونَ ٱلصَّيۡحَةَ بِٱلۡحَقِّۚ ذَٰلِكَ يَوۡمُ ٱلۡخُرُوجِ
sa Araw na maririnig ng mga nilikha ang Sigaw ng pagbubuhay kalakip ng katotohanang walang pag-aatubili rito. Ang Araw na iyon na makaririnig sila roon ay ang Araw ng Paglabas ng mga patay mula sa mga libingan nila para sa pagtutuos at pagganti.
Les exégèses en arabe:
إِنَّا نَحۡنُ نُحۡيِۦ وَنُمِيتُ وَإِلَيۡنَا ٱلۡمَصِيرُ
Tunay na Kami mismo ay nagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan, walang tagabigay-buhay na iba pa sa Amin at walang tagabigay-kamatayan, at tungo sa Amin lamang ang pagbabalik ng mga lingkod sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti,
Les exégèses en arabe:
يَوۡمَ تَشَقَّقُ ٱلۡأَرۡضُ عَنۡهُمۡ سِرَاعٗاۚ ذَٰلِكَ حَشۡرٌ عَلَيۡنَا يَسِيرٞ
sa araw na magkakabiyak-biyak palayo sa kanila ang lupa kaya lalabas sila habang mga nagmamadali. Iyon ay isang pagkakalap, na sa Amin ay magaan.
Les exégèses en arabe:
نَّحۡنُ أَعۡلَمُ بِمَا يَقُولُونَۖ وَمَآ أَنتَ عَلَيۡهِم بِجَبَّارٖۖ فَذَكِّرۡ بِٱلۡقُرۡءَانِ مَن يَخَافُ وَعِيدِ
Kami ay higit na maalam sa anumang sinasabi ng mga tagapagpasinungaling na ito. Ikaw, O Sugo, ay hindi tagapangibabaw sa kanila para pumilit ka sa kanila sa pananampalataya. Ikaw lamang ay tagapagpaabot ng ipinag-utos sa iyo ni Allāh na ipaabot. Kaya magpaalaala ka sa pamamagitan ng Qur’ān sa sinumang nangangamba sa banta Ko para sa mga tagatangging sumampalataya at mga tagasuway dahil ang nangangamba ay ang napangangaralan at nagsasaalaala kapag pinaalalahanan.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• الاعتبار بوقائع التاريخ من شأن ذوي القلوب الواعية.
Ang pagsasaalang-alang sa mga naganap sa kasaysayan ay kabilang sa gawi ng mga may pusong nakamamalay.

• خلق الله الكون في ستة أيام لِحِكَم يعلمها الله، لعل منها بيان سُنَّة التدرج.
Ang paglikha ni Allāh sa Sansinukob sa anim na araw ay dahil sa mga kasanhiang nalalaman ni Allāh. Marahil kabilang sa mga ito ang paglilinaw sa kalakaran ng pag-uunti-unti.

• سوء أدب اليهود في وصفهم الله تعالى بالتعب بعد خلقه السماوات والأرض، وهذا كفر بالله.
Ang kasagwaan ng kaasalan ng mga Hudyo sa pagkakalarawan kay Allāh – pagkataas-taas Siya – ng pagkapagod matapos ng paglikha Niya ng mga langit at lupa. Ito ay kawalang-pananampalataya kay Allāh.

 
Traduction des sens Sourate: QÂF
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran - Lexique des traductions

Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran émanant du Centre de l'exégèse pour les études coraniques

Fermeture