Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Verset: (20) Sourate: AL-HADÎD
ٱعۡلَمُوٓاْ أَنَّمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَا لَعِبٞ وَلَهۡوٞ وَزِينَةٞ وَتَفَاخُرُۢ بَيۡنَكُمۡ وَتَكَاثُرٞ فِي ٱلۡأَمۡوَٰلِ وَٱلۡأَوۡلَٰدِۖ كَمَثَلِ غَيۡثٍ أَعۡجَبَ ٱلۡكُفَّارَ نَبَاتُهُۥ ثُمَّ يَهِيجُ فَتَرَىٰهُ مُصۡفَرّٗا ثُمَّ يَكُونُ حُطَٰمٗاۖ وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِ عَذَابٞ شَدِيدٞ وَمَغۡفِرَةٞ مِّنَ ٱللَّهِ وَرِضۡوَٰنٞۚ وَمَا ٱلۡحَيَوٰةُ ٱلدُّنۡيَآ إِلَّا مَتَٰعُ ٱلۡغُرُورِ
Alamin ninyo na ang buhay pangmundo ay isang laro nilalaro ng mga katawan, isang paglilibang ipinanlilibang ng mga puso, isang gayak na ipinapampaganda ninyo, isang pagpapayabangan sa pagitan ninyo dahil sa dulot nitong pagmamay-ari at pagtatamasa, at isang pagpapahambugan sa dami ng mga yaman at dami ng mga anak. Ito ay gaya ng paghahalintulad sa ulan na nagpatuwa sa mga magsasaka ang halaman nito. Pagkatapos hindi nagtagal ang halamang luntiang ito at natuyo kaya makikita mo ito, o nakakikita, na matapos ng pagiging luntian nito ay naging naninilaw. Pagkatapos ginagawa ito ni Allāh na pira-pirasong nagkakadurug-durog. Sa Kabilang-buhay ay may isang pagdurusang matindi para sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw, isang kapatawaran mula kay Allāh para sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niyang mga mananampalataya, at isang kaluguran mula sa Kanya. Walang iba ang buhay pangmundo kundi isang pagtatamasa naglalaho na walang pananatili para rito. Kaya ang sinumang nagtangi sa pagtatamasang ditong naglalaho higit sa kaginhawahan ng Kabilang-buhay, siya ay isang luging nadaya.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• الزهد في الدنيا وما فيها من شهوات، والترغيب في الآخرة وما فيها من نعيم دائم يُعينان على سلوك الصراط المستقيم.
Ang kawalang-pagpapahalaga sa Mundo at anumang narito na mga ninanasa at ang pagpapaibig sa Kabilang-buhay at anumang naroon na kaginhawahang mamamalagi ay nakatutulong sa pagtahak sa landasing tuwid.

• وجوب الإيمان بالقدر.
Ang pagkatungkulin ng Pananampalataya sa Pagtatakda.

• من فوائد الإيمان بالقدر عدم الحزن على ما فات من حظوظ الدنيا.
Kabilang sa mga pakinabang ng pananampalataya sa pagtatakda ang kawalan ng pagkalungkot sa anumang nakaalpas na mga bahagi sa Mundo.

• البخل والأمر به خصلتان ذميمتان لا يتصف بهما المؤمن.
Ang karamutan at ang pag-uutos dito ay dalawang katangian napupulaan na hindi nailalarawan sa mga ito ang mananampalataya.

 
Traduction des sens Verset: (20) Sourate: AL-HADÎD
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran - Lexique des traductions

Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran émanant du Centre de l'exégèse pour les études coraniques

Fermeture