કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપાઈન ભાષામાં કુરઆન મજીદની સંક્ષિપ્ત સમજુતી, * - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા


શબ્દોનું ભાષાંતર આયત: (60) સૂરહ: અલ્ ઇસ્રા
وَإِذۡ قُلۡنَا لَكَ إِنَّ رَبَّكَ أَحَاطَ بِٱلنَّاسِۚ وَمَا جَعَلۡنَا ٱلرُّءۡيَا ٱلَّتِيٓ أَرَيۡنَٰكَ إِلَّا فِتۡنَةٗ لِّلنَّاسِ وَٱلشَّجَرَةَ ٱلۡمَلۡعُونَةَ فِي ٱلۡقُرۡءَانِۚ وَنُخَوِّفُهُمۡ فَمَا يَزِيدُهُمۡ إِلَّا طُغۡيَٰنٗا كَبِيرٗا
Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi Kami sa iyo: "Tunay na ang Panginoon mo ay pumaligid sa mga tao sa kapangyarihan sapagkat sila ay nasa isang dakot Niya. si Allāh ay magsasanggalang sa iyo laban sa kanila kaya magpaabot ka ng ipinag-utos sa iyo na ipaabot." Hindi Kami gumawa sa ipinakita Namin sa iyo sa mata sa gabi ng pag-akyat sa langit maliban bilang pagsusulit para sa mga tao kung magpapatotoo kaya o magpapasinungaling doon. Hindi Kami gumawa sa punong-kahoy na zaqqūm na nabanggit sa Qur’ān, na ito ay tumutubo sa ugat ng impiyerno, kundi bilang pagsubok sa kanila. Kaya kapag hindi sila sumampalataya sa dalawang tandang ito ay hindi sila sasampalataya sa iba pa sa dalawang ito. Nagpapangamba Kami sa kanila sa pamamagitan ng pagpapababa sa mga tanda ngunit hindi sila nadaragdagan dahil sa pagpapangamba sa pamamagitan ng pagpapababa ng mga ito kundi ng isang karagdagan sa kawalang-pananampalataya at isang pagpapatuloy sa pagkaligaw.
અરબી તફસીરો:
આયતોના ફાયદાઓ માંથી:
• من رحمة الله بالناس عدم إنزاله الآيات التي يطلبها المكذبون حتى لا يعاجلهم بالعقاب إذا كذبوا بها.
Bahagi ng awa ni Allāh sa mga tao ay ang hindi pagpapababa Niya ng mga tanda na hinihiling ng mga tagapagpasinungaling upang hindi Niya sila madaliin sa parusa kapag nagpasinungaling sila sa mga ito.

• ابتلى الله العباد بالشيطان الداعي لهم إلى معصية الله بأقواله وأفعاله.
Sumubok si Allāh sa mga tao sa pamamagitan ng demonyong tagapag-anyaya sa kanila sa pagsuway sa Kanya sa pamamagitan ng mga sabi nito at mga gawa nito.

• من صور مشاركة الشيطان للإنسان في الأموال والأولاد: ترك التسمية عند الطعام والشراب والجماع، وعدم تأديب الأولاد.
Kabilang sa mga anyo ng pakikilahok ng demonyo sa tao sa mga yaman at mga anak ay ang hindi pagsambit sa pangalan Niya sa sandali ng pagkain, pag-inom, at pakikipagtalik, at ang hindi pagdisiplina sa mga anak.

 
શબ્દોનું ભાષાંતર આયત: (60) સૂરહ: અલ્ ઇસ્રા
સૂરહ માટે અનુક્રમણિકા પેજ નંબર
 
કુરઆન મજીદના શબ્દોનું ભાષાંતર - ફિલિપાઈન ભાષામાં કુરઆન મજીદની સંક્ષિપ્ત સમજુતી, - ભાષાંતરોની અનુક્રમણિકા

ફિલિપાઈન ભાષાત, સંક્ષિપ્ત કુરઆન મજીદની સમજુતી, તફસીર સેન્ટર દ્વારા જારી કરવામાં આવ્યું છે.

બંધ કરો