Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Verset: (18) Sourate: AL-HACHR
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّقُواْ ٱللَّهَ وَلۡتَنظُرۡ نَفۡسٞ مَّا قَدَّمَتۡ لِغَدٖۖ وَٱتَّقُواْ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ خَبِيرُۢ بِمَا تَعۡمَلُونَ
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Pagnilay-nilayan ng kaluluwa ang ipinauna niya na gawang maayos para sa Araw ng Pagbangon. Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawain nila na anuman, at gaganti sa inyo sa mga ito.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• من علامات توفيق الله للمؤمن أنه يحاسب نفسه في الدنيا قبل حسابها يوم القيامة.
Kabilang sa mga palatandaan ng pagtutuon [sa tama] ni Allāh sa mananampalataya ay na ito ay nagtutuos ng sarili nito sa Mundo bago ng pagtutuos dito sa Araw ng Pagbangon.

• في تذكير العباد بشدة أثر القرآن على الجبل العظيم؛ تنبيه على أنهم أحق بهذا التأثر لما فيهم من الضعف.
Sa pagpapaalaala sa mga tao sa tindi ng epekto ng Qur'ān sa bundok na dambuhala ay may pagtawag-pansin na sila ay higit na karapat-dapat sa pagkaapektong ito dahil sa taglay nila na kahinaan.

• أشارت الأسماء (الخالق، البارئ، المصور) إلى مراحل تكوين المخلوق من التقدير له، ثم إيجاده، ثم جعل له صورة خاصة به، وبذكر أحدها مفردًا فإنه يدل على البقية.
Tumutukoy ang mga pangalang ang Tagalikha, ang Tagalalang, at ang Tagapag-anyo sa mga baytang ng pagbuo sa nilikha. Ito ay ang pagtatakda sa kanya, pagkatapos ang pagpapairal sa kanya, pagkatapos ang paggawa para sa kanya ng isang anyong natatangi sa kanya. Sa pagbanggit sa isa sa mga ito nang namumukod-tangi, tunay na ito ay nagpapahiwatig sa nalalabi.

 
Traduction des sens Verset: (18) Sourate: AL-HACHR
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran - Lexique des traductions

Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran émanant du Centre de l'exégèse pour les études coraniques

Fermeture