Check out the new design

Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) - Centre de traduction Rawwâd * - Lexique des traductions

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Traduction des sens Sourate: Sâd   Verset:
ٱصۡبِرۡ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَٱذۡكُرۡ عَبۡدَنَا دَاوُۥدَ ذَا ٱلۡأَيۡدِۖ إِنَّهُۥٓ أَوَّابٌ
Magtiis ka sa sinasabi nila at alalahanin mo ang lingkod Naming si David na may mga [malakas na] kamay; tunay na siya ay palabalik [kay Allāh].
Les exégèses en arabe:
إِنَّا سَخَّرۡنَا ٱلۡجِبَالَ مَعَهُۥ يُسَبِّحۡنَ بِٱلۡعَشِيِّ وَٱلۡإِشۡرَاقِ
Tunay na Kami ay nagpasilbi ng mga bundok, na kasama sa kanya nagluluwalhati ang mga ito sa dapit-hapon at pagsikat [ng araw].
Les exégèses en arabe:
وَٱلطَّيۡرَ مَحۡشُورَةٗۖ كُلّٞ لَّهُۥٓ أَوَّابٞ
Ang mga ibon ay kinakalap; bawat isa sa kanya ay palabalik [kay Allāh].
Les exégèses en arabe:
وَشَدَدۡنَا مُلۡكَهُۥ وَءَاتَيۡنَٰهُ ٱلۡحِكۡمَةَ وَفَصۡلَ ٱلۡخِطَابِ
Nagpatindi Kami ng kaharian niya at nagbigay Kami sa kanya ng karunungan at pagpapasya sa pakikipag-usap.
Les exégèses en arabe:
۞ وَهَلۡ أَتَىٰكَ نَبَؤُاْ ٱلۡخَصۡمِ إِذۡ تَسَوَّرُواْ ٱلۡمِحۡرَابَ
Pumunta kaya sa iyo ang balita ng mga magkaalitan noong umakyat sila sa sambahan [ni David]?
Les exégèses en arabe:
إِذۡ دَخَلُواْ عَلَىٰ دَاوُۥدَ فَفَزِعَ مِنۡهُمۡۖ قَالُواْ لَا تَخَفۡۖ خَصۡمَانِ بَغَىٰ بَعۡضُنَا عَلَىٰ بَعۡضٖ فَٱحۡكُم بَيۡنَنَا بِٱلۡحَقِّ وَلَا تُشۡطِطۡ وَٱهۡدِنَآ إِلَىٰ سَوَآءِ ٱلصِّرَٰطِ
Noong pumasok sila kay David ay nanghilakbot siya sa kanila. Nagsabi sila: “Huwag kang mangamba; [kami ay] magkaalitan, na lumabag ang iba sa amin sa iba, kaya humatol ka sa pagitan namin ayon sa katotohanan, huwag kang lumampas [doon], at pumatnubay ka sa amin tungo sa kalagitnaan ng landasin.
Les exégèses en arabe:
إِنَّ هَٰذَآ أَخِي لَهُۥ تِسۡعٞ وَتِسۡعُونَ نَعۡجَةٗ وَلِيَ نَعۡجَةٞ وَٰحِدَةٞ فَقَالَ أَكۡفِلۡنِيهَا وَعَزَّنِي فِي ٱلۡخِطَابِ
Tunay na ito ay kapatid ko; mayroon siyang siyamnapu’t siyam na tupang babae at mayroon akong nag-iisang tupang babae, saka nagsabi siya: ‘Ipaaruga mo sa akin iyan.’ Nangibabaw ito sa akin sa talumpati.”
Les exégèses en arabe:
قَالَ لَقَدۡ ظَلَمَكَ بِسُؤَالِ نَعۡجَتِكَ إِلَىٰ نِعَاجِهِۦۖ وَإِنَّ كَثِيرٗا مِّنَ ٱلۡخُلَطَآءِ لَيَبۡغِي بَعۡضُهُمۡ عَلَىٰ بَعۡضٍ إِلَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ وَقَلِيلٞ مَّا هُمۡۗ وَظَنَّ دَاوُۥدُ أَنَّمَا فَتَنَّٰهُ فَٱسۡتَغۡفَرَ رَبَّهُۥ وَخَرَّۤ رَاكِعٗاۤ وَأَنَابَ۩
Nagsabi siya: “Talaga ngang lumabag siya sa iyo sa katarungan sa paghiling ng pagsasama ng babaing tupa mo sa mga babaing tupa niya. Tunay na marami sa mga kasosyo ay talagang lumalabag ang iba sa kanila sa iba maliban sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos – at kaunti sila.” Nakatiyak si David na sinubok lamang siya kaya humingi siya ng tawad sa Panginoon niya. Sumubsob siya na nakayukod at nanumbalik [kay Allāh].
Les exégèses en arabe:
فَغَفَرۡنَا لَهُۥ ذَٰلِكَۖ وَإِنَّ لَهُۥ عِندَنَا لَزُلۡفَىٰ وَحُسۡنَ مَـَٔابٖ
Kaya nagpatawad Kami sa kanya niyon, habang tunay na mayroon siya sa ganang Amin na talagang kadikitan at kagandahan ng babalikan.
Les exégèses en arabe:
يَٰدَاوُۥدُ إِنَّا جَعَلۡنَٰكَ خَلِيفَةٗ فِي ٱلۡأَرۡضِ فَٱحۡكُم بَيۡنَ ٱلنَّاسِ بِٱلۡحَقِّ وَلَا تَتَّبِعِ ٱلۡهَوَىٰ فَيُضِلَّكَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِۚ إِنَّ ٱلَّذِينَ يَضِلُّونَ عَن سَبِيلِ ٱللَّهِ لَهُمۡ عَذَابٞ شَدِيدُۢ بِمَا نَسُواْ يَوۡمَ ٱلۡحِسَابِ
[Sinabi]: “O David, tunay na Kami ay gumawa sa iyo bilang kahalili sa lupain, kaya humatol ka sa pagitan ng mga tao ayon sa katotohanan at huwag kang sumunod sa pithaya para magligaw ito sa iyo palayo sa landas ni Allāh.” Tunay na ang mga naliligaw palayo sa landas ni Allāh, ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi dahil lumimot sila sa Araw ng Pagtutuos.
Les exégèses en arabe:
 
Traduction des sens Sourate: Sâd
Lexique des sourates Numéro de la page
 
Traduction des sens du Noble Coran - La traduction en filipino (tagalog) - Centre de traduction Rawwâd - Lexique des traductions

L'équipe du Centre Rouwwâd At-Tarjamah (Les Pionniers de la Traduction) l'a traduite.

Fermeture