क़ुरआन के अर्थों का अनुवाद - अल-मुख़तसर फ़ी तफ़सीर अल-क़ुरआन अल-करीम का फिलीपीनो (तगालोग) अनुवाद * - अनुवादों की सूची


अर्थों का अनुवाद आयत: (164) सूरा: सूरा अल्-आराफ़
وَإِذۡ قَالَتۡ أُمَّةٞ مِّنۡهُمۡ لِمَ تَعِظُونَ قَوۡمًا ٱللَّهُ مُهۡلِكُهُمۡ أَوۡ مُعَذِّبُهُمۡ عَذَابٗا شَدِيدٗاۖ قَالُواْ مَعۡذِرَةً إِلَىٰ رَبِّكُمۡ وَلَعَلَّهُمۡ يَتَّقُونَ
Banggitin mo, O Sugo, nang may isang pangkat kabilang sa kanila na sumasaway sa kanila laban sa nakasasamang ito at nagbibigay-babala sa kanila laban dito, may nagsabi naman dito na iba pang pangkat: "Bakit kayo nagpapayo sa isang pangkat na si Allāh ay magpapahamak rito sa Mundo dahil sa ginawa nito na mga pagsuway o magpaparusa rito sa Araw ng Pagbangon ng isang matinding pagdurusa?" Nagsabi ang mga tagapayo: "Ang payo namin sa kanila ay upang mapawalang-sala kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa sa ipinag-utos Niya sa amin na pag-uutos sa nakabubuti at pagsaway sa nakasasama upang hindi Siya manisi sa amin sa pag-iwan niyon, at nang sa gayon sila ay makikinabang sa pangaral saka magtatanggal sa taglay nila na pagsuway."
अरबी तफ़सीरें:
इस पृष्ठ की आयतों से प्राप्त कुछ बिंदु:
• إذا نزل عذاب الله على قوم بسبب ذنوبهم ينجو منه من كانوا يأمرون بالمعروف وينهون عن المنكر فيهم.
Kapag bumaba ang parusa ni Allāh sa mga tao dahilan sa mga pagkakasala nila, maliligtas mula roon ang mga nag-uutos sa nakabubuti at sumasaway sa nakasasama sa kanila.

• يجب الحذر من عذاب الله؛ فإنه قد يكون رهيبًا في الدنيا، كما فعل سبحانه بطائفة من بني إسرائيل حين مَسَخَهم قردة بسبب تمردهم.
Kinakailangan ang pag-iingat laban sa parusa ni Allāh sapagkat tunay na ito ay maaaring maging kakila-kilabot sa Mundo gaya ng ginawa Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sa isang pangkatin kabilang sa mga anak ni Israel nang ginawa Niya silang unggoy dahilan sa paghihimagsik nila.

• نعيم الدنيا مهما بدا أنه عظيم فإنه قليل تافه بجانب نعيم الآخرة الدائم.
Nagtakda si Allāh sa mga anak ni Israel ng pagkahamak at karalitaan at nagpahayag Siya na magpadala sa kanila sa bawat yugto ng magpapalasap sa kanila ng pagdurusa dahilan sa kawalang-katarungan nila at pagkalihis nila.

• أفضل أعمال العبد بعد الإيمان إقامة الصلاة؛ لأنها عمود الأمر.
Ang kaginhawahan sa Mundo gaano man lumitaw na ito ay sukdulan, tunay na ito ay kakaunting babahagya kung ihahambing sa mamamalaging kaginhawahan sa Kabilang-buhay.

• كتب الله على بني إسرائيل الذلة والمسكنة، وتأذن بأن يبعث عليهم كل مدة من يذيقهم العذاب بسبب ظلمهم وانحرافهم.
Ang pinakamainam sa mga gawain ng tao matapos ng pananampalataya ay ang pagpapanatili sa pagdarasal dahil ito ay haligi ng utos.

 
अर्थों का अनुवाद आयत: (164) सूरा: सूरा अल्-आराफ़
सूरों की सूची पृष्ठ संख्या
 
क़ुरआन के अर्थों का अनुवाद - अल-मुख़तसर फ़ी तफ़सीर अल-क़ुरआन अल-करीम का फिलीपीनो (तगालोग) अनुवाद - अनुवादों की सूची

अल-मुख़तसर फ़ी तफ़सीर अल-क़ुरआन अल-करीम का फिलीपीनो (तगालोग) अनुवाद। मरकज़ तफ़सीर लिद-दिरासात अल-इस्लामिय्यह की ओर से निर्गत।

बंद करें