Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran * - Lexique des traductions


Traduction des sens Verset: (4) Sourate: AL-MOUMTAHANAH
قَدۡ كَانَتۡ لَكُمۡ أُسۡوَةٌ حَسَنَةٞ فِيٓ إِبۡرَٰهِيمَ وَٱلَّذِينَ مَعَهُۥٓ إِذۡ قَالُواْ لِقَوۡمِهِمۡ إِنَّا بُرَءَٰٓؤُاْ مِنكُمۡ وَمِمَّا تَعۡبُدُونَ مِن دُونِ ٱللَّهِ كَفَرۡنَا بِكُمۡ وَبَدَا بَيۡنَنَا وَبَيۡنَكُمُ ٱلۡعَدَٰوَةُ وَٱلۡبَغۡضَآءُ أَبَدًا حَتَّىٰ تُؤۡمِنُواْ بِٱللَّهِ وَحۡدَهُۥٓ إِلَّا قَوۡلَ إِبۡرَٰهِيمَ لِأَبِيهِ لَأَسۡتَغۡفِرَنَّ لَكَ وَمَآ أَمۡلِكُ لَكَ مِنَ ٱللَّهِ مِن شَيۡءٖۖ رَّبَّنَا عَلَيۡكَ تَوَكَّلۡنَا وَإِلَيۡكَ أَنَبۡنَا وَإِلَيۡكَ ٱلۡمَصِيرُ
Talaga ngang nagkaroon para sa inyo, O mga mananampalataya, ng isang huwarang maganda sa kay Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at sa mga mananampalataya na naging kasama sa kanya nang nagsabi sila sa mga kababayan nilang mga tagatangging sumampalataya: "Tunay na kami ay mga walang-kaugnayan sa inyo at sa anumang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh kabilang sa mga anito. Tumanggi kami sa anumang taglay ninyo na relihiyon. Lumitaw na sa pagitan namin at ninyo ang poot at ang pagkasuklam hanggang sa sumampalataya kayo kay Allāh lamang at hindi kayo magtambal sa Kanya ng isa man sapagkat naging kailangan sa inyo na magpawalang-kaugnayan sa mga kababayan ninyong mga tagatangging sumampalataya tulad nila," maliban sa sabi ni Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa ama niya: "Talagang hihiling nga ako ng kapatawaran para sa iyo mula kay Allāh," ngunit huwag kayong tumulad sa kanya hinggil doon dahil iyon ay bago ng pagkawala ng pag-asa ni Abraham sa ama niya sapagkat hindi ukol sa isang mananampalataya na humiling ng kapatawaran para sa isang tagapagtambal, "at hindi ako makapagtutulak palayo sa iyo ng anuman mula sa pagdurusang dulot ni Allāh. Panginoon namin, sa Iyo kami sumandal sa mga nauukol sa amin sa kabuuan ng mga ito, sa Iyo kami bumalik bilang mga nagbabalik-loob, at sa Iyo ang babalikan sa Araw ng Pagbangon.
Les exégèses en arabe:
Parmi les bénéfices ( méditations ) des versets de cette page:
• تسريب أخبار أهل الإسلام إلى الكفار كبيرة من الكبائر.
Ang pagbubunyag ng mga ulat tungkol sa mga alagad ng Islām sa mga tagatangging sumampalataya ay isa sa mga malaking kasalanan.

• عداوة الكفار عداوة مُتَأصِّلة لا تؤثر فيها موالاتهم.
Ang pagkamuhi ng mga tagatangging sumampalataya ay isang pagkamuhing nakaugat na hindi nakaaapekto rito ang pakikipagtangkilikan sa kanila.

• استغفار إبراهيم لأبيه لوعده له بذلك، فلما نهاه الله عن ذلك لموته على الكفر ترك الاستغفار له.
Ang paghingi ng tawad ni Abraham sa ama niya ay dahil sa pangako niya rito niyon, ngunit noong sinaway siya ni Allāh doon dahil sa pagkamatay ng ama niya sa kawalang-pananampalataya, itinigil niya ang paghingi ng tawad para roon.

 
Traduction des sens Verset: (4) Sourate: AL-MOUMTAHANAH
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran - Lexique des traductions

Traduction en filipino (Tagalog) du résumé de l'exégèse du Noble Coran émanant du Centre de l'exégèse pour les études coraniques

Fermeture