Check out the new design

Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar fassara ta Rutwwad * - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Fassarar Ma'anoni Sura: Al'ahzab   Aya:
لَّا جُنَاحَ عَلَيۡهِنَّ فِيٓ ءَابَآئِهِنَّ وَلَآ أَبۡنَآئِهِنَّ وَلَآ إِخۡوَٰنِهِنَّ وَلَآ أَبۡنَآءِ إِخۡوَٰنِهِنَّ وَلَآ أَبۡنَآءِ أَخَوَٰتِهِنَّ وَلَا نِسَآئِهِنَّ وَلَا مَا مَلَكَتۡ أَيۡمَٰنُهُنَّۗ وَٱتَّقِينَ ٱللَّهَۚ إِنَّ ٱللَّهَ كَانَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٖ شَهِيدًا
Walang maisisisi sa kanila kaugnay sa [hindi pagbebelo sa] mga ama nila,[12] ni mga lalaking anak nila, ni mga lalaking kapatid nila, ni mga lalaking anak ng mga lalaking kapatid nila, ni mga lalaking anak ng mga babaing kapatid nila, ni mga [kapwa] babae nila, ni mga babaing minay-ari ng mga kanang kamay nila.[13] Mangilag kayong magkasala kay Allāh; tunay na si Allāh laging sa bawat bagay ay Saksi.
[12] o mga tiyuhin nila sa ama o mga tiyuhin nila sa ina
[13] sa tamang paraang ayon sa batas.
Tafsiran larabci:
إِنَّ ٱللَّهَ وَمَلَٰٓئِكَتَهُۥ يُصَلُّونَ عَلَى ٱلنَّبِيِّۚ يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ صَلُّواْ عَلَيۡهِ وَسَلِّمُواْ تَسۡلِيمًا
Tunay na si Allāh ay nagbabasbas sa Propeta at ang mga anghel Niya [ay humihiling sa Kanya ng gayon]. O mga sumampalataya, dumalangin kayo [kay Allāh] ng pagbasbas sa kanya at bumati kayo sa kanya ng pagbati ng kapayapaan.
Tafsiran larabci:
إِنَّ ٱلَّذِينَ يُؤۡذُونَ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ لَعَنَهُمُ ٱللَّهُ فِي ٱلدُّنۡيَا وَٱلۡأٓخِرَةِ وَأَعَدَّ لَهُمۡ عَذَابٗا مُّهِينٗا
Tunay na ang mga namemerhuwisyo kay Allāh at sa Sugo Niya [na si Muḥammad] ay isinumpa sila ni Allāh sa Mundo at Kabilang-buhay. Naghanda Siya para sa kanila ng isang pagdurusang manghahamak.
Tafsiran larabci:
وَٱلَّذِينَ يُؤۡذُونَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ بِغَيۡرِ مَا ٱكۡتَسَبُواْ فَقَدِ ٱحۡتَمَلُواْ بُهۡتَٰنٗا وَإِثۡمٗا مُّبِينٗا
Ang mga namemerhuwisyo ng mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya dahil sa iba pa sa nakamit ng mga ito ay pumasan nga ng isang paninirang-puri at isang kasalanang malinaw.
Tafsiran larabci:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلنَّبِيُّ قُل لِّأَزۡوَٰجِكَ وَبَنَاتِكَ وَنِسَآءِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ يُدۡنِينَ عَلَيۡهِنَّ مِن جَلَٰبِيبِهِنَّۚ ذَٰلِكَ أَدۡنَىٰٓ أَن يُعۡرَفۡنَ فَلَا يُؤۡذَيۡنَۗ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورٗا رَّحِيمٗا
O Propeta [Muḥammad], sabihin mo sa mga maybahay mo, mga babaing anak mo, at mga kababaihan ng mga mananampalataya na maglugay sila sa ibabaw nila ng mula sa mga balabal nila. Iyon ay higit na angkop na makilala sila [bilang babaing mananampalatayang mahinhin] para hindi sila maperhuwisyo. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain.
Tafsiran larabci:
۞ لَّئِن لَّمۡ يَنتَهِ ٱلۡمُنَٰفِقُونَ وَٱلَّذِينَ فِي قُلُوبِهِم مَّرَضٞ وَٱلۡمُرۡجِفُونَ فِي ٱلۡمَدِينَةِ لَنُغۡرِيَنَّكَ بِهِمۡ ثُمَّ لَا يُجَاوِرُونَكَ فِيهَآ إِلَّا قَلِيلٗا
Talagang kung hindi tumigil ang mga mapagpaimbabaw, ang mga [mahalay na] sa mga puso nila ay may sakit, at ang mga tagapagkalat ng sabi-sabi sa Madīnah ay talagang mag-uudyok nga Kami sa iyo laban sa kanila, pagkatapos hindi sila makikipagkapit-bahay sa iyo roon kundi nang kaunti.
Tafsiran larabci:
مَّلۡعُونِينَۖ أَيۡنَمَا ثُقِفُوٓاْ أُخِذُواْ وَقُتِّلُواْ تَقۡتِيلٗا
Mga isinumpa saan man sila nasumpungan, dadaklutin sila at pagpapatayin sila nang isang pagpapatay [dahil sa katiwalian nila],
Tafsiran larabci:
سُنَّةَ ٱللَّهِ فِي ٱلَّذِينَ خَلَوۡاْ مِن قَبۡلُۖ وَلَن تَجِدَ لِسُنَّةِ ٱللَّهِ تَبۡدِيلٗا
bilang kalakaran ni Allāh [ito] sa mga nagdaan bago pa niyan. Hindi ka makatatagpo para sa kalakaran ni Allāh ng isang pagpapalit.
Tafsiran larabci:
 
Fassarar Ma'anoni Sura: Al'ahzab
Teburin Jerin Sunayen Surori Lambar shafi
 
Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar fassara ta Rutwwad - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

Wani gungu na cibiyar fassara ta Ruwad ne suka fassarasu tare da haɗin gwiwar Ƙungiyar Da'awa ta Rabwah da Kungiyar hidimtawa abinda Musulunci ya kunsa da yaruka

Rufewa