क़ुरआन के अर्थों का अनुवाद - अल-मुख़तसर फ़ी तफ़सीर अल-क़ुरआन अल-करीम का फिलीपीनो (तगालोग) अनुवाद * - अनुवादों की सूची


अर्थों का अनुवाद सूरा: सूरा अस्-सफ़्फ़   आयत:

As-Saff

सूरा के उद्देश्य:
حثّ المؤمنين لنصرة الدين.
Ang paghimok sa mga mananampalataya para sa pag-aadya sa relihiyon.

سَبَّحَ لِلَّهِ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۖ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ
Nagpawalang-kapintasan kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – at nagpabanal sa Kanya laban sa bawat hindi nababagay sa kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Siya ay ang Makapangyarihan na hindi nadadaig ng isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, pagtatakda Niya, at batas Niya.
अरबी तफ़सीरें:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ لِمَ تَقُولُونَ مَا لَا تَفۡعَلُونَ
O mga sumampalataya kay Allāh, bakit kayo nagsasabi: "Gumawa kami ng isang bagay," samantalang hindi kayo gumawa niyon sa katunayan? [Ito ay] gaya ng sabi ng isa sa inyo: "Nakipaglaban ako sa pamamagitan ng tabak ko at tumaga ako," samantalang siya hindi nakipaglaban sa pamamagitan ng tabak niya at hindi tumaga.
अरबी तफ़सीरें:
كَبُرَ مَقۡتًا عِندَ ٱللَّهِ أَن تَقُولُواْ مَا لَا تَفۡعَلُونَ
Bumigat ang kinamumuhiang iyon sa ganang kay Allāh. Ito ay na magsabi kayo ng hindi ninyo ginagawa sapagkat walang nababagay sa mananampalataya maliban na siya ay maging tapat kay Allāh, habang nagpapatotoo ang gawa niya sa sabi niya.
अरबी तफ़सीरें:
إِنَّ ٱللَّهَ يُحِبُّ ٱلَّذِينَ يُقَٰتِلُونَ فِي سَبِيلِهِۦ صَفّٗا كَأَنَّهُم بُنۡيَٰنٞ مَّرۡصُوصٞ
Tunay na si Allāh ay umiibig sa mga mananampalataya na nakikipaglaban sa landas Niya, sa paghahangad ng kaluguran Niya, sa isang hanay na magkatabi ang isa't isa sa kanila na para bang sila ay isang gusaling nagkakadikitan ang isa't isa sa mga bahagi.
अरबी तफ़सीरें:
وَإِذۡ قَالَ مُوسَىٰ لِقَوۡمِهِۦ يَٰقَوۡمِ لِمَ تُؤۡذُونَنِي وَقَد تَّعۡلَمُونَ أَنِّي رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَيۡكُمۡۖ فَلَمَّا زَاغُوٓاْ أَزَاغَ ٱللَّهُ قُلُوبَهُمۡۚ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلۡفَٰسِقِينَ
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Moises sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, bakit kayo nananakit sa akin sa pamamagitan ng pagsalungat sa utos ko samantalang kayo ay nakaaalam na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo?" Kaya noong kumiling sila at nalihis sila palayo sa inihatid niya sa kanila na katotohanan, nagpakiling si Allāh sa mga puso nila palayo sa katotohanan at pagkamatuwid. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa katotohanan sa mga taong lumalabas sa pagtalima sa Kanya.
अरबी तफ़सीरें:
इस पृष्ठ की आयतों से प्राप्त कुछ बिंदु:
• مشروعية مبايعة ولي الأمر على السمع والطاعة والتقوى.
Ang pagkaisinasabatas ng pagpapahayag ng katapatan sa tagatangkilik ng kapakanan sa pagdinig, pagtalima, at pangingilag sa pagkakasala.

• وجوب الصدق في الأفعال ومطابقتها للأقوال.
Ang pagkatungkulin ng katapatan sa mga gawain at ang pagsang-ayon ng mga ito sa mga sinasabi.

• بيَّن الله للعبد طريق الخير والشر، فإذا اختار العبد الزيغ والضلال ولم يتب فإن الله يعاقبه بزيادة زيغه وضلاله.
Nilinaw ni Allāh sa tao ang daan ng kabutihan at kasamaan, kaya kapag pinili ng tao ang kalikuan at ang pagkaligaw at hindi nagbalik-loob, tunay na si Allāh ay magpaparusa sa kanya sa pamamagitan ng pagdagdag sa kalikuan niya at pagkaligaw niya.

وَإِذۡ قَالَ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَ يَٰبَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ إِنِّي رَسُولُ ٱللَّهِ إِلَيۡكُم مُّصَدِّقٗا لِّمَا بَيۡنَ يَدَيَّ مِنَ ٱلتَّوۡرَىٰةِ وَمُبَشِّرَۢا بِرَسُولٖ يَأۡتِي مِنۢ بَعۡدِي ٱسۡمُهُۥٓ أَحۡمَدُۖ فَلَمَّا جَآءَهُم بِٱلۡبَيِّنَٰتِ قَالُواْ هَٰذَا سِحۡرٞ مُّبِينٞ
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Jesus na anak ni Maria – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "O mga anak ni Israel, tunay na ako ay sugo ni Allāh; nagpadala Siya sa akin sa inyo bilang tagapagpatotoo para sa bumaba bago ko na Torah sapagkat hindi ako isang pasimula sa mga sugo, at bilang tagapagbalita ng nakagagalak hinggil sa isang Sugo na darating matapos ko na, na ang pangalan niya ay Aḥmad." Ngunit noong naghatid sa kanila si Jesus ng mga katwirang nagpapatunay sa katapatan niya ay nagsabi sila: "Ito ay isang panggagaway na maliwanag kaya hindi kami susunod sa kanya."
अरबी तफ़सीरें:
وَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّنِ ٱفۡتَرَىٰ عَلَى ٱللَّهِ ٱلۡكَذِبَ وَهُوَ يُدۡعَىٰٓ إِلَى ٱلۡإِسۡلَٰمِۚ وَٱللَّهُ لَا يَهۡدِي ٱلۡقَوۡمَ ٱلظَّٰلِمِينَ
Walang isang higit na matindi sa paglabag sa katarungan kaysa sa sinumang lumikha-likha laban kay Allāh ng kasinungalingan yayamang gumawa ito para sa Kanya ng mga kaagaw na sinasamba nito bukod pa sa Kanya samantalang ito ay inaanyayahan sa Islām, ang Relihiyong wagas ng paniniwala sa kaisahan ni Allāh. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga taong tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagtatambal [sa Kanya] at mga pagsuway sa anumang may dulot na paggagabay sa kanila at pagtatama sa kanila.
अरबी तफ़सीरें:
يُرِيدُونَ لِيُطۡفِـُٔواْ نُورَ ٱللَّهِ بِأَفۡوَٰهِهِمۡ وَٱللَّهُ مُتِمُّ نُورِهِۦ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡكَٰفِرُونَ
Nagnanais ang mga tagapasinungaling na ito na umapula sa liwanag ni Allāh sa pamamagitan ng namumutawi mula sa kanila na mga tiwaling sinasabi at pagbaluktot sa katotohanan samantalang si Allāh ay magkukumpleto sa liwanag Niya, sa kabila ng mga pagmamaliit nila, sa pamamagitan ng pagpapangibabaw sa relihiyon niya sa mga silangan ng lupa at mga kanluran nito at ng pagpapataas ng salita Niya.
अरबी तफ़सीरें:
هُوَ ٱلَّذِيٓ أَرۡسَلَ رَسُولَهُۥ بِٱلۡهُدَىٰ وَدِينِ ٱلۡحَقِّ لِيُظۡهِرَهُۥ عَلَى ٱلدِّينِ كُلِّهِۦ وَلَوۡ كَرِهَ ٱلۡمُشۡرِكُونَ
Si Allāh ay ang nagpadala ng Sugo Niyang si Muḥammad – ang basbas at ang pagbabati ng kapayapaan ay sumakanya – kalakip ng Relihiyong Islām, ang Relihiyon ng kapatnubayan at paggabay sa kabutihan at ang Relihiyon ng kaalamang napakikinabangan at gawaing maayos upang magtaas Siya nito sa lahat ng mga relihiyon sa kabila ng mga pagmamaliit ng mga tagapagtambal na nasusuklam na mabigyang-kapangyarihan ito sa lupa.
अरबी तफ़सीरें:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ هَلۡ أَدُلُّكُمۡ عَلَىٰ تِجَٰرَةٖ تُنجِيكُم مِّنۡ عَذَابٍ أَلِيمٖ
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, gagabay ba ako sa inyo at papatnubay ba ako tungo sa inyo sa isang pangangalakal na tumutubo, na sasagip sa inyo mula sa isang pagdurusang nakasasakit?
अरबी तफ़सीरें:
تُؤۡمِنُونَ بِٱللَّهِ وَرَسُولِهِۦ وَتُجَٰهِدُونَ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ بِأَمۡوَٰلِكُمۡ وَأَنفُسِكُمۡۚ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٞ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ
Ang pangangalakal na tumutubong ito ay na sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya at makibaka kayo sa landas Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sa pamamagitan ng paggugol ng mga yaman ninyo at pagkakaloob ng mga sarili ninyo sa paghahangad ng kaluguran Niya. Ang gawaing nabanggit na iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay nakaaalam kaya magdali-dali kayo tungo roon.
अरबी तफ़सीरें:
يَغۡفِرۡ لَكُمۡ ذُنُوبَكُمۡ وَيُدۡخِلۡكُمۡ جَنَّٰتٖ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ وَمَسَٰكِنَ طَيِّبَةٗ فِي جَنَّٰتِ عَدۡنٖۚ ذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ
Ang tubo ng pangangalakal na ito ay na magpatawad si Allāh sa inyo sa mga pagkakasala ninyo at magpapasok Siya sa inyo sa mga Hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito at magpapasok Siya sa inyo sa mga tahanang kaaya-aya sa mga Hardin ng Pamamalagi na walang paglipat palayo sa mga ito. Ang ganting nabanggit na iyon ay ang pagkatamong sukdulan na walang pumapantay na anumang pagkatamo.
अरबी तफ़सीरें:
وَأُخۡرَىٰ تُحِبُّونَهَاۖ نَصۡرٞ مِّنَ ٱللَّهِ وَفَتۡحٞ قَرِيبٞۗ وَبَشِّرِ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ
Kabilang sa tubo sa pangangalakal na ito ay isa pang katangiang iibigin ninyo. Ito ay madalian sa Mundo: na mag-adya sa inyo si Allāh laban sa mga kaaway ninyo at isang pagsakop na malapit na isasagawa Niya para sa inyo, ang pagsakop sa Makkah at iba pa roon. Magpabatid ka, O Sugo, sa mga mananampalataya ng magpapagalak sa kanila na pag-aadya sa Mundo at pagtamo ng paraiso sa Kabilang-buhay.
अरबी तफ़सीरें:
يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ كُونُوٓاْ أَنصَارَ ٱللَّهِ كَمَا قَالَ عِيسَى ٱبۡنُ مَرۡيَمَ لِلۡحَوَارِيِّـۧنَ مَنۡ أَنصَارِيٓ إِلَى ٱللَّهِۖ قَالَ ٱلۡحَوَارِيُّونَ نَحۡنُ أَنصَارُ ٱللَّهِۖ فَـَٔامَنَت طَّآئِفَةٞ مِّنۢ بَنِيٓ إِسۡرَٰٓءِيلَ وَكَفَرَت طَّآئِفَةٞۖ فَأَيَّدۡنَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ عَلَىٰ عَدُوِّهِمۡ فَأَصۡبَحُواْ ظَٰهِرِينَ
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa sa isinabatas Niya para sa kanila, maging mga tagapag-adya ni Allāh kayo sa pamamagitan ng pag-aadya ninyo sa Relihiyon Niyang inihatid ng Sugo ninyo, tulad ng pag-aadya ng mga disipulo noong nagsabi sa kanila si Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Sino ang mga tagapag-adya ko kay Allāh?" Kaya sumagot sila sa kanya, na mga nagdadali-dali: "Kami ay ang mga tagapag-adya ni Allāh." Kaya may sumampalataya kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na isang grupo mula sa mga anak ni Israel at may tumangging sumampalataya na iba pang grupo. Kaya umalalay Kami sa mga sumampalataya kay Jesus laban sa mga tumangging sumampalataya sa kanya, kaya sila ay naging mga nakadadaig laban sa mga iyon.
अरबी तफ़सीरें:
इस पृष्ठ की आयतों से प्राप्त कुछ बिंदु:
• تبشير الرسالات السابقة بنبينا صلى الله عليه وسلم دلالة على صدق نبوته.
Ang pagbabalita ng nakagagalak ng mga mensaheng nauna ng Propeta natin – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay isang katunayan sa katapatan ng pagkapropeta niya.

• التمكين للدين سُنَّة إلهية.
Ang pagbibigay-kapangyarihan sa Relihiyon ay isang kalakarang pandiyos.

• الإيمان والجهاد في سبيل الله من أسباب دخول الجنة.
Ang pananampalataya at ang pakikibaka sa landas ni Allāh ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso.

• قد يعجل الله جزاء المؤمن في الدنيا، وقد يدخره له في الآخرة لكنه لا يُضَيِّعه - سبحانه -.
Maaaring madaliin ni Allāh ang ganti sa mananampalataya sa Mundo at maaaring ilaan Niya iyon para rito sa Kabilang-buhay.

 
अर्थों का अनुवाद सूरा: सूरा अस्-सफ़्फ़
सूरों की सूची पृष्ठ संख्या
 
क़ुरआन के अर्थों का अनुवाद - अल-मुख़तसर फ़ी तफ़सीर अल-क़ुरआन अल-करीम का फिलीपीनो (तगालोग) अनुवाद - अनुवादों की सूची

अल-मुख़तसर फ़ी तफ़सीर अल-क़ुरआन अल-करीम का फिलीपीनो (तगालोग) अनुवाद। मरकज़ तफ़सीर लिद-दिरासात अल-इस्लामिय्यह की ओर से निर्गत।

बंद करें