Check out the new design

Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar fassara ta Rutwwad * - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Fassarar Ma'anoni Sura: Al'ahzab   Aya:
۞ تُرۡجِي مَن تَشَآءُ مِنۡهُنَّ وَتُـٔۡوِيٓ إِلَيۡكَ مَن تَشَآءُۖ وَمَنِ ٱبۡتَغَيۡتَ مِمَّنۡ عَزَلۡتَ فَلَا جُنَاحَ عَلَيۡكَۚ ذَٰلِكَ أَدۡنَىٰٓ أَن تَقَرَّ أَعۡيُنُهُنَّ وَلَا يَحۡزَنَّ وَيَرۡضَيۡنَ بِمَآ ءَاتَيۡتَهُنَّ كُلُّهُنَّۚ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا فِي قُلُوبِكُمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلِيمًا حَلِيمٗا
Makapagpapaliban ka ng [toka ng] sinumang niloloob mo kabilang sa kanila at makapagpapatuloy ka sa iyo ng sinumang niloloob mo; at ang sinumang hinangad mo mula sa [pansamantalang] hiniwalayan mo ay walang maisisisi sa iyo [na magpatuloy sa kanya]. Iyon ay higit na angkop na guminhawa ang mga mata nila. Hindi sila malungkot at malugod sila sa ibinigay mo sa kanila sa kabuuan nila. Si Allāh ay nakaaalam sa nasa mga puso ninyo. Laging si Allāh ay Maalam, Matimpiin.
Tafsiran larabci:
لَّا يَحِلُّ لَكَ ٱلنِّسَآءُ مِنۢ بَعۡدُ وَلَآ أَن تَبَدَّلَ بِهِنَّ مِنۡ أَزۡوَٰجٖ وَلَوۡ أَعۡجَبَكَ حُسۡنُهُنَّ إِلَّا مَا مَلَكَتۡ يَمِينُكَۗ وَكَانَ ٱللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ رَّقِيبٗا
Hindi ipinahihintulot para sa iyo, [O Propeta Muḥammad,] ang mga babae [na karagdagan] matapos na niyan ni na magpalit ka sa kanila ng mga [ibang] maybahay, kahit pa nagpahanga sa iyo ang kagandahan nila, maliban sa minay-ari ng kanang kamay mo. Laging si Allāh sa bawat bagay ay Mapagmasid.
Tafsiran larabci:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لَا تَدۡخُلُواْ بُيُوتَ ٱلنَّبِيِّ إِلَّآ أَن يُؤۡذَنَ لَكُمۡ إِلَىٰ طَعَامٍ غَيۡرَ نَٰظِرِينَ إِنَىٰهُ وَلَٰكِنۡ إِذَا دُعِيتُمۡ فَٱدۡخُلُواْ فَإِذَا طَعِمۡتُمۡ فَٱنتَشِرُواْ وَلَا مُسۡتَـٔۡنِسِينَ لِحَدِيثٍۚ إِنَّ ذَٰلِكُمۡ كَانَ يُؤۡذِي ٱلنَّبِيَّ فَيَسۡتَحۡيِۦ مِنكُمۡۖ وَٱللَّهُ لَا يَسۡتَحۡيِۦ مِنَ ٱلۡحَقِّۚ وَإِذَا سَأَلۡتُمُوهُنَّ مَتَٰعٗا فَسۡـَٔلُوهُنَّ مِن وَرَآءِ حِجَابٖۚ ذَٰلِكُمۡ أَطۡهَرُ لِقُلُوبِكُمۡ وَقُلُوبِهِنَّۚ وَمَا كَانَ لَكُمۡ أَن تُؤۡذُواْ رَسُولَ ٱللَّهِ وَلَآ أَن تَنكِحُوٓاْ أَزۡوَٰجَهُۥ مِنۢ بَعۡدِهِۦٓ أَبَدًاۚ إِنَّ ذَٰلِكُمۡ كَانَ عِندَ ٱللَّهِ عَظِيمًا
O mga sumampalataya, huwag kayong pumasok sa mga bahay ng Propeta maliban na magpahintulot sa inyo para sa isang pagkain, na hindi mga naghihintay sa pagkaluto nito, subalit kapag inanyayahan kayo ay pumasok kayo; saka kapag nakakain na kayo ay maghiwa-hiwalay kayo, na hindi mga naghahalubilo para sa isang pag-uusap. Tunay na iyon ay nakapeperhuwisyo noon sa Propeta ngunit nahihiya siya [na humiling] sa inyo [na umalis] samantalang si Allāh ay hindi nahihiya sa [pagpapabatid ng] katotohanan. Kapag humiling kayo sa kanila [na mga maybahay niya] ng isang kailangan ay humiling kayo sa kanila mula sa likuran ng isang lambong. Iyon ay higit na dalisay para sa mga puso ninyo at mga puso nila. Hindi naging ukol sa inyo na mamerhuwisyo kayo sa Sugo ni Allāh ni mag-asawa kayo ng mga maybahay niya matapos na niya magpakailanman; tunay na iyon laging sa ganang kay Allāh ay sukdulan.
Tafsiran larabci:
إِن تُبۡدُواْ شَيۡـًٔا أَوۡ تُخۡفُوهُ فَإِنَّ ٱللَّهَ كَانَ بِكُلِّ شَيۡءٍ عَلِيمٗا
Kung maglalahad kayo ng isang bagay o magkukubli kayo nito, tunay na si Allāh laging sa bawat bagay ay Maalam.
Tafsiran larabci:
 
Fassarar Ma'anoni Sura: Al'ahzab
Teburin Jerin Sunayen Surori Lambar shafi
 
Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar fassara ta Rutwwad - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

Wani gungu na cibiyar fassara ta Ruwad ne suka fassarasu tare da haɗin gwiwar Ƙungiyar Da'awa ta Rabwah da Kungiyar hidimtawa abinda Musulunci ya kunsa da yaruka

Rufewa