Check out the new design

क़ुरआन के अर्थों का अनुवाद - पवित्र क़ुरआन की संक्षिप्त व्याख्या का फिलीपीनी (तगालोग) अनुवाद * - अनुवादों की सूची


अर्थों का अनुवाद सूरा: इब्राहीम   आयत:
تُؤۡتِيٓ أُكُلَهَا كُلَّ حِينِۭ بِإِذۡنِ رَبِّهَاۗ وَيَضۡرِبُ ٱللَّهُ ٱلۡأَمۡثَالَ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمۡ يَتَذَكَّرُونَ
Nagbibigay ang punong-kahoy na kaaya-ayang ito ng bunga nitong kaaya-aya sa bawat oras ayon sa utos ng Panginoon nito. Naglalahad si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ng mga paghahalintulad para sa mga tao sa pag-asang magsaalaala sila.
अरबी तफ़सीरें:
وَمَثَلُ كَلِمَةٍ خَبِيثَةٖ كَشَجَرَةٍ خَبِيثَةٍ ٱجۡتُثَّتۡ مِن فَوۡقِ ٱلۡأَرۡضِ مَا لَهَا مِن قَرَارٖ
Ang paghahalintulad sa karima-rimarim na adhikain ng pagtatambal kay Allāh ay tulad ng isang punong-kahoy na karima-rimarin, ang halamang ḥanđal (ligaw na pakwan), na nabunot mula sa ugat nito, na wala itong katatagan sa lupa at walang pagkaangat tungo sa langit, kaya namamatay ito at inililipad ng mga hangin. Ang adhikain ng kawalang-pananampalataya, ang kauuwian nito ay ang pagkalipol; at walang aakyat na gawang kaaya-aya kay Allāh para sa tagapagtaguyod nito.
अरबी तफ़सीरें:
يُثَبِّتُ ٱللَّهُ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ بِٱلۡقَوۡلِ ٱلثَّابِتِ فِي ٱلۡحَيَوٰةِ ٱلدُّنۡيَا وَفِي ٱلۡأٓخِرَةِۖ وَيُضِلُّ ٱللَّهُ ٱلظَّٰلِمِينَۚ وَيَفۡعَلُ ٱللَّهُ مَا يَشَآءُ
Nagpapatatag si Allāh sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng matatag na adhikain ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh ayon sa pananampalatayang lubos sa buhay na pangmundo hanggang sa mamatay sila habang sila ay nasa pananampalataya at sa Barzakh sa mga libingan nila sa sandali ng pagtatanong [ng anghel]. Magpapatatag Siya sa kanila sa Araw ng Pagbangon. Magliligaw si Allāh sa mga tagalabag sa katarungan dahil sa pagtatambal sa Kanya at kawalang-pananampalataya sa Kanya palayo sa pagkatama at katinuan. Gumagawa si Allāh ng anumang niloloob Niya na pagliligaw sa sinumang ninais Niya ang pagliligaw roon ayon sa katarungan Niya at kapatnubayan sa sinumang niloob Niya ang pagpapatnubay roon ayon sa kabutihang-loob Niya sapagkat walang nakapipilit sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya.
अरबी तफ़सीरें:
۞ أَلَمۡ تَرَ إِلَى ٱلَّذِينَ بَدَّلُواْ نِعۡمَتَ ٱللَّهِ كُفۡرٗا وَأَحَلُّواْ قَوۡمَهُمۡ دَارَ ٱلۡبَوَارِ
Talaga ngang nakita mo ang kalagayan ng mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya kabilang sa liping Quraysh nang nagpalit sila sa pagbibiyaya ni Allāh sa kanila ng katiwasayan sa Makkah at ng pagpapadala kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa kanila. Nagpalit sila roon ng kawalang-pasasalamat sa mga biyaya ni Allāh nang nagpasinungaling sila sa inihatid niya mula sa Panginoon niya. Pinatuloy nila ang sinumang sumunod sa kanila sa kawalang-pananampalataya kabilang sa mga kalipi nila sa tahanan ng kapahamakan.
अरबी तफ़सीरें:
جَهَنَّمَ يَصۡلَوۡنَهَاۖ وَبِئۡسَ ٱلۡقَرَارُ
Ang tahanan ng kapahamakan ay Impiyerno na papasukin nila, na magdurusa sila sa init nito. Kay sagwa ang pamamalagian bilang pamamalagian nila!
अरबी तफ़सीरें:
وَجَعَلُواْ لِلَّهِ أَندَادٗا لِّيُضِلُّواْ عَن سَبِيلِهِۦۗ قُلۡ تَمَتَّعُواْ فَإِنَّ مَصِيرَكُمۡ إِلَى ٱلنَّارِ
Gumawa ang mga tagapagtambal para kay Allāh ng mga katulad at mga katapat upang magpaligaw ang mga ito sa sinumang sumunod sa mga ito palayo sa landas ni Allāh matapos na naligaw sila mismo palayo roon. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Magtamasa kayo sa taglay ninyo na mga pagnanasa at pagpapalaganap ng mga maling akala sa buhay na ito sa Mundo sapagkat tunay na ang pagbabalikan ninyo sa Araw ng Pagbangon ay tungo sa Apoy; walang ukol sa inyo na panunumbalikang iba pa roon."
अरबी तफ़सीरें:
قُل لِّعِبَادِيَ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ يُقِيمُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُنفِقُواْ مِمَّا رَزَقۡنَٰهُمۡ سِرّٗا وَعَلَانِيَةٗ مِّن قَبۡلِ أَن يَأۡتِيَ يَوۡمٞ لَّا بَيۡعٞ فِيهِ وَلَا خِلَٰلٌ
Sabihin mo, O Sugo, sa mga mananampalataya: "O mga mananampalataya, magsagawa kayo ng pagdarasal ayon sa pinakaganap na paraan. Gumugol kayo mula sa itinustos sa inyo ni Allāh ng mga guguling isinasatungkulin at itinuturing na kaibig-ibig, nang pakubli dahil sa pangamba laban sa pagpapakitang-tao at nang hayagan upang tumulad sa inyo ang iba pa sa inyo bago pa may dumating na isang araw na walang bilihan doon ni pantubos na ipantutubos mula sa pagdurusang dulot ni Allāh ni pagkakaibigan upang mamagitan ang kaibigan sa kaibigan niya."
अरबी तफ़सीरें:
ٱللَّهُ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَأَنزَلَ مِنَ ٱلسَّمَآءِ مَآءٗ فَأَخۡرَجَ بِهِۦ مِنَ ٱلثَّمَرَٰتِ رِزۡقٗا لَّكُمۡۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلۡفُلۡكَ لِتَجۡرِيَ فِي ٱلۡبَحۡرِ بِأَمۡرِهِۦۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلۡأَنۡهَٰرَ
Si Allāh ang nagpasimula ng mga langit, nagpasimula ng lupa nang walang naunang pagkakatulad, at nagpababa mula sa langit ng tubig ng ulan kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan ng pinababang tubig na iyon ng mga uri ng mga bunga bilang panustos para sa inyo, O mga tao. Nagpaamo Siya para sa inyo ng mga daong habang naglalayag sa tubig kaayon sa pagtatakda Niya. Nagpaamo Siya para sa inyo ng mga ilog upang uminom kayo mula sa mga ito at magpatubig kayo sa mga hayupan ninyo at mga pananim ninyo.
अरबी तफ़सीरें:
وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلشَّمۡسَ وَٱلۡقَمَرَ دَآئِبَيۡنِۖ وَسَخَّرَ لَكُمُ ٱلَّيۡلَ وَٱلنَّهَارَ
Pinaamo Niya para sa inyo ang araw at ang buwan habang tumatakbo nang tuluy-tuloy. Pinaamo Niya para sa inyo ang gabi at ang maghapon habang nagsusunuran. Ang gabi ay para sa pagtulog ninyo at pamamahinga ninyo at ang maghapon ay para sa aktibidad ninyo at pagpapagal ninyo.
अरबी तफ़सीरें:
इस पृष्ठ की आयतों से प्राप्त कुछ बिंदु:
• تشبيه كلمة الكفر بشجرة الحَنْظل الزاحفة، فهي لا ترتفع، ولا تنتج طيبًا، ولا تدوم.
Ang pagwawangis sa adhikain ng kawalang-pananampalataya sa gumagapang na halamang ḥanđal (ligaw na pakwan) sapagkat ito ay hindi umaangat, hindi namumunga ng kaaya-aya, at hindi tumatagal.

• الرابط بين الأمر بالصلاة والزكاة مع ذكر الآخرة هو الإشعار بأنهما مما تكون به النجاة يومئذ.
Ang tagapag-ugnay sa pag-uutos ng pagdarasal at [pagbibigay ng] zakāh sa pagbanggit sa Kabilang-buhay ay ang pagpaparamdam na ang dalawang ito ay kabilang sa dahilan ng kaligtasan sa araw na iyon.

• تعداد بعض النعم العظيمة إشارة لعظم كفر بعض بني آدم وجحدهم نعمه سبحانه وتعالى .
Ang pagbilang sa mga biyayang dakila ay isang pahiwatig sa bigat ng kawalang-pananampalataya ng ilan sa mga anak ni Adan at pagkakaila nila sa mga biyaya Niya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya.

 
अर्थों का अनुवाद सूरा: इब्राहीम
सूरों की सूची पृष्ठ संख्या
 
क़ुरआन के अर्थों का अनुवाद - पवित्र क़ुरआन की संक्षिप्त व्याख्या का फिलीपीनी (तगालोग) अनुवाद - अनुवादों की सूची

कुरआन अध्ययन एवं व्याख्या केंद्र द्वारा निर्गत।

बंद करें