Check out the new design

Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar fassara ta Rutwwad * - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

PDF XML CSV Excel API
Please review the Terms and Policies

Fassarar Ma'anoni Sura: Al'safat   Aya:

As-Sāffāt

وَٱلصَّٰٓفَّٰتِ صَفّٗا
Sumpa man [ni Allāh] sa mga [anghel na] nakahanay sa isang hanay [para sa pagsamba sa Kanya],
Tafsiran larabci:
فَٱلزَّٰجِرَٰتِ زَجۡرٗا
saka sa mga [mga anghel na] tagapagtabog sa isang pagtatabog [ng mga ulap],
Tafsiran larabci:
فَٱلتَّٰلِيَٰتِ ذِكۡرًا
saka sa mga [anghel na] bumibigkas ng isang paalaala [ni Allāh];
Tafsiran larabci:
إِنَّ إِلَٰهَكُمۡ لَوَٰحِدٞ
tunay na ang Diyos ninyo ay talagang nag-iisa,
Tafsiran larabci:
رَّبُّ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِ وَمَا بَيۡنَهُمَا وَرَبُّ ٱلۡمَشَٰرِقِ
ang Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito at ang Panginoon ng mga silangan.
Tafsiran larabci:
إِنَّا زَيَّنَّا ٱلسَّمَآءَ ٱلدُّنۡيَا بِزِينَةٍ ٱلۡكَوَاكِبِ
Tunay na Kami ay gumayak sa langit na pinakamababa ng gayak: ang mga tala,
Tafsiran larabci:
وَحِفۡظٗا مِّن كُلِّ شَيۡطَٰنٖ مَّارِدٖ
at bilang pangangalaga laban sa bawat demonyong naghihimagsik.
Tafsiran larabci:
لَّا يَسَّمَّعُونَ إِلَى ٱلۡمَلَإِ ٱلۡأَعۡلَىٰ وَيُقۡذَفُونَ مِن كُلِّ جَانِبٖ
Hindi sila nakikinig-kinig sa konsehong pinakamataas [malibang] habang pinupukol sila mula sa bawat gilid
Tafsiran larabci:
دُحُورٗاۖ وَلَهُمۡ عَذَابٞ وَاصِبٌ
sa isang pagpapalayas. Ukol sa mga ito ay isang pagdurusang palagian,
Tafsiran larabci:
إِلَّا مَنۡ خَطِفَ ٱلۡخَطۡفَةَ فَأَتۡبَعَهُۥ شِهَابٞ ثَاقِبٞ
maliban sa sinumang humahablot ng hablot [na salita] ngunit sinusundan siya ng isang ningas na nanunuot.
Tafsiran larabci:
فَٱسۡتَفۡتِهِمۡ أَهُمۡ أَشَدُّ خَلۡقًا أَم مَّنۡ خَلَقۡنَآۚ إِنَّا خَلَقۡنَٰهُم مِّن طِينٖ لَّازِبِۭ
Kaya magsiyasat ka sa kanila [na nagkakaila ng pagkabuhay]: “Sila ba ay higit na matindi sa pagkakalikha o ang [ibang] nilikha Namin?” Tunay na Kami ay lumikha sa kanila mula sa isang putik na malagkit.
Tafsiran larabci:
بَلۡ عَجِبۡتَ وَيَسۡخَرُونَ
Bagkus namangha ka [sa kapalaluan nila] habang nanunuya sila [sa iyo at sa Qur’ān].
Tafsiran larabci:
وَإِذَا ذُكِّرُواْ لَا يَذۡكُرُونَ
Kapag pinaalalahanan sila ay hindi sila nag-aalaala.
Tafsiran larabci:
وَإِذَا رَأَوۡاْ ءَايَةٗ يَسۡتَسۡخِرُونَ
Kapag nakakita sila ng isang tanda ay ipinatutuya nila.
Tafsiran larabci:
وَقَالُوٓاْ إِنۡ هَٰذَآ إِلَّا سِحۡرٞ مُّبِينٌ
Nagsasabi sila: “Walang iba ito kundi isang panggagaway na malinaw.
Tafsiran larabci:
أَءِذَا مِتۡنَا وَكُنَّا تُرَابٗا وَعِظَٰمًا أَءِنَّا لَمَبۡعُوثُونَ
Kapag namatay ba kami at kami ay naging alabok at mga buto, tunay bang kami ay talagang mga bubuhayin [mula sa pagkamatay]
Tafsiran larabci:
أَوَءَابَآؤُنَا ٱلۡأَوَّلُونَ
at ang mga ninuno ba naming sinauna?”
Tafsiran larabci:
قُلۡ نَعَمۡ وَأَنتُمۡ دَٰخِرُونَ
Sabihin mo: “Oo, at kayo ay mga aabahin.”
Tafsiran larabci:
فَإِنَّمَا هِيَ زَجۡرَةٞ وَٰحِدَةٞ فَإِذَا هُمۡ يَنظُرُونَ
Saka ito ay nag-iisang bulyaw lamang, saka biglang sila ay nakatingin.
Tafsiran larabci:
وَقَالُواْ يَٰوَيۡلَنَا هَٰذَا يَوۡمُ ٱلدِّينِ
Magsasabi sila: “O kapighatian sa amin! Ito ay ang Araw ng Pagtutumbas.”
Tafsiran larabci:
هَٰذَا يَوۡمُ ٱلۡفَصۡلِ ٱلَّذِي كُنتُم بِهِۦ تُكَذِّبُونَ
[Sasabihin sa kanila:] “Ito ay ang Araw ng Pagpapasya na kayo dati dito ay nagpapasinungaling.”
Tafsiran larabci:
۞ ٱحۡشُرُواْ ٱلَّذِينَ ظَلَمُواْ وَأَزۡوَٰجَهُمۡ وَمَا كَانُواْ يَعۡبُدُونَ
[Sasabihin sa mga anghel]: “Kalapin ninyo ang mga lumabag sa katarungan, ang mga kauri nila, at ang anumang dati nilang sinasamba
Tafsiran larabci:
مِن دُونِ ٱللَّهِ فَٱهۡدُوهُمۡ إِلَىٰ صِرَٰطِ ٱلۡجَحِيمِ
bukod pa kay Allāh, saka patnubayan ninyo sila tungo sa landasin ng Impiyerno,
Tafsiran larabci:
وَقِفُوهُمۡۖ إِنَّهُم مَّسۡـُٔولُونَ
at patigilin ninyo sila; tunay na sila ay mga pananagutin.”
Tafsiran larabci:
 
Fassarar Ma'anoni Sura: Al'safat
Teburin Jerin Sunayen Surori Lambar shafi
 
Fassarar Ma'anonin Alqura'ni - Fassarar Pilipiniyanci (Tagalog) - Cibiyar fassara ta Rutwwad - Teburin Bayani kan wasu Fassarori

Wani gungu na cibiyar fassara ta Ruwad ne suka fassarasu tare da haɗin gwiwar Ƙungiyar Da'awa ta Rabwah da Kungiyar hidimtawa abinda Musulunci ya kunsa da yaruka

Rufewa