क़ुरआन के अर्थों का अनुवाद - अल-मुख़तसर फ़ी तफ़सीर अल-क़ुरआन अल-करीम का फिलीपीनो (तगालोग) अनुवाद * - अनुवादों की सूची


अर्थों का अनुवाद आयत: (22) सूरा: सूरा इब्राहीम
وَقَالَ ٱلشَّيۡطَٰنُ لَمَّا قُضِيَ ٱلۡأَمۡرُ إِنَّ ٱللَّهَ وَعَدَكُمۡ وَعۡدَ ٱلۡحَقِّ وَوَعَدتُّكُمۡ فَأَخۡلَفۡتُكُمۡۖ وَمَا كَانَ لِيَ عَلَيۡكُم مِّن سُلۡطَٰنٍ إِلَّآ أَن دَعَوۡتُكُمۡ فَٱسۡتَجَبۡتُمۡ لِيۖ فَلَا تَلُومُونِي وَلُومُوٓاْ أَنفُسَكُمۖ مَّآ أَنَا۠ بِمُصۡرِخِكُمۡ وَمَآ أَنتُم بِمُصۡرِخِيَّ إِنِّي كَفَرۡتُ بِمَآ أَشۡرَكۡتُمُونِ مِن قَبۡلُۗ إِنَّ ٱلظَّٰلِمِينَ لَهُمۡ عَذَابٌ أَلِيمٞ
Magsasabi si Satanas kapag pumasok na ang mga maninirahan sa Paraiso sa Paraiso at ang mga maninirahan sa Apoy sa Apoy: "Tunay na si Allāh ay nangako sa inyo ng pangakong totoo saka nagsakatuparan Siya sa inyo ng ipinangako Niya sa inyo. Nangako ako sa inyo ng pangako ng kabulaanan saka hindi ako tumupad sa ipinangako ko sa inyo. Hindi ako nagkaroon ng anumang lakas na ipampipilit ko sa inyo sa Mundo sa kawalang-pananampalataya at pagkaligaw subalit nag-anyaya ako sa inyo tungo sa kawalang-pananampalataya. Ipinaakit ko sa inyo ang mga pagsuway saka nagmabilis naman kayo sa pagsunod sa akin. Kaya huwag ninyo akong sisihin sa nangyari sa inyo na pagkaligaw. Sisihin ninyo ang mga sarili ninyo sapagkat ang mga ito ay higit na nararapat sa paninisi. Hindi ako makasasaklolo sa inyo sa pagtulak ng pagdurusa palayo sa inyo at hindi kayo makasasaklolo sa akin sa pagtulak nito palayo sa akin. Tunay na ako ay nagkaila sa paggawa ninyo sa akin bilang katambal kay Allāh sa pagsamba." Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng pagtambal kay Allāh sa Mundo at kawalang-pananampalataya sa Kanya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanila sa Araw ng Pagbangon.
अरबी तफ़सीरें:
इस पृष्ठ की आयतों से प्राप्त कुछ बिंदु:
• بيان سوء عاقبة التابع والمتبوع إن اجتمعا على الباطل.
Ang paglilinaw sa kasagwaan ng kahihinatnan ng tagasunod at sinusunod kung nagkaisa sila sa kabulaanan.

• بيان أن الشيطان أكبر عدو لبني آدم، وأنه كاذب مخذول ضعيف، لا يملك لنفسه ولا لأتباعه شيئًا يوم القيامة.
Ang paglilinaw na ang demonyo ay pinakamalaking kaaway para sa mga anak ni Adan at na siya ay sinungaling, itinatwa, mahina, na hindi makapagdudulot ng anuman para sa sarili niya ni para sa mga tagasunod niya sa Araw ng Pagbangon.

• اعتراف إبليس أن وعد الله تعالى هو الحق، وأن وعد الشيطان إنما هو محض الكذب.
Ang pag-amin ni Satanas na ang pangako ni Allāh – pagkataas-taas Siya – ay ang katotohanan at na ang pangako ng demonyo ay isang payak na kasinungalingan lamang.

• تشبيه كلمة التوحيد بالشجرة الطيبة الثمر، العالية الأغصان، الثابتة الجذور.
Ang pagwawangis sa adhikain ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh sa punong-kahoy na kaaya-ayang namumunga, na mataas ang mga sanga, na matatag ang mga ugat.

 
अर्थों का अनुवाद आयत: (22) सूरा: सूरा इब्राहीम
सूरों की सूची पृष्ठ संख्या
 
क़ुरआन के अर्थों का अनुवाद - अल-मुख़तसर फ़ी तफ़सीर अल-क़ुरआन अल-करीम का फिलीपीनो (तगालोग) अनुवाद - अनुवादों की सूची

अल-मुख़तसर फ़ी तफ़सीर अल-क़ुरआन अल-करीम का फिलीपीनो (तगालोग) अनुवाद। मरकज़ तफ़सीर लिद-दिरासात अल-इस्लामिय्यह की ओर से निर्गत।

बंद करें