Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Sourate: AL-QAMAR   Verset:

Al-Qamar

Parmi les objectifs de la sourate:
التذكير بنعمة تيسير القرآن، وما فيه من الآيات والنذر.
Ang pagpapaalaala hinggil sa biyaya ng pagpapadali sa Qur'ān at anumang nasaad dito na mga talata at mga paalaala.

ٱقۡتَرَبَتِ ٱلسَّاعَةُ وَٱنشَقَّ ٱلۡقَمَرُ
Napalapit ang pagdating ng Huling Sandali at nabiyak ang buwan sa panahon ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ang pagkabiyak ng buwan ay kabilang sa mga pisikal na himala niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.
Les exégèses en arabe:
وَإِن يَرَوۡاْ ءَايَةٗ يُعۡرِضُواْ وَيَقُولُواْ سِحۡرٞ مُّسۡتَمِرّٞ
Kung makakita ang mga tagapagtambal ng isang patunay at isang patotoo sa katapatan niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay aayaw sila sa pagtanggap nito at magsasabi sila: "Ang nasaksihan namin na mga katwiran at mga patotoo ay isang panggagaway na bulaan."
Les exégèses en arabe:
وَكَذَّبُواْ وَٱتَّبَعُوٓاْ أَهۡوَآءَهُمۡۚ وَكُلُّ أَمۡرٖ مُّسۡتَقِرّٞ
Nagpasinungaling sila sa dumating sa kanila na katotohanan at sumunod sila sa mga pithaya nila sa pagpapasinungaling. Bawat bagay – kabutihan o kasamaan – ay magaganap ayon sa magiging karapat-dapat dito sa Araw ng Pagbangon.
Les exégèses en arabe:
وَلَقَدۡ جَآءَهُم مِّنَ ٱلۡأَنۢبَآءِ مَا فِيهِ مُزۡدَجَرٌ
Talaga ngang dumating sa kanila mula sa mga ulat ng mga kalipunang ipinahamak ni Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya ng mga ito at paglabag ng mga ito sa katarungan ang nakasasapat para sa pagpapaudlot sa kanila sa kawalang-pananampalataya nila at paglabag nila sa katarungan.
Les exégèses en arabe:
حِكۡمَةُۢ بَٰلِغَةٞۖ فَمَا تُغۡنِ ٱلنُّذُرُ
Ang dumating sa kanila ay isang karunungang lubos upang maglatag ito sa kanila ng katwiran ngunit hindi nakapagpapakinabang ang mga mapagbabala sa mga taong hindi sumasampalataya kay Allāh ni sa Kabilang-buhay.
Les exégèses en arabe:
فَتَوَلَّ عَنۡهُمۡۘ يَوۡمَ يَدۡعُ ٱلدَّاعِ إِلَىٰ شَيۡءٖ نُّكُرٍ
Kaya kapag hindi sila napatnubayan ay iwan mo sila, O Sugo, at umayaw ka sa kanila habang naghihintay sa araw na mananawagan ang anghel na nakatalaga sa pag-ihip sa tambuli tungo sa isang bagay na kahila-hilakbot, na hindi nakaalam ang mga nilikha ng tulad niyon bago pa niyon.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• عدم التأثر بالقرآن نذير شؤم.
Ang kawalan ng pagkakaapekto dahil sa Qur'ān ay isang mapagbabala ng isang masama.

• خطر اتباع الهوى على النفس في الدنيا والآخرة.
Ang panganib ng pagsunod sa pithaya para sa sarili sa Mundo at Kabilang-buhay.

• عدم الاتعاظ بهلاك الأمم صفة من صفات الكفار.
Ang kawalan ng pagkapangaral sa pagkapahamak ng mga kalipunan ay isa sa mga katangian ng mga tagatangging sumampalataya.

خُشَّعًا أَبۡصَٰرُهُمۡ يَخۡرُجُونَ مِنَ ٱلۡأَجۡدَاثِ كَأَنَّهُمۡ جَرَادٞ مُّنتَشِرٞ
Habang mga aba ang mga paningin nila, lalabas sila mula sa mga libingan na para bang sila sa pagtakbo nila tungo sa himpilan ng pagtutuos ay mga balang na kumakalat,
Les exégèses en arabe:
مُّهۡطِعِينَ إِلَى ٱلدَّاعِۖ يَقُولُ ٱلۡكَٰفِرُونَ هَٰذَا يَوۡمٌ عَسِرٞ
na mga nagmamadali patungo sa tagatawag tungo sa himpilang iyon. Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya: Ang araw na ito ay isang araw na mahirap dahil sa taglay nito na katindihan at mga hilakbot.
Les exégèses en arabe:
۞ كَذَّبَتۡ قَبۡلَهُمۡ قَوۡمُ نُوحٖ فَكَذَّبُواْ عَبۡدَنَا وَقَالُواْ مَجۡنُونٞ وَٱزۡدُجِرَ
Nagpasinungaling, bago ng mga tagapagpasinungaling na ito, sa paanyaya mo, O Sugo, ang mga kababayan ni Noe sapagkat nagpasinungaling sila sa lingkod Naming si Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – noong nagpadala Kami sa kanya sa kanila. Nagsabi sila tungkol sa kanya na siya ay baliw. Bumulyaw sila sa kanya ng sarisaring panlalait, pang-iinsulto, at pagbabanta kapag hindi siya huminto sa pag-aanyaya sa kanila.
Les exégèses en arabe:
فَدَعَا رَبَّهُۥٓ أَنِّي مَغۡلُوبٞ فَٱنتَصِرۡ
Kaya dumalangin si Noe sa Panginoon niya, na nagsasabi: "Tunay na ang mga kababayan ko ay dumaig sa akin at hindi sila tumugon sa akin kaya mag-adya Ka laban sa kanila sa pamamagitan ng isang parusang pabababain Mo sa kanila."
Les exégèses en arabe:
فَفَتَحۡنَآ أَبۡوَٰبَ ٱلسَّمَآءِ بِمَآءٖ مُّنۡهَمِرٖ
Kaya nagbukas Kami ng mga pinto ng langit na may tubig na dumadaloy na nagkakasunuran.
Les exégèses en arabe:
وَفَجَّرۡنَا ٱلۡأَرۡضَ عُيُونٗا فَٱلۡتَقَى ٱلۡمَآءُ عَلَىٰٓ أَمۡرٖ قَدۡ قُدِرَ
Nagpabulwak Kami sa lupa kaya nagkaroon ng mga bukal na umaagos mula sa mga ito ang tubig, saka nagtagpo ang tubig na bumababa mula sa langit sa tubig na umaagos mula sa lupa ayon sa isang utos na itinakda ni Allāh sa kawalang-hanggan. Kaya nalunod ang lahat maliban sa sinumang iniligtas ni Allāh.
Les exégèses en arabe:
وَحَمَلۡنَٰهُ عَلَىٰ ذَاتِ أَلۡوَٰحٖ وَدُسُرٖ
Nagdala Kami kay Noe sa isang daong na may mga tabla at mga pako, kaya nakapagligtas Kami sa kanya at sa sinumang kasama sa kanya mula sa pagkalunod.
Les exégèses en arabe:
تَجۡرِي بِأَعۡيُنِنَا جَزَآءٗ لِّمَن كَانَ كُفِرَ
Naglalayag ang daong na ito sa nagsasampalang mga alon ng na tubig ayon sa pagtingin mula sa Amin at pangangalaga bilang pag-aadya kay Noe na nagpasinungaling sa kanya ang mga kababayan niya at tumanggi silang sumampalataya sa inihatid niya sa kanila mula sa ganang kay Allāh.
Les exégèses en arabe:
وَلَقَد تَّرَكۡنَٰهَآ ءَايَةٗ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ
Talaga ngang nag-iwan Kami ng parusang ito na ipinarusa Namin sa kanila bilang maisasaalang-alang at bilang pangaral, kaya may tagapagsaalang-alang kaya na magsasaalang-alang niyon?
Les exégèses en arabe:
فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ
Kaya papaano naging ang pagdurusang dulot Ko sa mga tagapagpasinungaling? Papaano naging ang pagbabala Ko ng pagpapahamak Ko sa kanila?
Les exégèses en arabe:
وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ
Talaga ngang nagpagaan Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala at pagkapangaral, kaya may tagapagsaalang-alang kaya sa nasaad dito na mga pagsasaalang-alang at mga pangaral?
Les exégèses en arabe:
كَذَّبَتۡ عَادٞ فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ
Nagpasinungaling ang [liping] `Ād kay Hūd – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kaya magnilay-nilay kayo, o mga mamamayan ng Makkah, kung papaano naging ang pagdurusang dulot Ko sa kanila at papaano naging ang pagbabala Ko sa iba pa sa kanila ng pagdurusa nila?
Les exégèses en arabe:
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ رِيحٗا صَرۡصَرٗا فِي يَوۡمِ نَحۡسٖ مُّسۡتَمِرّٖ
Tunay na Kami ay nagpadala sa kanila ng isang hanging matindi na malamig sa isang araw na masama at sawing-palad na nagpatuloy sa kanila hanggang sa pagdating nila sa Impiyerno.
Les exégèses en arabe:
تَنزِعُ ٱلنَّاسَ كَأَنَّهُمۡ أَعۡجَازُ نَخۡلٖ مُّنقَعِرٖ
Bumubunot ito sa mga tao mula sa lupa at nagtatapon ito sa kanila para bumagsak sa mga ulo nila, na para bang sila ay mga katawan ng mga punong datiles na nabunot mula sa pinagtaniman nito.
Les exégèses en arabe:
فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ
Kaya magnilay-nilay kayo, O mga mamamayan ng Makkah, kung papaano naging ang pagdurusang dulot Ko sa kanila at papaano naging ang pagbabala Ko sa iba pa sa kanila ng pagdurusa nila?
Les exégèses en arabe:
وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ
Talaga ngang nagpagaan Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala at pagkapangaral, kaya may tagapagsaalang-alang kaya sa nasaad dito na mga pagsasaalang-alang at mga pangaral?
Les exégèses en arabe:
كَذَّبَتۡ ثَمُودُ بِٱلنُّذُرِ
Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd sa ibinabala sa kanila ng sugo nilang si Ṣāliḥ – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
Les exégèses en arabe:
فَقَالُوٓاْ أَبَشَرٗا مِّنَّا وَٰحِدٗا نَّتَّبِعُهُۥٓ إِنَّآ إِذٗا لَّفِي ضَلَٰلٖ وَسُعُرٍ
Kaya nagsabi sila habang mga nagmamasama: "Susunod ba kami sa isang tao kabilang sa lahi namin na nag-iisa? Tunay na kami, kung sumunod kami sa kanya sa kalagayang ito, ay talagang nasa isang kalayuan sa pagkatama, isang pagkalihis palayo rito, at nasa isang pagkahirap.
Les exégèses en arabe:
أَءُلۡقِيَ ٱلذِّكۡرُ عَلَيۡهِ مِنۢ بَيۡنِنَا بَلۡ هُوَ كَذَّابٌ أَشِرٞ
PInababa ba sa kanya ang kasi samantalang siya ay nag-iisa, at itinangi siya rito higit sa amin sa kalahatan? Hindi; bagkus siya ay isang palasinungaling na nagmamayabang."
Les exégèses en arabe:
سَيَعۡلَمُونَ غَدٗا مَّنِ ٱلۡكَذَّابُ ٱلۡأَشِرُ
Makaaalam sila sa Araw ng Pagbangon kung sino ang palasinungaling na nagmamayabang, si Ṣāliḥ ba o sila?
Les exégèses en arabe:
إِنَّا مُرۡسِلُواْ ٱلنَّاقَةِ فِتۡنَةٗ لَّهُمۡ فَٱرۡتَقِبۡهُمۡ وَٱصۡطَبِرۡ
Tunay na Kami ay magpapalabas ng dumalagang kamelyo mula sa bato at magpapadala nito bilang pagsubok para sa kanila, kaya maghintay ka, o Ṣāliḥ, magmasid ka sa gagawin nila rito at sa gagawin sa kanila, at magtiis ka sa pananakit nila.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• مشروعية الدعاء على الكافر المصرّ على كفره.
Ang pagkaisinasabatas ng pagdalangin laban sa tagatangging sumampalataya na nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya niya.

• إهلاك المكذبين وإنجاء المؤمنين سُنَّة إلهية.
Ang pagpapahamak sa mga tagapagpasinungaling at ang pagliligtas sa mga mananampalataya ay isang makadiyos na kalakaran (sunnah).

• تيسير القرآن للحفظ وللتذكر والاتعاظ.
Ang pagpapadali sa Qur'ān para sa pagsasaulo, pagsasaalaala, at pagkapangaral.

وَنَبِّئۡهُمۡ أَنَّ ٱلۡمَآءَ قِسۡمَةُۢ بَيۡنَهُمۡۖ كُلُّ شِرۡبٖ مُّحۡتَضَرٞ
Magpabatid ka sa kanila na ang tubig ng balon nila ay ibinahagi sa pagitan nila at ng dumalagang kamelyo: isang araw para rito at isang araw para sa kanila. Bawat bahagi ay dadaluhan ng kinauukulan nito lamang sa araw nitong nakalaan dito.
Les exégèses en arabe:
فَنَادَوۡاْ صَاحِبَهُمۡ فَتَعَاطَىٰ فَعَقَرَ
Ngunit nanawagan sila sa kasamahan nila upang patayin nito ang dumalagang kamelyo, kaya kumuha ito ng tabak at pinatay nito iyon bilang pagsunod sa utos ng mga kalipi nito.
Les exégèses en arabe:
فَكَيۡفَ كَانَ عَذَابِي وَنُذُرِ
Kaya magnilay-nilay kayo, O mga mamamayan ng Makkah, kung papaano naging ang pagdurusang dulot Ko sa kanila at papaano naging ang pagbabala Ko sa iba pa sa kanila ng pagdurusa nila?
Les exégèses en arabe:
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ صَيۡحَةٗ وَٰحِدَةٗ فَكَانُواْ كَهَشِيمِ ٱلۡمُحۡتَظِرِ
Tunay na Kami ay nagpadala sa kanila ng hiyaw na nag-iisa saka nagpahamak ito sa kanila kaya sila ay naging gaya ng mga punong-kahoy na tuyo, na gumagawa mula rito ang nagkukural ng isang kural para sa mga tupa niya.
Les exégèses en arabe:
وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ
Talaga ngang nagpagaan Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala at pagkapangaral, kaya may tagapagsaalang-alang kaya sa nasaad dito na mga pagsasaalang-alang at mga pangaral?
Les exégèses en arabe:
كَذَّبَتۡ قَوۡمُ لُوطِۭ بِٱلنُّذُرِ
Nagpasinungaling ang mga kababayan ni Lot sa ibinabala sa kanila ng sugo nilang si Lot – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.
Les exégèses en arabe:
إِنَّآ أَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ حَاصِبًا إِلَّآ ءَالَ لُوطٖۖ نَّجَّيۡنَٰهُم بِسَحَرٖ
Tunay na Kami ay nagpadala sa kanila ng hanging pumupukol sa kanila ng mga bato maliban sa mag-anak ni Lot – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. HIndi tumama sa kanila ang pagdurusa sapagkat sinagip Namin sila mula roon noong nagpalakbay sa kanila bago ng pagbagsak ng pagdurusa sa dulo ng gabi,
Les exégèses en arabe:
نِّعۡمَةٗ مِّنۡ عِندِنَاۚ كَذَٰلِكَ نَجۡزِي مَن شَكَرَ
Sinagip Namin sila mula sa pagdurusa bilang pagpapala mula sa Amin sa kanila. Tulad ng pagganting ito na iginanti kay Lot gagantihan ang sinumang nagpasalamat kay Allāh sa mga biyaya Niya.
Les exégèses en arabe:
وَلَقَدۡ أَنذَرَهُم بَطۡشَتَنَا فَتَمَارَوۡاْ بِٱلنُّذُرِ
Talaga ngang nagpangamba sa kanila si Lot ng pagdurusang dulot Namin ngunit nagdebatehan sila hinggil sa pagbabala niya at nagpasinungaling sila sa kanya.
Les exégèses en arabe:
وَلَقَدۡ رَٰوَدُوهُ عَن ضَيۡفِهِۦ فَطَمَسۡنَآ أَعۡيُنَهُمۡ فَذُوقُواْ عَذَابِي وَنُذُرِ
Talaga ngang humiling sila kay Lot na iwan niya sila at ang mga panauhin niya na mga anghel sa layong gumawa ng mahalay, kaya pumawi Kami sa mga mata nila kaya hindi makakita ang mga ito sa mga anghel. Nagsabi Kami sa kanila: "Lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko at resulta ng pagbabala Ko sa inyo."
Les exégèses en arabe:
وَلَقَدۡ صَبَّحَهُم بُكۡرَةً عَذَابٞ مُّسۡتَقِرّٞ
Talaga ngang may dumating sa kanila sa oras ng umaga na isang pagdurusang magpapatuloy kasabay sa kanila hanggang sa sumapit sila sa Kabilang-buhay para pumunta sa kanila ang pagdurusang dulot nito.
Les exégèses en arabe:
فَذُوقُواْ عَذَابِي وَنُذُرِ
Sasabihin sa kanila: "Lumasap kayo ng pagdurusang dulot Ko na pinababa Ko sa inyo at resulta ng pagbabala ni Lot sa inyo."
Les exégèses en arabe:
وَلَقَدۡ يَسَّرۡنَا ٱلۡقُرۡءَانَ لِلذِّكۡرِ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ
Talaga ngang nagpagaan Kami sa Qur’ān para sa pagsasaalaala at pagkapangaral, kaya may tagapagsaalang-alang kaya sa nasaad dito na mga pagsasaalang-alang at mga pangaral?
Les exégèses en arabe:
وَلَقَدۡ جَآءَ ءَالَ فِرۡعَوۡنَ ٱلنُّذُرُ
Talaga ngang dumating sa mga alagad ni Paraon ang pagbabala Namin sa pamamagitan ng dila nina Moises at Aaron – sumakanilang dalawa ang pagbati ng kapayapaan.
Les exégèses en arabe:
كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِنَا كُلِّهَا فَأَخَذۡنَٰهُمۡ أَخۡذَ عَزِيزٖ مُّقۡتَدِرٍ
Nagpasinungaling sila sa mga patotoo at mga katwiran na dumating sa kanila mula sa ganang Amin kaya nagparusa Kami sa kanila sa pagpapasinungaling nila sa mga iyon ng kaparusahan ng isang Makapangyarihan na hindi nadadaig ng isa man, na isang Kumakaya na hindi nawawalang-kakayahan sa anuman.
Les exégèses en arabe:
أَكُفَّارُكُمۡ خَيۡرٞ مِّنۡ أُوْلَٰٓئِكُمۡ أَمۡ لَكُم بَرَآءَةٞ فِي ٱلزُّبُرِ
Ang mga tagatangging sumampalataya ninyo ba, O mga mamamayan ng Makkah, ay higit na mabuti kaysa sa mga nabanggit na tagatangging sumampalataya na iyon na mga kababayan ni Noe, ng `Ād, at ng Thamūd, at mga kababayan ni Lot, at si Paraon at mga tao niya? O mayroon kayong kawalang-kaugnayan sa pagdurusang dulot ni Allāh, na isinaad ng mga kasulatang makalangit?
Les exégèses en arabe:
أَمۡ يَقُولُونَ نَحۡنُ جَمِيعٞ مُّنتَصِرٞ
Bagkus nagsasabi ba ang mga tagatangging sumampalataya na ito kabilang sa mga mamayan ng Makkah: "Kami ay buklurang naiaadya laban sa sinumang nagnanais sa amin ng isang kasagwaan at nagnanais ng paghahati-hati sa pagkakabuklod namin?"
Les exégèses en arabe:
سَيُهۡزَمُ ٱلۡجَمۡعُ وَيُوَلُّونَ ٱلدُّبُرَ
Matatalo ang pagkakabuklod ng mga tagatangging sumampalataya na ito at magbabaling sila ng mga likod sa harapan ng mga mananampalataya. Nangyari nga ito sa Araw ng Badr.
Les exégèses en arabe:
بَلِ ٱلسَّاعَةُ مَوۡعِدُهُمۡ وَٱلسَّاعَةُ أَدۡهَىٰ وَأَمَرُّ
Bagkus ang Huling Sandali na pinasisinungalingan nila ay ang tipanan nila na pagdurusahin sila roon at ang Huling Sandali ay higit na mabigat at higit na malupit kaysa sa dinanas nila na pagdurusa sa Mundo sa Araw ng Badr.
Les exégèses en arabe:
إِنَّ ٱلۡمُجۡرِمِينَ فِي ضَلَٰلٖ وَسُعُرٖ
Tunay na ang mga salarin dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway ay nasa isang pagkaligaw palayo sa katotohanan, at isang pagdurusa at isang pagkahirap.
Les exégèses en arabe:
يَوۡمَ يُسۡحَبُونَ فِي ٱلنَّارِ عَلَىٰ وُجُوهِهِمۡ ذُوقُواْ مَسَّ سَقَرَ
Sa araw na hihilahin sila sa Apoy sa [pagkasubsob ng] mga mukha nila at sasabihin sa kanila bilang panunumbat: "Lumasap kayo ng pagdurusa sa Apoy!"
Les exégèses en arabe:
إِنَّا كُلَّ شَيۡءٍ خَلَقۡنَٰهُ بِقَدَرٖ
Tunay na Kami sa bawat bagay sa Sansinukob ay lumikha ayon sa isang pagtatakdang nauna mula sa Amin at alinsunod sa kaalaman Namin, kalooban Namin, at isinulat Namin sa Tablerong Pinag-iingatan.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• شمول العذاب للمباشر للجريمة والمُتَمالئ معه عليها.
Ang pagkasaklaw ng pagdurusa para sa tagagawa ng krimen at nakikipagtulungan sa kanya rito.

• شُكْر الله على نعمه سبب السلامة من العذاب.
Ang pagpapasalamat kay Allāh sa mga biyaya Niya ay isang kadahilanan ng kaligtasan sa pagdurusa.

• إخبار القرآن بهزيمة المشركين يوم بدر قبل وقوعها من الإخبار بالغيب الدال على صدق القرآن.
Ang pagpapabatid ng Qur'ān hinggil sa pagkatalo ng mga tagapagtambal sa Araw ng Badr bago maganap ito ay bahagi ng pagpapabatid hinggil sa Lingid, na nagpapatunay sa katapatan ng Qur'ān.

• وجوب الإيمان بالقدر.
Ang pagkatungkulin ng Pananampalataya sa Pagtatakda.

وَمَآ أَمۡرُنَآ إِلَّا وَٰحِدَةٞ كَلَمۡحِۭ بِٱلۡبَصَرِ
Wala iba ang utos Namin kapag nagnais Kami ng isang bagay kundi na magsabi Kami ng salitang nag-iisa: "Mangyari," saka mangyayari ang ninanais Namin nang mabilis tulad ng kisap ng paningin.
Les exégèses en arabe:
وَلَقَدۡ أَهۡلَكۡنَآ أَشۡيَاعَكُمۡ فَهَلۡ مِن مُّدَّكِرٖ
Talaga ngang nagpasawi Kami ng mga tulad ninyo sa kawalang-pananampalataya kabilang sa mga kalipunang lumipas, kaya may tagapagsaalang-alang kaya na magsasaalang-alang niyon at mapipigilan sa kawalang-pananampalataya niya?
Les exégèses en arabe:
وَكُلُّ شَيۡءٖ فَعَلُوهُ فِي ٱلزُّبُرِ
Bawat bagay na ginawa ng mga tao, ito ay nakasulat sa mga talaan ng mga [anghel na] tagapag-ingat; walang nakalulusot sa kanila mula roon na anuman.
Les exégèses en arabe:
وَكُلُّ صَغِيرٖ وَكَبِيرٖ مُّسۡتَطَرٌ
Bawat maliit sa mga ginagawa at mga sinasabi at bawat malaki sa mga ito ay nakasulat sa mga pahina ng mga gawa at sa Tablerong Pinag-iingatan, at gagantihan sila dahil doon.
Les exégèses en arabe:
إِنَّ ٱلۡمُتَّقِينَ فِي جَنَّٰتٖ وَنَهَرٖ
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay nasa mga hardin magtatamasa at nasa mga ilog na dumadaloy,
Les exégèses en arabe:
فِي مَقۡعَدِ صِدۡقٍ عِندَ مَلِيكٖ مُّقۡتَدِرِۭ
sa pinag-uupuan ng katotohanan na walang kabalbalan doon at walang kasalanan, sa piling ng Haring nagmamay-ari ng bawat bagay, na Kumakaya: hindi Siya nawawalang-kakayahan sa anuman. Kaya huwag kang magtanong tungkol sa anumang natatamo nila mula sa Kanya na ginhawang mananatili.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• كتابة الأعمال صغيرها وكبيرها في صحائف الأعمال.
Ang pagtatala ng mga gawa, ang maliit ng mga ito at ang malaki ng mga ito, sa mga pahina ng mga gawa.

• ابتداء الرحمن بذكر نعمه بالقرآن دلالة على شرف القرآن وعظم منته على الخلق به.
Ang pagsisimula ng Napakamaawain sa pagbanggit sa mga biyaya Niya sa pamamagitan ng Qur'ān ay isang katunayan sa dangal ng Qur'ān at kadakilaan ng kagandahang-loob Niya sa nilikha dahil dito.

• مكانة العدل في الإسلام.
Ang kalagayan ng katarungan sa Islām.

• نعم الله تقتضي منا العرفان بها وشكرها، لا التكذيب بها وكفرها.
Ang mga biyaya ni Allāh ay humihiling sa atin ng pagkilala sa mga ito at pagpapasalamat sa mga ito, hindi ng pagpapasinungaling sa mga ito at pagkakaila sa mga ito.

 
Traduction des sens Sourate: AL-QAMAR
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran - Lexique des traductions

Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran émanant du Centre de l'exégèse pour les études coraniques

Fermeture