Check out the new design

Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) - Centre de traduction Rawwâd * - Lexique des traductions

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Traduction des sens Sourate: Yûsuf   Verset:
قَالَ مَعَاذَ ٱللَّهِ أَن نَّأۡخُذَ إِلَّا مَن وَجَدۡنَا مَتَٰعَنَا عِندَهُۥٓ إِنَّآ إِذٗا لَّظَٰلِمُونَ
Nagsabi siya: “[Humihiling ako ng] pagkukupkop ni Allāh na manghuli kami maliban sa sinumang nakatagpo kami sa pag-aari namin sa piling niya; tunay na kami, samakatuwid, ay talagang mga tagalabag sa katarungan.”
Les exégèses en arabe:
فَلَمَّا ٱسۡتَيۡـَٔسُواْ مِنۡهُ خَلَصُواْ نَجِيّٗاۖ قَالَ كَبِيرُهُمۡ أَلَمۡ تَعۡلَمُوٓاْ أَنَّ أَبَاكُمۡ قَدۡ أَخَذَ عَلَيۡكُم مَّوۡثِقٗا مِّنَ ٱللَّهِ وَمِن قَبۡلُ مَا فَرَّطتُمۡ فِي يُوسُفَۖ فَلَنۡ أَبۡرَحَ ٱلۡأَرۡضَ حَتَّىٰ يَأۡذَنَ لِيٓ أَبِيٓ أَوۡ يَحۡكُمَ ٱللَّهُ لِيۖ وَهُوَ خَيۡرُ ٱلۡحَٰكِمِينَ
Kaya noong nawalan sila ng pag-asa sa kanya, bumukod sila na nagsasanggunian. Nagsabi ang matanda nila: “Hindi ba kayo nakaalam na ang ama ninyo ay tumanggap nga sa inyo ng isang taimtim na pangako kay Allāh at bago pa niyan nagwalang-bahala kayo kay Jose? Kaya hindi ako mag-iiwan sa lupain hanggang sa magpahintulot sa akin ang ama ko o humatol si Allāh sa akin, at Siya ay ang pinakambuti sa mga tagahatol.
Les exégèses en arabe:
ٱرۡجِعُوٓاْ إِلَىٰٓ أَبِيكُمۡ فَقُولُواْ يَٰٓأَبَانَآ إِنَّ ٱبۡنَكَ سَرَقَ وَمَا شَهِدۡنَآ إِلَّا بِمَا عَلِمۡنَا وَمَا كُنَّا لِلۡغَيۡبِ حَٰفِظِينَ
Bumalik kayo sa ama ninyo saka sabihin ninyo: ‘O ama namin, tunay na ang anak mo ay nagnakaw. Wala kaming nasaksihan maliban sa ayon sa nalaman namin. Hindi kami para sa nakalingid naging mga tagapagbantay.
Les exégèses en arabe:
وَسۡـَٔلِ ٱلۡقَرۡيَةَ ٱلَّتِي كُنَّا فِيهَا وَٱلۡعِيرَ ٱلَّتِيٓ أَقۡبَلۡنَا فِيهَاۖ وَإِنَّا لَصَٰدِقُونَ
Magtanong ka sa [mga naninirahan sa] pamayanan na kami dati ay naroon at sa karaban na pumunta kami kasama nito. Tunay na kami ay talagang mga tapat.’”
Les exégèses en arabe:
قَالَ بَلۡ سَوَّلَتۡ لَكُمۡ أَنفُسُكُمۡ أَمۡرٗاۖ فَصَبۡرٞ جَمِيلٌۖ عَسَى ٱللَّهُ أَن يَأۡتِيَنِي بِهِمۡ جَمِيعًاۚ إِنَّهُۥ هُوَ ٱلۡعَلِيمُ ٱلۡحَكِيمُ
Nagsabi siya: “Bagkus humalina sa inyo ang mga sarili ninyo sa isang bagay, kaya isang pagtitiis na marilag [ang pagtitiis ko]. Sana si Allāh ay magdala sa akin sa kanila nang lahatan; tunay na Siya ay ang Maalam, ang Marunong.”
Les exégèses en arabe:
وَتَوَلَّىٰ عَنۡهُمۡ وَقَالَ يَٰٓأَسَفَىٰ عَلَىٰ يُوسُفَ وَٱبۡيَضَّتۡ عَيۡنَاهُ مِنَ ٱلۡحُزۡنِ فَهُوَ كَظِيمٞ
Tumalikod siya sa kanila at nagsabi: “Ah, hinagpis ko dahil kay Jose!” Pumuti ang mga mata niya dahil sa pagkalungkot sapagkat siya ay hapis.
Les exégèses en arabe:
قَالُواْ تَٱللَّهِ تَفۡتَؤُاْ تَذۡكُرُ يُوسُفَ حَتَّىٰ تَكُونَ حَرَضًا أَوۡ تَكُونَ مِنَ ٱلۡهَٰلِكِينَ
Nagsabi sila: “Sumpa man kay Allāh, nagpapatuloy kang umaalaala kay Jose hanggang sa ikaw ay maging malubha o ikaw ay maging kabilang sa mga napapahamak.”
Les exégèses en arabe:
قَالَ إِنَّمَآ أَشۡكُواْ بَثِّي وَحُزۡنِيٓ إِلَى ٱللَّهِ وَأَعۡلَمُ مِنَ ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ
Nagsabi siya: “Naghihinaing lamang ako ng dalamhati ko at lungkot ko kay Allāh at nakaaalam ako mula kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman.
Les exégèses en arabe:
 
Traduction des sens Sourate: Yûsuf
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) - Centre de traduction Rawwâd - Lexique des traductions

L'équipe du Centre Rouwwâd At-Tarjamah (Les Pionniers de la Traduction) l'a traduite.

Fermeture