क़ुरआन के अर्थों का अनुवाद - अल-मुख़तसर फ़ी तफ़सीर अल-क़ुरआन अल-करीम का फिलीपीनो (तगालोग) अनुवाद * - अनुवादों की सूची


अर्थों का अनुवाद आयत: (83) सूरा: सूरा अल्-माइदा
وَإِذَا سَمِعُواْ مَآ أُنزِلَ إِلَى ٱلرَّسُولِ تَرَىٰٓ أَعۡيُنَهُمۡ تَفِيضُ مِنَ ٱلدَّمۡعِ مِمَّا عَرَفُواْ مِنَ ٱلۡحَقِّۖ يَقُولُونَ رَبَّنَآ ءَامَنَّا فَٱكۡتُبۡنَا مَعَ ٱلشَّٰهِدِينَ
Ang mga ito – gaya ng Hari ng Ethiopia at mga kasamahan nito – ay may mga pusong malambot yayamang sila ay naiyak dala ng kataimtiman sa sandali ng pakikinig sa pinababa mula sa Qur'ān yayamang nakilala nila na ito ay mula sa katotohanan dahil sa pagkakilala nila sa inihatid ni Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Nagsasabi sila: "O Panginoon Namin, sumampalataya kami sa pinababa Mo sa Sugo Mo na si Muḥammad – basbasan Mo siya at pangalagaan – kaya isulat Mo kami, O Panginoon namin, kasama ng kalipunan ni Muḥammad – basbasan Mo siya at pangalagaan – na magiging isang katwiran laban sa mga tao sa Araw ng Pagbangon.
अरबी तफ़सीरें:
इस पृष्ठ की आयतों से प्राप्त कुछ बिंदु:
• ترك الأمر بالمعروف والنهي عن المنكر موجب لِلَّعْنِ والطرد من رحمة الله تعالى.
Ang pag-iwan sa pag-uutos sa nakabubuti at pagsaway sa nakasasama ay nag-oobliga ng sumpa at pagtataboy mula sa awa ni Allāh – pagkataas-taas Siya.

• من علامات الإيمان: الحب في الله والبغض في الله.
Kabilang sa mga palatandaan ng pananampalataya ay ang pag-ibig alang-alang kay Allāh at ang pagkasuklam alang-alang kay Allāh.

• موالاة أعداء الله توجب غضب الله عز وجل على فاعلها.
Ang pakikipagtangkilikan sa mga kaaway ni Allāh ay mag-oobliga ng galit ni Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan – sa gumagawa nito.

• شدة عداوة اليهود والمشركين لأهل الإسلام، وفي المقابل وجود طوائف من النصارى يدينون بالمودة للإسلام؛ لعلمهم أنه دين الحق.
Ang tindi ng pagkamuhi ng mga Hudyo at mga tagapagtambal sa mga alagad ng Islām, katapat nito ang kairalan ng mga pangkatin kabilang sa mga Kristiyano na nagtataglay ng pagmamahal sa Islām dahil sa pagkakaalam nila na ito ay Relihiyon ng Katotohanan.

 
अर्थों का अनुवाद आयत: (83) सूरा: सूरा अल्-माइदा
सूरों की सूची पृष्ठ संख्या
 
क़ुरआन के अर्थों का अनुवाद - अल-मुख़तसर फ़ी तफ़सीर अल-क़ुरआन अल-करीम का फिलीपीनो (तगालोग) अनुवाद - अनुवादों की सूची

अल-मुख़तसर फ़ी तफ़सीर अल-क़ुरआन अल-करीम का फिलीपीनो (तगालोग) अनुवाद। मरकज़ तफ़सीर लिद-दिरासात अल-इस्लामिय्यह की ओर से निर्गत।

बंद करें