Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Verset: (141) Sourate: AL-AN’ÂM
۞ وَهُوَ ٱلَّذِيٓ أَنشَأَ جَنَّٰتٖ مَّعۡرُوشَٰتٖ وَغَيۡرَ مَعۡرُوشَٰتٖ وَٱلنَّخۡلَ وَٱلزَّرۡعَ مُخۡتَلِفًا أُكُلُهُۥ وَٱلزَّيۡتُونَ وَٱلرُّمَّانَ مُتَشَٰبِهٗا وَغَيۡرَ مُتَشَٰبِهٖۚ كُلُواْ مِن ثَمَرِهِۦٓ إِذَآ أَثۡمَرَ وَءَاتُواْ حَقَّهُۥ يَوۡمَ حَصَادِهِۦۖ وَلَا تُسۡرِفُوٓاْۚ إِنَّهُۥ لَا يُحِبُّ ٱلۡمُسۡرِفِينَ
Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang lumikha ng mga patanimang nakalatag sa balat ng lupa para sa [halamang] walang katawan at para sa nakaangat sa ibabaw ng mga ito na may katawan. Siya ang lumikha ng mga datiles at lumikha ng mga pananim na nagkakaiba-iba ang mga bunga sa anyo at lasa. Siya ang lumikha ng mga oliba at mga granada, na ang mga dahon ng mga ito ay nagkakahawigan at ang mga lasa ng mga ito ay hindi nagkakahawigan. Kumain kayo, O mga tao, mula sa bunga ng mga ito kapag namunga ang mga ito at magbigay kayo ng zakāh ng mga ito sa araw ng pag-aani ng mga ito. Huwag kayong lumampas sa mga hangganang legal sa Islām sa pagkain at paggugol sapagkat si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya kaugnay sa mga ito ni sa iba pa sa mga ito, bagkus kinasusuklaman Niya. Tunay na ang lumikha niyon sa kabuuan niyon ay ang pumayag nito sa mga lingkod Niya kaya hindi ukol sa mga tagapagtambal ang pagbabawal niyon.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• ذم الله المشركين بسبع صفات هي : الخسران والسفاهة وعدم العلم وتحريم ما رزقهم الله والافتراء على الله والضلال وعدم الاهتداء؛ فهذه أمور سبعة، وكل واحد منها سبب تام في حصول الذم.
Pumula si Allāh sa mga tagapagtambal sa pitong katangian: ang pagkalugi, ang kahunghangan, ang kawalan ng kaalaman, ang pagbabawal sa itinustos sa kanila ni Allāh, ang paggawa-gawa ng kasinungalingan kay Allāh, ang pagkaligaw, at ang kawalang ng pagkapatnubay. Ito ay pitong usapin. Ang bawat isa sa mga ito ay isang kadahilanang lubos sa pagkatamo ng pamumula.

• الأهواء سبب تحريم ما أحل الله وتحليل ما حرم الله.
Ang mga pithaya ay dahilan ng pagbabawal sa ipinahintulot ni Allāh at pagpapahintulot sa ipinagbawal ni Allāh.

• وجوب الزكاة في الزروع والثمار عند حصادها، مع جواز الأكل منها قبل إخراج زكاتها، ولا يُحْسَب من الزكاة.
Ang pagkatungkulin ng zakāh sa mga pananim at mga bunga sa sandali ng pag-ani ng mga ito kalakip ng pagpapahintulot sa pagkain mula sa mga ito bago ng pagbibigay ng zakāh, na hindi binibilang na bahagi ng zakāh.

• التمتع بالطيبات مع عدم الإسراف ومجاوزة الحد في الأكل والإنفاق.
Ang pagtatamasa ng mga kaaya-ayang bagay kalakip ng hindi pagpapalabis at paglampas sa hangganan sa pagkain at paggugol.

 
Traduction des sens Verset: (141) Sourate: AL-AN’ÂM
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran - Lexique des traductions

Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran émanant du Centre de l'exégèse pour les études coraniques

Fermeture