क़ुरआन के अर्थों का अनुवाद - अल-मुख़तसर फ़ी तफ़सीर अल-क़ुरआन अल-करीम का फिलीपीनो (तगालोग) अनुवाद * - अनुवादों की सूची


अर्थों का अनुवाद आयत: (117) सूरा: सूरा अल्-ब-क़-रा
بَدِيعُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ وَإِذَا قَضَىٰٓ أَمۡرٗا فَإِنَّمَا يَقُولُ لَهُۥ كُن فَيَكُونُ
Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang tagapagtatag ng mga langit, lupa, at anumang nasa pagitan ng mga ito, nang walang naunang kahalintulad. Kapag nagtakda Siya ng isang panukala at nagnais Siya nito ay nagsasabi lamang Siya sa panukalang iyon na mangyari saka mangyayari ito ayon sa ninais Niya na mangyari, nang walang makapipigil sa utos Niya at pagpapasya Niya.
अरबी तफ़सीरें:
इस पृष्ठ की आयतों से प्राप्त कुछ बिंदु:
• الكفر ملة واحدة وإن اختلفت أجناس أهله وأماكنهم، فهم يتشابهون في كفرهم وقولهم على الله بغير علم.
Ang kawalang-pananampalataya ay iisang kapaniwalaan, kahit pa nagkaiba-iba ang mga uri ng mga alagad nito at ng mga pook nila sapagkat sila ay nagkakahawigan sa kawalang-pananampalataya nila at pagsasabi nila laban kay Allāh nang walang kaalaman.

• أعظم الناس جُرْمًا وأشدهم إثمًا من يصد عن سبيل الله، ويمنع من أراد فعل الخير.
Ang pinakasukdulan sa mga tao sa krimen at ang pinakamatindi sa kanila sa kasalanan ay ang sinumang sumasagabal sa landas ni Allāh at pumipigil sa sinumang nagnais ng paggawa ng kabutihan.

• تنزّه الله تعالى عن الصاحبة والولد، فهو سبحانه لا يحتاج لخلقه.
Pagkalayu-layo si Allāh – pagkataas-taas Siya – sa pagkakaroon ng asawa at anak sapagkat Siya ay hindi nangangailangan ng nilikha Niya.

 
अर्थों का अनुवाद आयत: (117) सूरा: सूरा अल्-ब-क़-रा
सूरों की सूची पृष्ठ संख्या
 
क़ुरआन के अर्थों का अनुवाद - अल-मुख़तसर फ़ी तफ़सीर अल-क़ुरआन अल-करीम का फिलीपीनो (तगालोग) अनुवाद - अनुवादों की सूची

अल-मुख़तसर फ़ी तफ़सीर अल-क़ुरआन अल-करीम का फिलीपीनो (तगालोग) अनुवाद। मरकज़ तफ़सीर लिद-दिरासात अल-इस्लामिय्यह की ओर से निर्गत।

बंद करें