Check out the new design

Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) - Centre de traduction Rawwâd * - Lexique des traductions

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Traduction des sens Sourate: Al Isrâ'   Verset:
وَإِذَا مَسَّكُمُ ٱلضُّرُّ فِي ٱلۡبَحۡرِ ضَلَّ مَن تَدۡعُونَ إِلَّآ إِيَّاهُۖ فَلَمَّا نَجَّىٰكُمۡ إِلَى ٱلۡبَرِّ أَعۡرَضۡتُمۡۚ وَكَانَ ٱلۡإِنسَٰنُ كَفُورًا
Kapag sumaling sa inyo ang kapinsalaan sa dagat ay nawawala ang dinadalanginan ninyo maliban sa Kanya ngunit nang nagligtas Siya sa inyo papunta sa kalupaan ay umaayaw kayo. Laging ang tao ay mapagtangging magpasalamat.
Les exégèses en arabe:
أَفَأَمِنتُمۡ أَن يَخۡسِفَ بِكُمۡ جَانِبَ ٱلۡبَرِّ أَوۡ يُرۡسِلَ عَلَيۡكُمۡ حَاصِبٗا ثُمَّ لَا تَجِدُواْ لَكُمۡ وَكِيلًا
Kaya natiwasay ba kayo na baka magpalamon Siya sa inyo sa gilid ng katihan o baka magpadala Siya sa inyo ng isang unos ng mga bato, pagkatapos hindi kayo nakatatagpo para sa inyo ng isang pinananaligan?
Les exégèses en arabe:
أَمۡ أَمِنتُمۡ أَن يُعِيدَكُمۡ فِيهِ تَارَةً أُخۡرَىٰ فَيُرۡسِلَ عَلَيۡكُمۡ قَاصِفٗا مِّنَ ٱلرِّيحِ فَيُغۡرِقَكُم بِمَا كَفَرۡتُمۡ ثُمَّ لَا تَجِدُواْ لَكُمۡ عَلَيۡنَا بِهِۦ تَبِيعٗا
O natiwasay ba kayo na baka magpanumbalik Siya sa inyo roon [sa dagat] sa ibang pagkakataon saka magsugo Siya sa inyo ng isang buhawing mula sa hangin para lumunod Siya sa inyo dahil tumanggi kayong sumampalataya, pagkatapos hindi kayo nakatatagpo para sa inyo laban sa Amin dito ng isang mapaghiganti?
Les exégèses en arabe:
۞ وَلَقَدۡ كَرَّمۡنَا بَنِيٓ ءَادَمَ وَحَمَلۡنَٰهُمۡ فِي ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِ وَرَزَقۡنَٰهُم مِّنَ ٱلطَّيِّبَٰتِ وَفَضَّلۡنَٰهُمۡ عَلَىٰ كَثِيرٖ مِّمَّنۡ خَلَقۡنَا تَفۡضِيلٗا
Talaga ngang nagparangal Kami sa mga anak ni Adan, nagdala Kami sa kanila sa katihan at karagatan, tumustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay, at nagtangi Kami sa kanila higit sa marami sa nilikha Namin nang [higit na] pagtatangi.
Les exégèses en arabe:
يَوۡمَ نَدۡعُواْ كُلَّ أُنَاسِۭ بِإِمَٰمِهِمۡۖ فَمَنۡ أُوتِيَ كِتَٰبَهُۥ بِيَمِينِهِۦ فَأُوْلَٰٓئِكَ يَقۡرَءُونَ كِتَٰبَهُمۡ وَلَا يُظۡلَمُونَ فَتِيلٗا
[Banggitin] ang araw na tatawag Kami sa bawat [pangkat ng] mga tao sa pamamagitan ng pinuno nila. Kaya ang mga bibigyan ng talaan nila sa kanang kamay nila, ang mga iyon ay magbabasa ng talaan nila at hindi lalabagin sa katarungan nang gahibla.[5]
[5] Ibig sabihin: lubhang maliit na gaya ng hibla sa bitak ng buto ng datiles.
Les exégèses en arabe:
وَمَن كَانَ فِي هَٰذِهِۦٓ أَعۡمَىٰ فَهُوَ فِي ٱلۡأٓخِرَةِ أَعۡمَىٰ وَأَضَلُّ سَبِيلٗا
Ang sinumang narito [sa Mundo] ay bulag [ang puso], siya sa Kabilang-buhay ay bulag at higit na ligaw sa landas.
Les exégèses en arabe:
وَإِن كَادُواْ لَيَفۡتِنُونَكَ عَنِ ٱلَّذِيٓ أَوۡحَيۡنَآ إِلَيۡكَ لِتَفۡتَرِيَ عَلَيۡنَا غَيۡرَهُۥۖ وَإِذٗا لَّٱتَّخَذُوكَ خَلِيلٗا
Tunay na halos sila ay talagang tutukso sa iyo palayo sa ikinasi Namin sa iyo upang gumawa-gawa ka laban sa Amin ng iba pa rito [sa ikinasi]; at samakatuwid, talaga sanang gumawa sila sa iyo bilang matalik na kaibigan.
Les exégèses en arabe:
وَلَوۡلَآ أَن ثَبَّتۡنَٰكَ لَقَدۡ كِدتَّ تَرۡكَنُ إِلَيۡهِمۡ شَيۡـٔٗا قَلِيلًا
Kung hindi dahil na nagpatatag Kami sa iyo, talaga ngang halos ikaw ay sumandal sa kanila nang bahagyang kaunti.
Les exégèses en arabe:
إِذٗا لَّأَذَقۡنَٰكَ ضِعۡفَ ٱلۡحَيَوٰةِ وَضِعۡفَ ٱلۡمَمَاتِ ثُمَّ لَا تَجِدُ لَكَ عَلَيۡنَا نَصِيرٗا
Samakatuwid, talaga sanang nagpalasap Kami sa iyo ng ibayong [pagdurusa] sa buhay at ibayong [pagdurusa] sa pagkamatay. Pagkatapos hindi ka makatatagpo ukol sa iyo laban sa Amin ng isang mapag-adya.
Les exégèses en arabe:
 
Traduction des sens Sourate: Al Isrâ'
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) - Centre de traduction Rawwâd - Lexique des traductions

L'équipe du Centre Rouwwâd At-Tarjamah (Les Pionniers de la Traduction) l'a traduite.

Fermeture