Check out the new design

Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar fassara ta Rutwwad * - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Fassarar Ma'anoni Sura: Al'ahzab   Aya:
وَإِذۡ أَخَذۡنَا مِنَ ٱلنَّبِيِّـۧنَ مِيثَٰقَهُمۡ وَمِنكَ وَمِن نُّوحٖ وَإِبۡرَٰهِيمَ وَمُوسَىٰ وَعِيسَى ٱبۡنِ مَرۡيَمَۖ وَأَخَذۡنَا مِنۡهُم مِّيثَٰقًا غَلِيظٗا
[Banggitin] noong tumanggap Kami mula sa mga propeta ng tipan nila, mula sa iyo [O Muḥammad], at mula kina Noe, Abraham, Moises, at Jesus na anak ni Maria. Tumanggap Kami mula sa kanila ng tipang mariin,
Tafsiran larabci:
لِّيَسۡـَٔلَ ٱلصَّٰدِقِينَ عَن صِدۡقِهِمۡۚ وَأَعَدَّ لِلۡكَٰفِرِينَ عَذَابًا أَلِيمٗا
upang magtanong Siya sa mga tapat tungkol sa katapatan nila [sa pagpapaabot sa mensahe Niya]. Naghanda Siya para sa mga tagatangging sumampalataya ng isang pagdurusang masakit.
Tafsiran larabci:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱذۡكُرُواْ نِعۡمَةَ ٱللَّهِ عَلَيۡكُمۡ إِذۡ جَآءَتۡكُمۡ جُنُودٞ فَأَرۡسَلۡنَا عَلَيۡهِمۡ رِيحٗا وَجُنُودٗا لَّمۡ تَرَوۡهَاۚ وَكَانَ ٱللَّهُ بِمَا تَعۡمَلُونَ بَصِيرًا
O mga sumampalataya, alalahanin ninyo ang biyaya ni Allāh sa inyo noong may dumating sa inyo na mga kawal saka nagsugo sa kanila ng isang hangin at mga kawal [na Anghel] na hindi ninyo nakita. Laging si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.
Tafsiran larabci:
إِذۡ جَآءُوكُم مِّن فَوۡقِكُمۡ وَمِنۡ أَسۡفَلَ مِنكُمۡ وَإِذۡ زَاغَتِ ٱلۡأَبۡصَٰرُ وَبَلَغَتِ ٱلۡقُلُوبُ ٱلۡحَنَاجِرَ وَتَظُنُّونَ بِٱللَّهِ ٱلظُّنُونَا۠
[Banggitin] noong dumating sila sa inyo mula sa ibabaw ninyo at mula sa ilalim mula sa inyo, at noong lumiko ang mga paningin, umabot ang mga puso sa mga lalamunan, at nagpapalagay kayo kay Allāh ng mga palagay.
Tafsiran larabci:
هُنَالِكَ ٱبۡتُلِيَ ٱلۡمُؤۡمِنُونَ وَزُلۡزِلُواْ زِلۡزَالٗا شَدِيدٗا
Doon nasubok ang mga mananampalataya at nayanig sila sa isang pagyanig na matindi.
Tafsiran larabci:
وَإِذۡ يَقُولُ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ وَٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ مَّا وَعَدَنَا ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥٓ إِلَّا غُرُورٗا
[Banggitin] noong nagsasabi ang mga mapagpaimbabaw at ang mga sa mga puso nila ay may karamdaman [ng pagdududa]: “Hindi nangako sa amin si Allāh at ang Sugo Niya kundi ng isang panlilinlang.”
Tafsiran larabci:
وَإِذۡ قَالَت طَّآئِفَةٞ مِّنۡهُمۡ يَٰٓأَهۡلَ يَثۡرِبَ لَا مُقَامَ لَكُمۡ فَٱرۡجِعُواْۚ وَيَسۡتَـٔۡذِنُ فَرِيقٞ مِّنۡهُمُ ٱلنَّبِيَّ يَقُولُونَ إِنَّ بُيُوتَنَا عَوۡرَةٞ وَمَا هِيَ بِعَوۡرَةٍۖ إِن يُرِيدُونَ إِلَّا فِرَارٗا
[Banggitin] noong may nagsabing isang pangkatin kabilang sa kanila: “O mga mamamayan ng Yathrib,[1] walang mapananatilihan [dito] para sa inyo kaya bumalik kayo.” May nagpapaalam na isang pangkat kabilang sa kanila sa Propeta, na nagsasabi: “Tunay na ang mga bahay namin ay nakabuyayang,” samantalang ang mga iyon ay hindi nakabuyayang. Walang silang ninanais kundi isang pagtakas.
[1] Madīnah
Tafsiran larabci:
وَلَوۡ دُخِلَتۡ عَلَيۡهِم مِّنۡ أَقۡطَارِهَا ثُمَّ سُئِلُواْ ٱلۡفِتۡنَةَ لَأٓتَوۡهَا وَمَا تَلَبَّثُواْ بِهَآ إِلَّا يَسِيرٗا
Kung sakaling may nakapasok sa kanila mula sa mga pook nito, pagkatapos hinilingan sila [ng kaaway] ng pagtataksil, talaga sanang gumawa sila nito at hindi sila namalagi rito kundi daglian.
Tafsiran larabci:
وَلَقَدۡ كَانُواْ عَٰهَدُواْ ٱللَّهَ مِن قَبۡلُ لَا يُوَلُّونَ ٱلۡأَدۡبَٰرَۚ وَكَانَ عَهۡدُ ٱللَّهِ مَسۡـُٔولٗا
Talaga ngang nangyaring sila ay nakipagkasunduan kay Allāh bago pa niyan na hindi sila magbabaling ng mga likod. Laging ang kasunduan kay Allāh ay pinananagutan.
Tafsiran larabci:
 
Fassarar Ma'anoni Sura: Al'ahzab
Teburin Jerin Sunayen Surori Lambar shafi
 
Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar fassara ta Rutwwad - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

Wani gungu na cibiyar fassara ta Ruwad ne suka fassarasu tare da haɗin gwiwar Ƙungiyar Da'awa ta Rabwah da Kungiyar hidimtawa abinda Musulunci ya kunsa da yaruka

Rufewa